BOOK 2- Chapter 13

Magsimula sa umpisa
                                    

Pinaghanda ko ng pagkain si Damon. Pinainit ko ang tira naming ulam at kanin. Aniya'y nagpunta siya sa bahay nina Hunter para sana kausapin siya pero hanggang doon lang siya sa labas. Hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob para sumugod doon dahil alam niyang siya lang ang mapapahiya. Mabuti at napigilan niya ang kanyang sarili.

Pinapanood ko si Damon na kumain. Gutom na gutom siya. Naubos niya ang ulam namin at tirang kanin. Malalakas talaga kumain ang mga lalaki.

"Can I sleep here?" Tanong niya bago sinubo ang huling kutsara ng kanin sa kanyang plato.

Umiling kaagad ako. "No,"

"Why? I want to be with you."

Tumayo na ako para iligpit ang kanyang pinagkainan. "Damon, no. Uuwi ka."

"Why? I want to be with you." Pag-uulit niya.

Natawa ako. "Hindi pwede sabi, e. Huwag makulit."

Ngumuso siya. "Oo na. Hindi na ako makikipagtalo. Baka sumpungin ka pa."

"Ano?" Asik ko.

Humalakhak siya. "Wala!"

"May sinabi ka, e."

"Wala nga!"

"Damon!"

"What?" Pigil ang tawa niya.

"Grr."

Hindi ko na lang siya pinansin. Hinugasan ko na ang pinagkainan niya habang naghihintay siya sa sala. Kaunti lang naman kaya agad akong natapos. Pinuntahan ko siya sa sala at naabutang nanonood ng TV. Hindi ko pa siya pauuwiin dahil kakatapos lang niyang kumain. Alam niyang ayaw ko siyang pinapag-drive at pinapagalaw masyado kapag kakakain lang dahil baka magkasakit siya sa appendix.

Umupo ako sa tabi niya. Binalingan niya ako nang mag-commercial ang pinapanood niyang action movie. Gustong gusto ko talaga ang pakiramdam ng yumayakap ang kamay niya sa baywang ko. I feel secure. Bumaba ang tingin niya sa leeg ko... sa kwintas.

"Gusto mo bang tanggalin ko na?" Tanong ko.

"No," hindi niya inaalis ang tingin sa leeg ko. "It fits in you. Sayang lang dahil hindi ako ang nakabili."

"It doesn't matter kung sino ang nakabili. Hindi ko na isosoot 'to sabihin mo lang."

Tinignan na niya ako sa mga mata. "Hindi na kailangan, bhie. Baka magtampo pa sayo si Hunter." Ngumisi siya.

"Jino-joke mo na ngayon ang pagseselos mo." Tumawa ako.

Bumusangot ulit siya. "Huwag mo na nga ipaalala 'yun."

Humalakhak lang ako. Pero natigil ako nang mahalata kong nakatitig lang siya sakin. "Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"

"Wala," sagot niya. "Mas lumiliwanag ang aura mo kapag tumatawa ka."

"Bolero!" Napanguso ako.

"I miss kissing my snow white." Ngumisi siya.

Nag-init agad ang pisngi ko. "Damon ha!" Sigaw ko.

Siya naman ang humalakhak. "Didn't you miss your Prince Florian?"

"Damon!"

Nakikiliti na ako sa pilit niyang paglapit sa akin. Pero dahil sa hawak niya ako sa baywang, madali niya akong nakulong sa mga bisig niya. Tinatakpan ko na lang ang bibig ko kaya kamay ko ang nahahalikan niya.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon