#NGBWChapterC v.2

4.9K 104 38
                                    

Sakto namang nagbukas ang elevator kaya hindi na ako nakasagot. Naglakad na kami papunta sa room. Pagbukas namin ay maliit lang siya na may iisang kama. Naupo naman si classmate sa gilid ng kama habang ako ay nanalamin muna.

Lalake ako pero awkward din sa akin ito. Hindi ko naman itatanggi na may mga nakaka-one night stand ako since college. Iba lang ngayon kasi hindi naman kami naglalandian ni Caitlin para magsama kami sa iisang room.

Tinignan ko naman siya mula sa salamin. "Don't worry, Caitlin. Wala akong gagawin sa'yo. My mom was a rape victim. Hindi ko kayang gawin sa babae ang nagbigay trauma sa mom ko."

Napatingin naman siya sa akin at napatitig sa repleksyon ko sa salamin. Matagal niya akong tinitigan na para bang prinoseso muna ng utak niya ang sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan na mag-oopen ako ng ganitong topic sa kanya. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko 'yon pero 'yon ang last card ko para hindi siya mag-worry dahil babae pa rin siya.

"Sorry sa nangyari sa mom mo." Tugon naman ni Caitlin sa akin. "At don't worry, alam ko namang safe ako sa'yo. Hindi lang ako sanay na may kasamang lalake sa iisang kwarto."

Nginitian ko naman siya at hinarap. Sumandal pa ako sa wall sabay pamulsa. "Maganda ka naman, Cait. Kung may gagawin man ako sa'yo, iyon ay ang pormahan ka."

Naningkit na naman ang mga mata niya at kita kong medyo namula siya. "Bwisit. Ang landi mo talaga."

Natawa naman ako. "Malandi ba ang turing kung ikaw lamang ang aking pinipintuho, at wala nang iba pa. Maaari bang tawagin itong pagiging malandi, o marahil ay isang malalim na paghanga sa binibining marikit?"

Napapikit na siya at huminga nang malalim. "Tresmiro, please stop."

Natawa na lang ako sa kanya. "Sige na, maligo ka muna."

Tumango naman siya  bago tumayo. Sinundan ko lang siya nang tingin nang pumasok na siya sa banyo. Ako naman ay hinubad ko ang polo shirt ko dahil basa pa rin siya ng ulan. Naupo lang ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone ko para i-text si Fort.

@TheFortSantiago pasabi sa mga magulang mo, late akong makakauwi.

@TRESemmé y daw?

@TheFortSantiago tingin ka sa labas

@TRESemmé yeah i know it's raining. butas ba bubong ng car mo kaya 'di ka makakauwi? o ayaw mong mabasa ang car mo? care to explain? kasi it's easy to tell na it's because of chix that's why you're gonna go home late. 'cause it's unbelievable to say na you're gonna study overnight e first day mo pa lang sa law school. lol

@TheFortSantiago gago baha sa daan! dami mo namang naisip na rason!

@TRESemmé ok. ingat ka raw sabi ng mga bumuo sayo.

Putragis talaga 'tong bunso namin! Madalas napaka-pilosopong kausap. Tahimik na bata pero gago sa amin ni Dos lagi. May pa-chix pa siya e siya nga itong pwedeng makapang-chix lagi dahil sa mukha niya!

I wonder kung bakit wala pa rin siyang girlfriend hanggang ngayon. Kami ni Dos ay nagkaroon naman though pareho kaming single ngayon since focus ako sa law school, si Dos naman ay focus sa med school.

Iyong nickname pa na binigay sa akin ni Fort sa chat ay ginawa pa akong brand ng shampoo. Buti pa siya, iyong nickname na ginawa ko sa kanya ay historical place! Isang bagay lang naman ang magpapabaho sa pagkatao niya, kapag tinawag mo siya sa palayaw niya na Natoy! Dahil galit na galit siya kapag tinatawag mo siyang Natoy.

Never Good But WorthyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu