JONA'S IMAGE -Para makita niyo kung gaano kalaki ang hinaharap niya.



"MOMMY, I was dreaming  last  night. Tito Prince Matthew is a prince warrior and he saved me from the vampire who's sucking my blood." Hinawakan ni Reghie ang kamay ni Mateo habang nakahiga ito sa hospital bed at siya naman ay nakaupo sa isang silyang nasa gilid ng kama. Maayos na ito at bukas ay puwede na itong lumabas.

"Mateo, baby. May sasabihin sa 'yo si mommy. Tito Prince Matthew saved your life. He gave you his blood para gumaling ka." Bigla na lang pumalahaw nang iyak si Mateo sa sinabi niya. Taranta siyang tumayo at umupo sa gilid ng kama. Pinaupo niya si Mateo at pilit na pinatahan. Maging si Russo ay tumayo mula sa sofang inuupuan nito.

"Bakit ka umiiyak?"

"Is Tito Prince Matthew dead?! Wala na siya blood!" Umiiyak nitong sabi. Hinaplos niya ang likod nito.

"I'm not dead, Mateo," tumigil ito sa pag-iyak nang makita si Matthew na kakapasok lang. Lumapit si Matthew at umupo sa gilid ng kama paharap kay Mateo.

"But mommy told me you gave me your blood. Wala ka ng blood." Hinawakan ni Matthew ang kamay ng bata.

"Tito Prince Matthew is strong kaya hindi mauubos ang blood ni tito. May sasabihin ako sa 'yo pero secret lang natin ha?" ani Matthew at tumango ang bata at parang handang-handa nang makinig.

"Tito Matthew is the real Prince Matthew the warrior prince." Nanlaki ang mata ni Mateo sa sinabi ni Matthew.

"But you have to keep it secret. I have to hide my real identity kasi baka sumugod dito ang mga kalaban." Mateo mouthed "Wow".

"Kapag 'yan umungot na ipakita mo ang itsura ng warrior prince ewan ko lang kung magustuhan mo." Napapailing na sabi Reghie.

"Bakit, ano bang sabi mong itsura ko?"

"Na isang bakal na brief lang ang suot mo."

"Seryoso?!" Nakangiwing untag nito at parang gusto na niyang matawa sa pagkadisgutong nakapaskil sa mukha nito. Syempre nagbibiro lang siya. Isang makisig na prinsipe na may suot na isang matibay na pilak na baluti ang diskripsiyon niya dito.

"Ask Prince Matthew to show his real identity, Mateo!" Russo said excitedly. Mukhang umiral na naman ang kamanyakan ng kaibigan niya. Nakasimangot naman itong nilingon ni Matthew.

"Sabihin niyo na sa bata ang sasabihin niyo," ani Russo at binalik ang pagiging makisig. Nagkapagdesisyon na si Reghie'ng ipakilala si Matthew biglang tunay na ama ni Mateo. Hinaplos niya ang ulo ng anak at hinalikan ito. Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng bata at pinaharap sa kanya.

"Mateo, baby. Diba ang baby dapat may daddy?" simula niya at sinulyapan niya si Matthew na seryoso ang mukha. Tila nahihirapan itong huminga sa sobrang kaba. Marahil iniisip nito na baka hindi siya matanggap ni Mateo. Muli niyang binalingan ang anak na seryosong nakatingin sa kanya.

"May sasabihin sa 'yo si mommy ah. You have to listen carefully. Si Tito Matthew, siya baby ang totoo mong daddy." Nanlalaki ang matang tumingin si Mateo kay Matthew at lilipat sa kanya.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!