"O sige. Basta i-attendance mo na 'ko agad ha?"

"Oo na. Bilisan mo."

Pinatay na ni Elmo ang call nya kay Nash at nag umpisang mag drive. Badtrip kasi yung babaeng yon.

Mabuti nalang at walang masyadong traffic sa dinaanan nya dahil kung meron, paniguradong sandamakmak na sermon and aabutin nya dahil kay Attorney Racho.

Pagkarating nya sa Adilet ay agad syang bumaba ng kotse pagkapark na pagkapark niya at kumaripas ng takbo papunta sa Room 19.

Nakahinga sya ng maluwag nang makitang wala pa ang prof nila.

"Ayon na pala si Magalona eh." Sabi ni Attorney Farr kay Jane.

"Moe. Sorry again last night ha? I didn't know na may gumagamit ng weeds sa party e." Ngumiti lang si Elmo.

"Okay lang, Jane. Nalusutan naman eh."

"Basta sorry ha?" Tumango lang si Elmo at ngumiti. Pagkatapos ay umupo na sya sa upuan nya.

Nakita niyang tahimik lang si Attorney San Jose at hindi tumitingin sakanya. Problema nito? Naninibago sya. Dati kasi, makita lang sya nito ay parang Lion na to na natanggalan ng sampung ipin sa galit.

"Good morning, Attorney San Jose." Bati nya dito. Hindi naman sya tinapunan ng tingin ni Julie at pinagpatuloy lang ang pagbabasa.

"Good morning class." Bati ni Attorney Racho.

Tumayo naman sila at bumati pabalik. "Good morning, attorney."

"Okay. Maupo na kayo. Late na tayo sa  discussion natin. Kaya 2 hours tayong magbebrain storming."

Hindi naman mapakali si Elmo at tingin lang sya ng tingin kay Julie.

"Kung hindi ka siguro masungit saakin non, baka naging tayo." Isip isip nya. "Fvck!? Elmo sabi mo ayaw mo matali!?" Saway nya sa sarili nya.
May boyfriend na ito at hindi na pwede. Pero gusto nya makilala pa ng mas malalim si Julie. Ano ba talaga ang meron dito? Ibang klase kasi. Wala naman sigurong masama diba?

"Magaloser, uy!" Tawag ni Nash sakanya. Mukhang nahahalata kasi nito ang pagnanakaw nya ng tingin kay Julie Anne. Agad namang nag iwas ng tingin si Elmo. Gusto nya batukan ang sarili nya sa mga pinagagagawa nya. Hindi pwede eh.

Sa loob ng 2 hours ay pilit na inalis ni Elmo ang tingin nya kay Julie at nakipag participate sa discussions.

--

Kanina pa nahuhuli ni Julie na tingin ng tinfin si Elmo. Pero hindi nya to pinahahalata

Naglettering nalang sya sa likod ng notebook nya para maalis ang focus nya at ilang kay Elmo.

"Attorney San Jose." Nagulat si Julie nang may humablot ng notebook nya.

"A..attorney." Yes, si Attorney Racho.

"Top 2 ka pa naman sa ranking at ang gagawin mo lang sa klase ko ay mag lettering!?" Sigaw sakanya nito. Pilit na kinukuha ni Julie ang notebook kay Attorney Racho.

"Elmo? Nilelettering mo ang pangalan ni Elmo?" Nagulat naman si Julie at nagtinginan ang mga kaklase niya maging si Elmo.

Kinuha ni Julie ang notebook nya at oo nga. 'ELMO' ang nalettering nya. Bwisit. Bakit ba ito ang nailettering ko!? Elmo ano ba!? Julie said to herself.

"Ayiiie. Si Attorney San Jose. Inlove na ata kay Attorney 1." Agad yumuko si Julie dahil ramdam nya ang pamumula ng mukha nya.

Dagdagan pa ng hiya ng nagtawanan ang mga kaklase nya.

Law of LoveWhere stories live. Discover now