May mga tao talagang bastos ano? Ibinalik na nga dpa makapaghintay.

Huwag kang mgbabasa ng story ko kung sino ka man at para sa readers tong hindi bastos, hindi para sa tulad mo.

#MapagpatolAkoSaMgaTaongBastos

  TAHIMIK na nakaupo si Reghie at ang kanyang Mommy Amira sa gilid ng kama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin. Upang magpatuloy sa paglalathala, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 TAHIMIK na nakaupo si Reghie at ang kanyang Mommy Amira sa gilid ng kama. Nag-decide siyang puntahan ito para kamustahin. Nagbabakasali siyang hindi na ito galit sa kanya. Pinapasok naman siya nito sa silid ng katukin niya.

"I'm sorry, mommy," nakayuko niyang sabi. Pakiramdam niya ay siya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya.

"I'm sorry..." she snapped her head to her mother. Nakatingin ito sa dingding kung saan sila nakaharap.

Tumingin ito sa kanya. "Ako ang maraming kasalanan sa 'yo. Inilayo kita sa tunay mong nanay. Ipinagkait ko pa sa 'yo ang pagmamahal ng isang ina." Hindi niya inaasahan na maririnig niya ito sa kanyang mommy. At lalo na sa pagpatak ng luha nito.

"Mom, bakit po inangkin niyo ako bilang anak mo? Bakit hindi mo na lang ako ipinabigay?" Isa iyon sa ipinagtataka niya at ipinagpapasalamat kahit papaano. Inangkin siya nito bilang anak at hinayaang makasama niya ang kanyang tunay na ama.

"Siguro para mabawasan ang bigat sa loob ko. I could have abandoned you tulad ng gusto ni papa pero hindi ko nagawa. Tinubuan ako ng konsensiya kahit papaano. I decided to keep you as my child," mapait itong ngumiti saka nagpatuloy.

"Binalak ko naman talagang ibigay ka kay Enrique at sabihin ang totoo pero pinigilan ako ni papa. Totoong si Enrique na lang ang pag-asa namin noon para makaahon muli, at sa katotohanang mahal na mahal ko si Enrique kaya napapayag ako sa nais ni papa na pikutin si Enrique at ipaako si Amira sa kanya. Akala ko noon, mamahalin niya ako, akala ko matuturuan ko siyang mahalin niya rin ako pero hindi. Si Camellia pa rin ang mahal niya, kahit na kasal na kami ay hindi niya magawang yakapin ako sa pagtulog, hindi magawang halikan at higit sa lahat ay tinatawag niya ang pangalan ni Camellia sa pagtulog. Nagagawa niya akong halikan sa tuwing lasing siya pero paulit-ulit naman niyang sinasambit ang pangalan ni Camellia." Muli itong napayuko. Punong-puno ng hinanakit ang boses nito at nahahabag siya sa kanyang mommy.

"Sa 'yo ko ibinuhos ang lahat ng galit ko kay Camellia. Lalo't lumalaki kang katulad niya. Napakagandang bata, mabait at nakapamasunurin. Kitang-kita ko kung paano mo napapangiti at napapatawa si Enrique. Minahal ka niya kahit alam niyang hindi ka niya anak. Lagi pa niyang sinasabi sa 'yo sa tuwing naglalaro at nagkukunwang kang isang flight attendant. "You remind me someone, baby", pati si Amira ay diniktahan ko para talunin ka at hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya." Muli siya nitong tiningnan, hilam ng luha ang mata.

"I know sorry is not enough for what I have done to you. I made you feel worthless. I made you feel that you are not belong to this family... I' m so sorry!" Hindi na napigil pa nito ang pag-iyak ng todo. Maging siya ay naiyak na rin. Halo-halong emosyon ang nadarama niya sa mga oras na ito. Niyakap niya ang kanyang ina na agad namang gumanti ng yakap sa kanya.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!