Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKAABRISETE si Reghie kay Russo habang papasok sa malawak na bakuran ng Malcolm kung saan dinaraos ang pagtitipon. Kasama rin niya ang buong pamilya. Reghie was beyond stunning in her emerald green halter long gown with v-deep plunging neckline, which showed a classy amount of cleavage and hugged Reghie's spectacular curves in all the right places. The back of her dress was completely open, allowing her to flaunt some skin. The gown was a little bit revealing but not trashy. She wore her hair in a tousled updo, matching the look with a classic smoky eyed.

"Pahiram ako ng gown mo pagkatapos mong gamitin ah. Pak na pak kasi— aww!" Halos mamilipit si Russo sa lakas ng kurot niya sa tagiliran nito.

"You look like an angel but you're a demon!" Angil sa kanya ni Russo pero pigil na pigil ang boses nito. Subalit mukhang narinig ng kanyang ama ang kanilang bangayan kaya nilingon sila nito. Isang matamis na ngiti lang ang ibinigay niya sa daddy niya.

"Kahapon pa ako sa 'yo buwesit ah! Sabi ko sa 'yo umiwas ka kay Matthew, pero pumunta ka pa talaga sa bahay niya!"

Iningusan lang siya ni Russo. "Epal ka talaga! Kung hindi ka lang dumating nabuhusan ko na sana 'yong apat na 'yon."

Nang tinawagan niya si Russo kahapon, napag-alaman niyang papunta ito sa bahay ni Matthew. Inimbeta raw ito ni Matthew para mag-work-out. Nagmadali siyang sundan si Russo dahil ayaw nitong paawat kahit binalaan na niyang huwag tutungo roon. At sa naabutan niyang tagpo ay lalong nadagdagan ang init ng ulo niya. She was pissed off with Matthew. Pagkatapos kasi siyang landi-landiin nito noong umagang iyon ay makikita niyang magkayakap si Jona at Matthew. It seemed Jona was crying while Matthew was comforting her. Sobra naman yata na si Matthew pa ang aalo kay Jona. May tiyahin naman ang dalaga na puwede nitong pagsabihan ng problema but she opted to cry on Matthew's chest than to cry on her auntie's shoulder.

The fuck! For sure inaakit talaga niya ang mahal ko. Another fuck! Anong mahal ba ang iniisip niya. Hindi niya mahal si Matthew. Hindi na. Nanggigil talaga siya ng sobra. Kung hindi lang kay Aling Gina ay pinatalsik na talaga niya si Jona. And one more thing. There's another factor to fuel her anger towards Matthew. Nalaman lang naman niyang kaya pala ito ginabi nang uwi noong nakaraang gabi dahil nasa bar lang ito at kasama ang evil sister niya. Nakakabuwesit 'di ba? To think na nilalandi siya nito at kung ano-anong mabulaklak na salita ang sinasabi sa kanya, eh mukhang interasado pa ito kay Jona at nakikipag-date pa sa kapatid niya. Ang kapatid naman niya parang kilig na kilig nang ikuwento sa kanya ang tungkol sa date nila ni Matthew. Kundi lang niya alam na parang iniinis lang siya ni Amira. Kailan pa ba ito nagkuwento sa kanya ng tungkol sa buhay nito. Nunka itong nagkukuwento ng tungkol sa mga dates nito. Chatting with her is the last thing Amira could do.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!