“ Ih, Poy naman eh. Tabi nga aalis na ko.” Tapos pilit kong tinatanggal yung pagkakayakap nya sa akin.

“ Subukan mo lang.” pagkasabi nya nun napatingin ako sa kanya. Hala, ayan na. Siryoso nanaman yung muka nya. Kaya wala na akong nagawa, hindi na ako naglikot at hinayaan lang na yumakap sya sakin. Mas hinigpitan nya pa. Hmmm, hingahan ko kaya to sa muka? Di biro lang hehe.

Maya-maya pa bumalik na ulit sa kalmadong ekspresyon ang muka nya. Kapag kasi hindi na ako naimik, bigla yang lalambot.

“ Hindi pa kasi ako tapos, magtatampo na agad.” Mas inilapit nya ako sa bisig nya. Magkalapat ang mga noo, at tyaka sya muling nagsalita.“ Kahit naman kasi ano pang itsura at amoy mo, ikaw parin ang babaeng gusto kong unang masilayan ng mata ko kada gigising ako sa umaga.”

Yieh! Batukan nyo po ako. Sobrang kilig ang nararamdamn ko ngayon, to kasing Poy ko eh masyado akong pinapatay sa kasweetan. Ang swerte ko lang talaga sa kanya.

Agad ko siyang hinalikan ng padampi at tyaka ko sinagot yung banat line nya ngayong umaga. “ Poy naman eh. Di naman ako tampo, sa katunayan nga sanay na ako. Tyaka ako rin naman, ikaw lang ang gusto kong kasamang gumising tuwing umaga. Choosy pa ba ako? Eh saksakan kaya ng gwapo ang asawa ko.” sabay pisil sa matangos nyang ilong. Yun naman ang pangbawi ko, lalo kasi syang gumwagwapo kapag kumukunot yung noo nya eh.

At muli isa pang halik ang natanggap ko mula sa kanya. Tumayo na sya at nagsuot ng damit. Nang makarating sya sa pintuan.“ Mag-ayos ka na. Baka malate pa tayo.” At tuluyan na syang lumabas sa kwarto.

Pagkalabas na pagkalabas nya agad kong kinuha ang unan sa ulunan ko at itinakip ito sa muka ko, sabay impit na sigaw.

“ Yaaaaaaaaah!” oo, hanggang ngayon kinikilig parin ako. Kahit araw-araw ganito, hindi ko parin maiwasan. Bumangon na ako sa kama kahit sobrang kinikilig pa ako. Nagmumuka na nga akong tanga kasi hindi ko rin mapigilang sumayaw, kahit parehas kaliwete ang paa ko. Alam nyo yung sayaw ng mga inlab? Oo yan ang sinasayaw ko ngayon, pakiramdam ko kasi may bells na tumunog habang papunta ako sa banyo.

O teka lang, tama na sa kagagahan ko. Baka maging dahilan pa yun ng pagkadulas ko, alam nyo naman diba? May pagkatanga ako sa mga ganyang bagay, lapitin ng disgrasya. Naligo na ako at nagbihis. Paalis kasi kami ngayon. Saan papunta? Ayieh! Susunduin namin sina Papa ( father ko), Mama, Kuya Enzo at si Dad ( father ni Poy) sa Airport. At isa lang ibig sabihin nyan. Tuloy na tuloy na ang kasalan namin sa simbahan.

Kung sa akin nyo kasi tatanungin okay na, na kahit sa huwes lang kami kasal. Basta sya ang kasama ko, kuntento na ako. Pero sabi nya ni Poy. “ Ang babae hindi lang sa pamilya pinapakilala, mas maganda kung pati sa KANYA ihaharap kita.” Oh diba? O yung mga inggit dyan sa tabi-tabi, bahala kayo haha!

Si Poy kasi yung tipo ng lalaki na hindi palapag usap, pero pag nagsalita na mapapanganga ka. Kasi minsan hindi ko rin ma-absorb yung mga sinsabi nya. Biruin nyo, kahit pala nagmamadali sya noon na pakasalan ako at yun nga eh sa huwes ang naging last option nya, talaga palang gusto nya rin akong pakasalan sa simbahan at iharap sa Panginoon. Kaya hindi nyo ako masisisi kung gaano ako kathankful sa kanya. Bihira na kasi sa mga lalaki ngayon ang ganun diba? Yung iba pag nakuha na nila ang gusto nila sa babae, wala na. Iiwan na nila sa ere. Hindi ko nilalahat, pero hello? Totoo naman diba? Sadyang iba lang talaga ang Poy ko sa kanila. He’s one of a kind.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now