@i_amqueennikita/Insirah Chan  -  Happy birthday! Ang 18-year-old na mukhang 14-year-old. hehe! Such a baby face! Love you Insirah!




AS REGHIE entered the house, she immediately heard the booming laughters' resonating within the vicinity. Parang nagmumula iyon sa entertainment area na nasa papuntang hardin. Bitbit ang dalawang paper bag ay tinungo niya ang pinagmumulan ng mga boses and shoot! Matthew and Jona was there, watching television and laughing together. At hindi siya makapaniwala sa mga pinapanood ng mga ito. Isang anime kung saan ang mga characters na babae ay may naglalakihang suso. And there's more. Tama ba ang nakikita niya? Jona was different from her usual look. Iba ang suot nito. Isang simpleng bulaklaking bestida at bagay na bagay ito sa dalaga. Kitang-kita ang bawat kurba nito na nasa tamang puwesto lahat. Jona's dress was conservative cut and it fits with her conservative character. But she thinks the dress she was wearing was designed for women with smaller breasts, because it revealed her pushed-together breasts, exposing her cleavage o sadyang malaki lang talaga ang dibdib nito. Hindi naman siya ang tipo ng taong maiingitin pero bakit ngayon ay parang pakiramdam niya kinakain siya ng matinding inggit sa dalaga.

"Redge, nandiyan ka na pala," magiliw na bati ni Matthew sa kanya. Hindi niya namalayan na napatulala na pala siya. Ngumiti siya dito.

"Tara, join us. Maganda 'tong pinapanood namin.  Joy had introduced me to this kind of a film that was very entertaining to watch ." Buong pagmamalaking sabi ni Matthew.

At ano raw? Joy? Sinong Joy? Hindi man talaga siya sinalubong ng tarantado para yakapin at halikan. Lumapit siya at umupo sa pang-isahang sofa habang si Matthew at Jona ay magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. Parang nasa sinihan lang. May hawak na popcorn na nasa glass bowl si Matthew at panay ang kain ng dalawa.

"You look great, Jona," komplemento niya. Pero hindi niya alam kung guinuine ang pagpuri niya dito. 50/50 siguro dahil maganda naman talaga ito pero may halong inggit iyon. Hindi niya man gustong maramdaman iyon hindi niya talaga mapigilan.

"Salamat po, ma'am. Si Sir Matthew po ang—"

"Matt. Matt or Matthew na lang Joy, Okay?" Agaw ni Matthew sa sinasabi ni Jona. Ito pala ang Joy na tinawag nito. Oo nga pala, Jona Dhel Joy ang kabuang pangalan ng dalaga.

"Si Matt po ang bumili ng damit para sa 'kin." Marahas siyang napahugot ng hininga.

"Really? Paano?"

"Nag-shopping po kami kasama si Mateo, tapos pinamili rin po niya ako ng damit. Siya po ang namili. Nakakahiya nga po kasi sobrang mamahal eh."

"I told you it's okay. A beautiful woman like you deserves an expensive dress. Right Redge?" May gana ka pa talagang magtanong sa 'kin! Gusto niyang isigaw sa pagmumukha nito.

"Bakit pala Joy ang tawag mo sa kanya?" tanong na lang niya at pilit kinakalma ang sarili.

"It suits her," pabaliwalang tugon ni Matthew sabay tawa habang nakatingin sa TV screen. Sabay pa ang dalawang tumawa. Tumayo na lang siya at baka kung ano pa ang magawa niya dito.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!