A/N: HIndi ko alam  kung  nabanggit ko ang pangalan ng asawa ni Mark sa SWAS. Tinatamad na akong back read kaya kung dman same ang name inform niyo na lang po ako.  Mali-mali din ako sa mga pangalan ng chracters dito. LOL! Like mudra ni Matthew na Nathalia naging Carmela.. XD! 

BTW: Yong part two ng BS hindi ko na sinama dito. Baka malito kasi kayo sa convo doon na hindi magkakatugma  sa  mga past chapters. May ginawa kasi  akong revision sa isang chapter. Pero someday mababasa niyo rin ang hot, wild, witty and kilig scenes na na-cut.  Enjoy reading.


---- 


"RUSSO SILVANO! I swear, if you don't show up, I'm going to tell your parents that you're gay!"

Inis na inis ang isang babae na nasa likod ni Matthew nakaupo habang nakikipag-usap sa telepono. He was currently in a fine restaurant to meet his colleague. Nakuha ang atensiyon niya ng isang babae nang marinig niya ang pangalang Russo. Hindi niya alam pero bigla ay sumagi sa isip niya si Russo na possible namang ibang tao sa dami ng mga taong magkakapangalan sa mundo. But as he heard "Russo Silvano" he confirmed it was Russo, Reghie's husband. Pero ang mas nakapagpagulantang sa kanya ay ang mga huling sinabi nito.

Hindi na siya nakatiis pa. Tumayo siya at nilapit ang babae. Humila siya ng upuan at umupo sa harap nito. Agad siyang tinaasan ng kilay ng babae.

"Excuse me! I know you're cute, hot and handsome but you're kind is not my type," pagtataray nito na ikinangisi niya.

"Were you talking to Russo Silvano?" diretsong tanong niya. Napaayos ng upo ang dalaga.

"Do you know him?" he could see the excitement in he face.

"If we were alluding the same person," aniya.

"I was referring my ex's girlfriend's husband," sabi ni Matthew at ang excitement sa mukha ng dalaga ay naapula bigla. Tinatamad itong napasandal saka umiling-iling.

"Regina McAllister," dagdag niya. Mabilis na napatingin sa kanya ang babae.

"Regina McAllister," ulit nito. At ayon sa reaksiyon ng dalaga ay mukhang kilala nga nito.

"So kilala mo nga sila. Ano ka ni Russo? Parang galit ka sa kanya, at narinig kong sinabi mong bakla siya," sunod-sunod niyang tanong. The girl took a sip of juice at muling tumingin sa kanya na parang naguguluhan.

"Anong sabi mo? Si Russo asawa ng ex mo na si Regina McAllister. Si Reghie?" tanong nito at tumango siya. Biglang tumayo ang babae pero maagap niyang nahawakan ito sa braso.

"Please let's talk. It seems there's something about you and Russo. Baka magkasundo tayo." Hinawakan niya ang babae sa magkabilang braso.

"Gusto kong mabawi ang mag-ina ko sa kanya. I sense na ikaw ang makakatulong sa 'kin."

"No. Hindi kita matutulungan." Matthew released his clasp on her arms. He pulled out his wallet from his pocket, withdrawing a calling card.

"Here. Take this. Tawagan mo ako kapag nakapagdesisyon ka na." The girl reluctantly took the calling card.

"I'm Matthew Del Prado. Ako ang tatay ng anak ni Reghie," he offered his hand and the girl accepted it to shake.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!