AYAW na ayaw na ni Reghie na pinag-uusapan pa ang tungkol sa nakaraan nila ni Matthew. Matthew respects it. Marahil ay nasasaktan pa rin ito sa tuwing nauungat ang nakaraan nila. Kahit gusto pa niyang ipaliwanag dito nang paulit-ulit ang side niya ay hindi na lang muna. Sa tamang panahon siguro kapag handa na itong pakinggan siya. Minsan ay natatawa na lang siya dahil para siyang may sakit dahil sa sobrang pag-iwas ni Reghie sa kanya. Niloko nga niya na kaya panay ang iwas nito dahil baka magtubig na naman ang pagitan ng hita nito sa hawak pa lang niya. Isang malakas na batok tuloy ang nakuha niya mula dito. At kung nagtutubig man daw ang pagitan ng hita nito sa hawak niya wala naman daw siyang binatbat sa asawa nitong si Russo dahil makita pa lang ni Reghie na wala itong pang-itas ay nagwawala na ang hormones nito. At talagang nagpanting ang tainga niya sa narinig mula dito. Hindi niya gustong isipin na may nangyayari kay Russo at Reghie. Pagnaiisip niya ang bagay na 'yon ay gusto niya talagang pumatay.

Mabait si Russo aminado siya sa bagay na 'yon. Baka nga sinusunog na ang kaluluwa niya dahil sa balak niyang agawin si Reghie mula dito. Pero pasensiyahan na lang dahil wala na muna siyang pakialam kung sino ang masasaktan sa gagawin niya. Reghie and Mateo are only his.

"Russo dude, thanks for letting me to stay here. I owe you one. Just let me know kung may magagawa ako para sa 'yo pangbawi sa pabor na hiningi ko sa 'yo." Matthew said while they are sitting and having a dinner together.

Magkatabi sila ni Reghie na nakaupo. Si Mateo at Jona naman ay nasa kabilang bahagi ng mahabang mesa at sinusubuan nito si Mateo. Si Russo naman ay nasa dulo ng mesa na puwesto ng isang padre de pamilya at balang araw ay siya na ang uupo diyan. Ang plastik ba niya masyado? Oo ngat may masama siyang plano pero sincere siya sa pagpapasalamat dito.

"Swimming na lang tayo." Natigil siya sa akmang pagsubo at nag-isang linya ang mga mga kilay niya sa sinabi ni Russo.

"Aaw!" Napaigik bigla si Russo at napangiwi na hindi niya alam kung bakit.

"I mean. Swimming tayo, turuan mo si Mateo ng backstroke, breast stroke at kung ano-ano pang strokes. Sa sisid lang kasi ako magaling eh," ani Russo.

"Oo ba!" Aniya saka sinubo ang kanina pang nag-aantay na pagkain sa kutsara niya. Uminom ng tubig si Matthew saka patagilid na inilapit ang katawan kay Reghie at bumulong.

"Gusto mo babe turuan din kitang lumangoy?" Reghie frowned at him but smiled eventually.

"No need! Narinig mo naman ang sinabi ng guwapo kong asawa diba? Magaling. Siyang. Sumisid. And I love it!" Dahan-dahan ang bawat bitaw nito sa salita at ang paraan nang pagkakasabi nito ay talagang nakakairita para sa kanya. Nawala ang pagkakangiti niya sa sinabi ni Reghie. Umayos siya ng umupo at naiinis na muling sumubo. Alam niya kung anong sisid ang tinutukoy nito.

His impatient chewing has been slow due of the sudden emergence of mischief in the corner of his brain. Tumuwid siya ng pagkakaupo at tinignan si Reghie na kasalukuyang abala sa pagkain at may ngiti sa mga labi. Ibinababa niya ang isang kamay sa kanyang hita sa ilalim ng mesa at kapagkuwan ay ipinatong niya iyon sa tuhod ni Reghie. Natigil ito pagkain at gusto niyang matawa sa reaksiyon nito. Nanlalaki ang mga mata at paulit-ulit na napapalunok. Mabilis na uminom ng tubig saka siya nilingon. Reghie looked at him with a shocked expression on her face, but said nothing.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!