BOOK 2- Chapter 12

1.3K 25 0
                                    

CHAPTER 12

"I don't like the way he's looking at you. I'm starting to think you want him too. Am I crazy, have I lost you? Even though I know you love me, can't help it."
-Nick Jonas; Jealous




Inaantok pa ako nang sunduin ako ni Damon sa bahay. Kahit na nakaligo na ako at nag-exercise, ramdam ko pa rin ang antok. Malamang sa pagod ko kagabi at late na ako nakatulog.

Bawat minuto, napapansin ko ang paglingon sakin ni Damon habang nagmamaneho.

"Don't mind me. Inaantok lang ako. Mag-drive ka ng maayos diyan." Sabi ko.

Hindi ko napansin na huminto si Damon sa isang restaurant. Ayaw niyang pinapakain ako sa mga fastfoods, dapat raw sa mga ganitong lugar. Masyado siyang maarte. Parang hindi siya dumaan sa pagkabata na tuwang-tuwa sa tuwing makikita si Jollibee at si McDonald.

"Kumain na ako, Damon. Bakit tayo nandito?"

"Hindi ka naman kakain," Sagot niya.

"Ha?" Pagtataka ko.

Imbes na sagutin niya ako, hinila niya ako paakyat sa second floor. Iyon naman pala, may spa dito sa taas. Ipapa-massage raw niya ako para magising ako. May kinausap siyang babae saka lumapit na ulit sa akin. Pinasunod niya ako dun sa babae na mukha namang mabait.

"Hindi ba tayo male-late?" Pahabol kong tanong bago pumasok sa isang kwarto.

"Nope," nakangisi niyang sagot.

Wala na akong nagawa kaya pumasok na ako ng tuluyan doon sa kwarto kung saan naghihintay na 'yung babae na nagpakilala bilang si Eleanor. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Damon para ipamasahe ako dito. Nginitian ako ni Eleanor. Inayos niya ang mga maliliit na botelyang may lamang iba't-ibang kulay ng oils.

"Ang sabi sakin ni Damon, inaantok ka daw. Ang gusto niya, bigyan kita ng masahe para magising ka ng tuluyan at hindi antukin sa klase." Sabi niya at pinahiga na ako sa isang maputing kama.

Inexplain niya sa akin ang mga gagawin niya at kung anong gamit nung iba't ibang oils na pinaghalo niya. Dahil sa inaantok talaga ako at wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya, pumikit na lang ako. Minasahe niya ang magkabilang temples ko, at may pinapaamoy sa akin. Mabango ang mga pinaamoy niya sakin. Nagmulat ako ng mga mata at parang bumalik ang energy ko. Hindi ko na maramdaman ang antok.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Damon na tahimik lang na nakaupo sa couch habang hinihintay ako.

"Ang swerte mo diyan kay Damon. Bata pa lang 'yan, kilala ko na." Bulong ni Eleanor sa akin.

Nilingon ko siya. "Anong ibig mong sabihin?"

Ngumisi siya. "Huwag kang mag-alala. Si Dimitri ang ex ko at wala akong gusto sa boyfriend mo. Para ko na lang kapatid 'yan."

Napangiti na lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong sasabihin ko. Nakakahiya sa kanya na para bang nag-isip talaga ako ng masama tungkol sa sinabi niya. Iyon pala, si Kuya Dimitri ang ex niya. Ano kayang nangyari at nagkahiwalay sila? Mukha namang mabait siya e.

"Bhie," Tawag ko kay Damon na hindi pa ramdam ang paglabas namin ng kwarto.

"Are you awake now?" Tumayo siya at lumapit sakin.

"Yup. Salamat sa mga oils ni Eleanor." Nakangiti kong sabi.

"Thank you," ani Damon kay Eleanor.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon