#NGBWChapter1 v.2

3.9K 68 5
                                    

"Magandang gabi po, 'pa." Bati ko kay papa nang makapasok na ako sa bahay namin. Lumapit pa ako sa kanya para magmano. Nakaupo kasi siya sa sala at nanonood ng balita. 

"Kumain ka na ba?" Tanong pa niya sa akin. "May tinabi akong ulam sa'yo, Cait. Sensya na't 'yan lang ang nakayanan ko."

Nginitian ko naman siya. "Okay lang po, 'pa. Sige po, kain lang po ako ng hapunan. Salamat, 'pa."

Naglakad na ako papunta sa kusina namin kung saan nandoon din ang lamesa namin para sa pagkain namin. Maliit lang ang bahay namin. Ganito na ito simula noong bata pa lang ako. Hindi na namin nagawang mapaayos pa ito dahil sa nangyari sa amin 18 years ago. Iyong bahay namin, naging simbolo siya sa kung ano ang nangyari sa buhay ng pamilya ko. 

Naupo na ako at inilapag ang bag ko sa katabing upuan. Binuksan ko ang platong nakatakip sa isa pang plato. Itlog na maalat na may kamatis at sibuyas ang ulam namin. May natira pang daing si papa na hinati niya ang isang piraso para sa aming dalawa.

Muli kong tinignan si papa na tutok pa rin sa de-antenna naming TV. Buti na lang na hindi sumuko si papa sa kabila ng mga nangyari sa buhay namin kaya hindi rin ako sumusuko. Babalikan ko silang lahat. Ipaparanas ko sa kanila ang ganti ng isang api.

Sumandok na ako ng kanin at nagsimulang kumain. Habang kumakain ay bigla kong naalala si Attorney Suarez. You're hired...

Literal na I was too stunned to speak ako sa moment na iyon kanina. Paulit-ulit kong naririnig iyong linya niyang iyon. Like paano siya naging kampante na i-hire ako agad e hindi pa naman niya ako ini-interview? Gusto ko pa sana siyang kausapin pero bigla na lang siyang lumabas na parang may hinahabol na oras. Kaya pinauwi na lang ako ni Sir Ponyo at sinabing bumalik na lang bukas dahil iyon na ang start day ko. Ang mahalaga ay natupad ang plano kong makapasok ng trabaho sa kaibigan ni Prosecutor Zarraga.

Atty. Tresmiro Jace Suarez...

Alam kong nagmula siya sa angkan ng mga Suarez. Hindi naman sila gan'on ka influential gaya ng ibang mayayamang pamilya pero sikat ang pamilyang Suarez sa ibang larangan. Wala nga lang akong kilalang Suarez bukod sa kanya.

Tumayo ako para maghugas ng kamay. Matapos niyon ay pinunas ko ang kamay ko sa suot kong pants sabay kuha ng cellphone ko. Muli akong naupo at tinipa sa cellphone ko ang pangalan ni Attorney Suarez.

Atty. Tresmiro Jace Suarez: A Public Servant from a Business Clan

Atty. Tresmiro Jace Suarez is a name that resonates with dedication, commitment, and service. As a public attorney, he has dedicated his career to providing legal aid to the indigent, oppressed, marginalized, and underprivileged members of society. His work aligns with the mission of the Public Attorney's Office (PAO), which is to ensure that "free access to courts shall not be denied to any person by reason of poverty".

But Suarez's story is not just about his legal career. He hails from a well-known business clan, the Suarez family. This background has given him a unique perspective on the intersection of business and law, and how the two can work together to create a more just society.

Despite his family's business background, Suarez chose a different path. He chose to serve the public, to use his legal expertise to help those who need it most. This choice speaks volumes about his character and his commitment to social justice.

Atty. Tresmiro Jace Suarez is more than just a public attorney. He is a symbol of dedication, a beacon of hope for the underprivileged, and a testament to the power of choosing service over self-interest. His story is a reminder that no matter where we come from, we all have the power to make a difference.

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now