#NGBWChapterI v.2

4.8K 107 29
                                    

@PussyCait, this is just a gentle reminder na never compare yourself to others.

Pag-send ko ng quotes kay Cait habang nandito ako sa work ko ngayon sa Longston, Inc. Dapat ganyan, boys. Laging may pa-motivational quotes para ma-inspire ang babae sa life niya dahil behind every successful woman is a motivational quotes from a man. Charot!

@TRESemmé, okay?

Natawa naman ako sa reply niya. Akala mo bawat letra na ita-type niya sa pagsagot sa akin ay bayad kaya ang tipid sumagot! Wala man lang thank you for reminding me that I was born unique. Nagpigil naman ako ng tawa habang nagtitipa ng isasagot ko sa kanya.

@PussyCait, kasi babae ka, comare dapat. never comare yourself to others. dapat gan'on

@TRESemmé, dapat talaga hiwalay ang chat ng mga shampoo

Hindi ko na natiis ang hindi humalakhak. Napalingon pa sa akin ang mga katrabaho ko. Nag-peace sign naman ako habang kinakalma ang sarili ko. Barubal na rin talaga itong sumagot si Cait simula nang mapasama sa amin ni Joao.

@PussyCait, sunduin kita mamaya. date tayo please. miss na kita uwu 👉🏻👈🏻

@TRESemmé, kahit araw-araw tayong magkasama?

@PussyCait, kulang pa iyong araw-araw. hihi.

@TRESemmé, kahit naman tumanggi ako, susunduin mo pa rin ako. ikaw na ang bahala tutal decisionavility ka.

@PussyCait, HAHAHAHAHAA. oki bebe. work muna me for our future.

@TRESemmé, k.

Napa-iling na lang ako sa sagot niya. Apaka-sungit, si Anger lang ata ang emotion mayroon siya. At kunwari pa siya, in-love naman na talaga ito sa akin. Boto na nga sa akin ang papa niya. Gusto ko rin siyang ipakilala sa family ko pero nahihiya pa siya, saka hindi pa raw kami.

"Suarez," Tawag sa akin ng ka-trabaho ko kaya napalingon naman ako sa kanya. "Okay na iyong papers. Papirma mo na lang sa mga directors. Salamat!"

"Noted po, ma'am." Mabait kong sagot.

Kapag nasa work ka talaga ay kailangan mong mag-ibang tao dahil alipin lang ako ng salipi at kailangan ko ng pera. Kailangan mong maging mabuti at masipag na tao kahit na masama talaga ang ugali mo. Charot.

Tumayo naman ako at kinuha ang folder sa kanya. Ito talaga ang role ko sa legal department, ang maglibot sa buong building para hanapin ang mga directors at magpa-pirma ng mga dokumento. Okay na rin, nakakaubos din ng oras ang maglibot sa buong building. Tas, may nakikilala pa ako kaya dumadami ang influence ko. Sabi ko nga follow nila ako sa mga social media accounts ko. Kimi!

Papunta na ako sa elevator nang makita ko si Miss Lilyana---ang fiancé ng pinaka-mabuting nilalang na nabubuhay sa mundo na si Jorgio Longston. Sa sobrang bait niya, sana ay kunin na siya ni papa she shoes. Kimi!

"Magandang umaga po, Ma'am." Bati ko sa kanya at yumuko pa ng kaunti para magbigay galang sa soon-to-be-wife ng soon-to-be-CEO ng Longston, Inc.

Napatingin naman siya sa akin at napangiti na rin sa akin. "Good morning din. Naku, h'wag ng ma'am. Hindi naman ako ang boss mo. Miss Lilyana na lang."

See? Ang bait niya talaga. Ewan ko ba kung ano ang nakita niya para magpakasal sa ubod ng sama na si Sir Jorg. Unlike poles of different magnets attract each other ba talaga? Sabagay, magkaiba rin naman kami ni Cait. Pero, hindi naman sobrang layo ng pagkakaiba. Itong si Sir Jorg at Ma'am Lilyana ay milya-milya ang linayo sa isa't isa.

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now