Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko, ramdam na ramdam ko ang init ng mga kamay niya.

"Marco kung naawa ka sakin, pwes hindi ko kailangan ng awa mo. Tama nang uminom ka na lang kasama ko."

"Alli, hindi ko kaya---hindi ko na kaya. Alli, I love you."

"Sinasabi mo lang yan kasi nakita mo na kong half naked."

"If you think that I love you beacuse I have needs I'll prove you that you're wrong. Pero wag kang mag alala. The love is not that strong. We can have open relationship. Use me for your revenge."

Revenge? Do I need to revenge? Should I do a revenge? Then what?

"Pag iisipan ko, Marco. Thank you for treating me like a baby, literally." We both chuckled and I leave his flat.

x x x

"Hoy Allisandra!" Sigaw sakin ni Jasmine mula sa baba. Hindi ko narinig na nasa pintuan na pala siya ng unit namin. Ang dami niyang dala-dala na bag. Panigurado, sobrang dami nanamang pinadala ng mama niya na pagkain. Haha. Foods!

Pinag bukas ko siya ng pinto at nag ready ng maging hyper para hindi niya ko mahalata. Bagong taon na. Ayokong maasar na parang nasabugan ng Piccolo ang pagmumukha ko dahil gusot na gusot.

"Hi Yobab! Happy new year!" Sigaw naming dalawa tapos nagyakapan. Pangalawang araw na ng bagong taon pero nagsisigawan pa rin kami. Well, normal naman namin tong conversation.

Nagkamustahan kami habang nakain ng letche flan na dala niya. Naikwento niya sakin na magkatext daw sila ni Kevin pagkatapos binati pa daw siya ni Jericho kaya lang bigla daw nagpalit ng DP si Jericho na may kasamang lalaki at agad daw siyang nalungkot pero may nag cheer up naman daw sa kanya. Ayun ay ang mga stolen shots ni Jericho na nasa photo album niya din.

"Ikaw ano namang ginawa mo?" Tanong naman sakin ni Jasmine. Kumamot lang ako ng batok.

Wala naman akong ibang ginwa kundi matulog, kumain, magmukmok.

"Syempre kachat ko yung boyfriend ko na ubod ng--"

"Walang kwenta!" Pagputol niya sa sinasabi ko. Akma ko naman siyang babatuhin ng kutsara na hawak ko pero tumawa lang siya.

"Tao po, happy new year!" Sigaw ng isang lalaki sa pintuan namin. Kitang kita namin siya sa screen ng pinto na may dalang bulaklak. Naglakad ng mabilis si Jasmine na buksan ang pinto para kay Marco na– ANG POGI SA RED NA POLO SHIRT AT KHAKI PANTS!

Okay pwede na bang mahulog ang panga ko sa sobrang effortlessly handsome niya?

Umupo siya sa sofa namin, naghain naman ako ng letche flan sa kanya at nilapag ko yun sa centertable. Jusko. Alam ko nang sasabihin ni Jasmine sakin nito. Umakyat siya ng kwarto niya kaya malaya kaming makapag usap ni Marco.

"Happy new year..." Inabot niya sakin ang flowers na dala niya.

"Thanks." sagot ko sa kanya. And he gave me a sweet smile. Alam ko naman kung bakit siya nandito. Alam ko nama kung anong sasabihin niya. Alam na alam ko kung para saan ang mga fresh na bulaklak na hawak ko.

"Gusto mong mag-mall? May bagong Pizza Parlor dun try natin." Yaya niya na may isang malaking ngiti. Omg, ang pogi niya. Mas pogi siya kay Raymond. Aminado ako dun.

Pumayag ako nagbihis ako ng maayos. Damit na hindi ako magmumukhang muchacha ni Marco. Ang pogi-pogi naman kasi niya eh? Sinamaan pa ko ng tingin ng bestfriend ko ng umalis kami. Saka ko na ipapaliwanag ang lahat sa kanya.

Habang nasa byahe kami, tahimik lang kaming dalawa. Yung aircon lang ang naririnig namin. Tahimik lang din kaming umupo sa Pizza Parlor. Magkaharap kaming umupo, pareho kaming naka tingin sa malayo. Awkward kaming nagkatinginan at napatawa siya.

"Ang tahimik ni Allisandra Nicohlie Sarmiento. Nakakapanibago baby." Sabi niya. Ngumiti lang ako. Ngumiti lang ako dahil sobra akong na-awkwardan sa pagtawag niya sakin ng 'baby'.

Palagi niya naman akong tinatawag na baby pero simula nung 'proposal' thingy ni Marco, nakaramdam na ko ng pagkailang.

"Bat ba ang tahimik mo 'Li?" Tanong niya.

"Wala lang." Tipid kong sagot.

"Awkward ba?"

"'Di ah!"

"Wag ka ng mailang. Kalimutan mo muna ngayon yun. Kumain muna tayo ha?" Malambing niyang sabi. Ngumiti lang ako.

Naenjoy ko naman yung pagkain namin. Bumalik kami sa normal naming pag uusap. Ang dami naming pinag usapan. Sobrang gaan ng loob ko kay Marco. Halos nakalimutan ko ang problema namin ni Raymond.

Nauwi sa inuman ang araw namin. Pero naoagkasunduan namin na di kami magpapaka lasing.

"Thank you sa araw na to Marco ha?" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Thank you lang ba wala man lang kiss?"

"Gago." Sabay irap ko sa kanya at tumawa lang siya. Inakbayan niya naman ako dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya. Gosh, ang tigas!

"Joke lang yun 'Li." Pahabol niya.

Nagstay lang kami sa ganung posisyon. Inisandal ko sa kanya ang ulo ko. Mabait sakin si Marco. Hindi ko nga alam na iaalok niya sakin ang tulong niya. Si Marco Yvo? Nag propose sa P.A. ng G.U team na maging Girlfriend siya. Damn! What a headline! Paniguradong mag wawala ang ibang mga babae na halos sambahin na ang kaperfectan ng lalaking yun dahil "Ako lang" to.

"Marco takot akong makasakit kagaya ni Raymond." Sabi ko.

Tila alam na ni Marco kung bakit ko biglang sinabi yun.

"Sanay na kong masaktan Alli. Wala na kong pakialam kung masasaktan ako sa gagawin ko. Ang mahalaga sakin, ay ang feelings mo."

"Then I want to be your girlfriend."

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon