#NGBWChapterN v.2

1.9K 52 16
                                    

Lumipas ang mga buwan na tila nakalimutan na ni Cait ang plano niya. Wala ng sumunod na nangyari na may kinalaman sa mga humamak sa Kuya Clyde niya. Kahit paano ay nakatulong ang relasyon namin para makalimutan niya ang nakaraan at mamuhay ng normal. Sisikapin ko pang ipadama sa kanya ang pagmamahal ko para makalimutan na niya ang nakaraan.

Iyon nga lang, ang kapalit ng mga distractions na ginagawa ko sa kanya ay ako naman ang nagmamasid sa mga Isidores. Susubukan ko pa ring makamit ang hustisya para kay Kuya Clyde. Kahit ito man lang, magawa ko para kay Cait.

Kaya heto. sinusundan ko lang ang kotse nila pero may distansiya para hindi nila ako makita. Gusto ko lang malaman kung ano naging buhay nila matapos nilang tarantaduhin si Kuya Clyde. Pumasok pa ang kotse nila sa parking ng isang mall. Nakasunod pa rin ako pero sa ibang bay ako nag-park. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanila habang naglalakad lang sila papasok sa mall. Malayo pa rin ako sa kanila pero hindi sila nawawala sa paningin. Kita ko pang pumasok sila sa isang restaurant.

Nakakainis din pala ang mga ganitong klaseng mga tao, 'no? Nakaya nilang mamuhay na parang wala silang inagrabyado na pamilya; na para bang walang namatay na tao dahil sa ginawa nila. Kaya nauunawaan ko si Cait kung nagtanim siya ng galit sa pamilyang ito dahil wala ka man lang makikita sa kanila na pagsisisi sa ginawa nila kay Kuya Clyde.

Ang problema ko ngayon ay hindi naman ako nagugutom. Saan naman kaya ako tatambay habang hinihintay silang matapos kumain? Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at madadaanan ang restaurant na pinasukan ng mga Isidores. Kita kong nakaupo silang pamilya sa pinaka-sulok. Magka-diarrhea sana kayo.

Hindi ko na sana sila papansinin nang may mahagip ang mga mata ko. Napatingin ako sa isang babae na nakaupo rin sa loob ng restaurant. Sumikip ang dibdib ko.

Si Cait. Kita kong nakatingin lang siya sa mga Isidores. So, hanggang ngayon ay hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang paghihiganti. Tuloy pa rin siya sa pinaplano niya? Ang sakit. Hindi ko na alam kung paano siya pipigilan.

Kita ko pang may lumapit kay Cait na isang waitress. "Ano po ang inyong order, ma'am?"

Naputol ang pagmamasid niya sa mga Isidore dahil sa paglapit ng waitress. Napabuntong-hininga na lang siya sabay tingin sa menu nila. Kita ko pa na nanlaki ang mga mata niya sa menu. 

"Ano, ahmmm..." Sambit ni Cait na hindi alam kung ano ang o-orderin. "Ano'ng mura rito?"

"Po?" Tanong ng waitress na nagtataka.

Akma nang tatayo si Cait at sinabihan ang waitress ng, "Nevermind—"

Pagputol ko sa sinasabi niya dahil nakapasok na rin ako sa loob ng restaurant at nakatayo na sa harapan niya. "Uy, Cait."

Napalingon naman siya sa akin na pansin ang pagkagulat. "Tres..."

Gusto ko siyang yakapin at sabihin na tama na, Cait. Hindi mo kailangan gumanti, na okay lang na kalimutan mo na ang nakaraan para lang mamuhay ka ng maayos ngayon. Pero, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil wala naman akong kuya na napagbintangan at pinatay sa kulungan, at walang nanay na namatay.

"Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan," Wika ko sa kanya sabay upo sa harap niya. Nginitian ko siya kahit na nasasaktan ako. "Wala ba kayong mix and match dito? Charot! Wait lang, ha. Check ko lang iyong menu."

Kinuha ko naman ang menu at tinignan ito. Kaya pala nanlaki ang mga mata niya kanina kasi mahal pala ang presyo rito. Medyo masakit din sa ulo ang pangalan ng mga cuisine nila. Buti na lang ay may mga pinsan akong lumaki sa France kaya medyo may alam ako sa French.

Tinignan ko naman si Cait. "Ako na ang oorder para sa atin, ha?" Tumango naman siya kaya tinignan ko na ang waitress. "Je voudrais le Boeuf Bourguignon, les Tomates Farcies, et la Blanquette de Veau, s'il vous plaît." I would like the Boeuf Bourguignon, the Tomates Farcies, and the Blanquette de Veau, please.

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now