#NGBWChapter8 v.2

2.1K 52 6
                                    

Ang sikat na silog kainan sa Pasig, ang "Silog Pasig", ay patuloy na kinababaliwan ng mga tao dahil sa kanilang natatanging menu.

Ang "Silog Pasig" ay kilala sa kanilang iba't ibang silog na may kasamang espesyal na sawsawan na gawa sa secret recipe ng may-ari. Ang kanilang pinakasikat na dish, ang "Supreme Silog", ay binubuo ng malasang tapa, malutong na itlog, at sinangag na may halong tinapa at kamatis.

Dahil sa kanilang natatanging lasa at serbisyo, patuloy ang pagdagsa ng mga customer mula sa iba't ibang panig ng Metro Manila. Ayon sa may-ari, "Nagpapasalamat kami sa suporta ng aming mga suki. Patuloy kaming maghahatid ng masasarap na silog para sa inyo."

Ang "Silog Pasig" ay bukas mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi at matatagpuan sa Pasig. Sa mga naghahanap ng masarap na silog, dito na kayo sa "Silog Pasig"!

Puro Silog Pasig ang laman ng newsfeed ko lately. Sikat na sikat kasi ngayon ang kainan na ito dahil ilang mga vloggers ang dumadayo pa rito. Mukha namang masarap ang pagkain nila. You'll never go wrong naman kasi sa silog, e. Lahat naman ay gusto ang silog lalo na kapag breakfast. Madaanan nga ito minsan.

Dahil weekend ngayon kaya nakatambay ako sa shop ni papa na nasa harap ng school. Nabo-bore kasi ako sa bahay. Isa talaga sa skills na proud ako ay ang bilis kong mag-photocopy ng napakaraming mga documents. Like kapag 5 copies each, kaya ko pa sila ipwesto na pakaliwa, pakanan, paharap, at patalikod na magkakapatong-patong. Tas mabilis pa akong mag-stapler.

"Pa," Tawag ko kay papa na nakaupo katabi ang xerox machine. Napatingin naman siya sa akin. "Bili lang po ako ng ulam natin sa karinderya. Magtanghali na kasi."

Tumingin muna siya sa orasan na nakasabit sa wall bago niya akong muling tignan. "Sige, 'nak. Kuha ka na lang ng pera d'yan sa drawer."

Nginitian ko naman siya. "Hindi na, 'pa. May pera pa naman ako rito. Labas lang ako saglit."

Lumabas na nga muna ako sa small shop namin. Naglakad lang ako saglit dahil may malapit lang naman na karinderya sa amin. Hindi na ako nagpayong kahit tirik na ang araw. Hindi na para magpayong pa dahil wala namang akong hinahabol na kaputian. Charot!

"Ate, may chicken wings kayo?" Tanong ko sa tindera.

Lumapit naman siya sa mahabang lamesa nila kung saan nakalagay ang malalaking kaldero ng mga ulam nila. "Meron po." Sagot niya sabay turo sa kaldero ng chicken wings.

Tumapat ako sa kaldero na 'yon at binuksan. Masarap kasi ang garlic parmesan chicken wings nila. "Saan dito ang left wings?" Tanong ko sa tindera.

Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya. "H-ha?"

"Charot lang." Sagot ko naman sa kanya kaya nagtawanan kaming dalawa. "Sampung pirasong left wings."

Kumuha naman siya ng plastic labo para paglagyan ng order ko.  Lumapit pa siya sa kaldero at sinandok ang chicken wings. "Hirap man i-identify kung ano ang kaliwa o kanan dito." Sagot pa niya sa akin.

"Ang hirap talagang makita ang pagkakaiba nila kung pare-pareho sila ng itsura." Hirit ko pa. "Minsan hindi mo na rin malalaman kung alin ang tama at mali sa pag-ibig. Dahil sa huli, pareho lang silang magkakamukha, pareho lang silang nagbibigay ng kasiyahan sa atin. Pero ang pinakamahirap, pareho lang silang nagdudulot ng sakit... sakit sa puso kapag sobra-sobra na ang pagmamahal. Kimi!"

Matagal akong tinignan ni ate na parang hindi inaasahan ang litanya ko. "Ay, chicken wings pa ba ang binibili mo o kalderetang kambing? Dahil iba ang hugoat mo."

Natawa naman ako sa kanya. Inabot ko na sa kanya ang bayad matapos niyang ibigay sa akin ang binili kong chicken wings. "Salamat, ate."

Naglakad na ako pabalik sa shop naming Pakopya ni Edgar. Nasa malayo pa ako pero kita ko ang isang lalake ang nasa harap ng shop namin. Halata namang inaasikaso na siya ni papa. Bumagal ako sa paglalakad habang nakatitig sa lalake. Kahit side profile lang niya ang nakikita ko ay tanda ko ang mukha niya.

Never Good But Worthyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن