Update na ako ngayon kasi medyo magiging busy muna ako bukas, this coming week actually. Prelim kasi ng  anak ko, kailangan pagtuonan muna ng pansin! Enjoy reading! Goodnight! Sa  nanghihingi ng update Kay Evo at Chloe try ko pong mag-update pero baka monday na. 

BTW:Thanks po sa 1k votes and 200 comments. hehe! Sobrang appreciate ko po! Loveyha all!! 


__


SOBRANG nasasaktan si Matthew na makita si Reghie'ng umiiyak at nasasaktan. 'Yon ang isang bagay na hindi niya gustong maramdaman ni Reghie kaya napilitan siyang itago ditong hindi ito gusto na kanyang ina. Pero mas nasaktan pala niya ito dahil d'on. Bakit naging manhid siya sa nararamdaman ni Reghie noon? Sa kagustuhan niyang protektahan ang damdamin nito ay lalo niya pa itong nasaktan. Lalo lang nawala sa kanya si Reghie. Hindi niya man lang naisip na nasasaktan na niya ito sa tuwing sasabihin niyang hindi pa siya handang magkaanak at magpakasal. 'Yon lang ang tangi niyang naisip na sabihin habang pinipilit niya ang sariling ina na tanggapin si Reghie. Paano pa ngayon maniniwala sa kanya si Reghie'ng walang namagitan sa kanila ni Vivienne? At ano pa ang halaga kong patawarin siya nito gayong may asawa na ito?

"Patayin na lang kaya natin ang asawa ni Reghie para tapos na ang problema mo. Kapag na byuda siya pakasalan mo na agad." Walang kuwentang suhesyon ng kaibigan niyang si Mark. Sabay-sabay na pinukol ng tatlo ng matalim na titig si Mark.

"May salitang "joke"," said mark as he raised the glass of liquor, calling for a toast, and everyone joined. Sa tuwing may problema siya, agad naman siyang dinadamayan ng mga kaibigan niya. At ngayon ay nasa Stallion Pub sila at paniguradong walang humpay na inuman naman ito. Gan'on sila kapag nagkakasama-sama, sky's the limit, pero siya naman ang niraratrat ng walang humpay ng mga asawa nito. Matthew swigged his Jager Bomb in three gulps.

"Whoo! Damn life!" Matthew exclaims anxiously at pabagsak niyang inilapag ang basong walang laman sa mesa.

"My life was fucking miserable! Akala ko ako ang unang magkakaroon ng happy-ending sainyo eh! Tang-ina! Mukhang wala na talaga akong pag-asa sa forever!" Matthew said hopelessly. Everyone laughs at his statement. Sa "forever and happy-ending" actually.

A few more minutes and several more shots go by.

"Si Reghie 'yon diba?" biglang sabi ni Mark habang nakaturo sa likuran niya. Napailing na lang siya dahil panigurado siyang pinag-ti-tripan lang siya nito. Muli siyang uminom at inisang lagok uli niya ang alak.

"Si Reghie nga. At mukhang hina-harass ng lalaki oh."

Sa pagkakataong ito ay lumingon na siya. Napakunot ang noo niya nang makita nga si Reghie na nakaupo sa isang stool sa bar counter. Someone seems harassing her. Nakatukod ang braso ng lalaki sa top counter at halos idikit na nito ang mukha sa mukha ni Reghie, pero panay tulak naman dito ni Reghie. Reghie seems really drunk. Agad na kumulo ang dugo niya para sa lalaki. Hindi nagdalawang isip si Matthew na tumayo para lapitan ito. He will fucking send this man in hell. Tiim ang bagang at nakakuyom ang kamaong lumapit sa kinaroroonan ng dalawa. He forcefully grabbed the man and struck him on the face. Bagsak ang lalaki sa sahig. Nagsipulasan naman ang mga taong malapit sa kanila. Matalim na titig ang pinukol nito kay Matthew at mabilis na tumayo. Akmang lalapitan siya nito pero hindi na naituloy pa nang hawakan ni Iñigo at Aiken ang lalaki sa magkabilang balikat mula sa likuran nito.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!