BOOK 2- Chapter 23

1.1K 23 1
                                    

CHAPTER 23

"Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan? Umiiyak na lang palagi, gusto ko nang lumisan."
   -Sarah Geronimo





DAMON'S POV


When I first met Gibrielle, I didn't have the idea that she will change my life. She is the biggest change I have done. I stopped gang fights, I fell madly in love with her, I became the good boy. Sa tuwing naaalala ko ang una naming pagkikita, natutuwa ako. For the first time, may naglakas ng loob na umupo sa upuan ko. Iyon naman pala ay transferee siya. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakakita ako ng taong may magandang impression sa fraternity, hindi tulad ng iba na marinig lang ang salitang iyon ay matatakot na o ija-judge na kaagad ang mga taong involved. Siya hindi ganun. Pero dahil sa pinakita kong ugali sa kanya, nagbago ang pagtingin niya.

That was the first time na may babaeng hindi mawala-wala sa buong sistema ko. Oo, nagustuhan ko si Casper pero hanggang physical lang iyon, hindi nagtagal. Pero si Gibrielle? Damn! I didn't even know her para guluhin ang buhay ko.

Since then, hindi na ako nagdalawang isip pa. I want to know her, I want to piss her off. Sa kanya lang ako nakaramdam ng kakaibang feeling kaya hindi na ako magpapahuli at baka maunahan pa ako. Ginawa ko ang lahat para lang bigyan niya ako ng chance na makapasok sa buhay niya. I wasn't informed that it's so hard to catch her attention. And I am her first kiss, she was my first best ever kiss... our first kiss.

"Damn! What have I done?" Bulong ko sa sarili ko saka ininom ang hawak kong beer in can. "This is damn too much. It hurts seeing her in pain."

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hahayaan ko bang ilayo nila sakin ang babaeng mahal ko? O ako na mismo ang lalayo para hindi na siya mapahamak? O mas dapat bang ipaglaban ko ang pagmamahalan namin? Nangako kami sa isa't isa, hindi ba? Nangako kaming hindi kami mag-iiwanan. At hindi ko kayang iwan siya.

Nilabas ko ang phone ko at dinial ang number ni Hunter.

"Hunter..."

"Fvck, Damon! Nasaan ka?"

"I-I... I don't know..." tinapon ko ang hawak kong lata. "Kamusta siya?"

"Nasalinan na siya ng bagong dugo... and as of now... she's still unstable."

"I'm sorry." Iyon na lang ang tanging nasabi ko.

And that's it. Pumasok ako sa kotse ko at naghanap ng papel at ballpen. Sinulat ko doon ang mga gusto kong sabihin kay Gibrielle at iyon na ang paraan ko para magpaalam. Pagkatapos kong magsulat, nagdrive ako papunta sa bahay nina Gibrielle. Halatang walang tao dahil sa walang nakasinding ilaw. Bumaba ako at saktong lumabas si Lola Nida sa bahay nila. Nilapitan niya ako kaya hindi muna ako pumasok. Nagmano ako sa kanya pagkalapit niya.

"Bakit ka nandito, hijo? Hindi ba dapat binabantayan mo sa ospital si Gibrielle?"

"Ah..." nag-iwas ako ng tingin. "May kukunin lang po akong gamit ni Gibrielle."

"Ah, ganun ba? O sige, kunin mo na at ikaw na bahalang ilock ulit 'yan ha."

"O-Opo, sige po, la."

"Aba'y, ayos ka lang ba? Namumutla ka, para kang hindi mapakali."

Pinigilan ko ang pag-iyak. "Ayos lang po ako, la."

"Sigurado ka?"

Tumango ako.

"Sige na, papasok na ako."

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon