#NGBWChapter16 v.2

2K 59 10
                                    

"Ang ganda po ng kusina niyo, attorney." Komento ko habang patuloy na nagluluto ng sinigang. "Kumpleto po kasi sa gamit. Nagluluto rin po kayo?"

Nakapangalumbaba pa rin siya sa harapan ng lutuan na pinapanood lang akong magluto. "Oo, pero s'yempre hindi ako sure kung masarap. Hindi naman porke't marunong kang magluto, ibig sabihin ay masarap ka nang magluto. Need lang naming matutong magkakapatid na magluto dahil may trabaho sina papa at mama. Alam ko namang nagpa-plastikan lang kaming magka-kapatid sa mga luto namin at tinatawid na lang kesa magutom."

Natawa naman ako sa sagot niya. Hay, nakaka-inggit kasi hindi ko na naranasan iyong ganyang bonding kasama si Kuya Clyde. "Nakita ko nga po ang picture niyo sa sala. Kapatid niyo po ba si Sir Mon? Bakit po iba ang apelyido niya sa inyo?"

"Ah, napulot lang kasi namin siya sa ibabaw ng tae ng kalabaw." Mabilis naman niyang sagot.

Napatingin naman ako sa kanya sabay taas ng kilay. "Seryoso po?"

Natawa naman siya. "Charot lang! Apaka seryoso mo talaga, wswsws. Kulang ka talaga sa count to ten. Kimi!"

Napairap lang ako dahil puro kabastusan na lang ang lumalabas sa bibig niya. Tumalang siya at nagkwento na. "Hindi siya officially adopted kasi may legal guardian pa siya, iyong kuya niya. Bale si mama na kasi ang kinilala niyang mama at sabay silang lumaki ni Ate Isah kaya ayon, parang kapatid na namin siya dahil sa amin na siya halos lumaki. Siguro kung namatay si Kuya Zeki, baka naampon 'yon si Kuya Mon nila mama at papa. Pero, hindi mamatay-matay si Kuya Zeki kahit puro alak na ang dumadaloy sa katawan niya."

"Parang ginusto mo namang mamatay iyong kuya ni Sir Mon." Sagot ko naman sa kanya.

Natawa lang siya ulit. "Hindi naman. Amaze na amaze nga ako sa kanila ni Kuya Chuckie, iyong pinsan nila, dahil sumuko na lang si San Pedro sa kanila. Umaga pa lang, umiinom na iyong dalawa na iyon."

Hindi ko naman kilala iyong kinukwento niya dahil hindi ko naman sila nabasa sa family profile nila. Iyong Sir Mon lang talaga ang familiar ako. "Ang amazing po ng pamilya niyo, 'no. Tanggap na tanggap niyo po sila kahit hindi kadugo. Kasi kung hindi lang iba ang apelyido ni Sir Mon, iisipin ko rin na isa siyang Suarez."

Matagal lang akong tinitigan ni Attorney Tres bago ako ngitian. "Si Kuya Zeki at Kuya Chuckie kasi ang nakasama ni mama noong nag-struggle siya sa PTSD niya. Kaya malaki ang utang na loob namin sa kanila. Si mama. She's a rape victim kasi noong dalaga pa siya."

Napabuka lang ang bibig ko sa sinabi niya. Gosh, hindi ko ma-imagine kung ano'ng hirap ang pinagdaanan ng mama niya. Kapag may naririnig akong biktima ng rape, minsan napapaisip ako, paano nila kinakayang mabuhay sa araw-araw knowing na may bumaboy sa kanila?

"Buti naging okay na po ang mama niyo?" Tanong ko pa.

Tumango naman siya na nakangiti. "Naging maganda at solid kasi ang support sa kanya. Noong una ay wala kaming alam nila Dos at Fort, si ate at Kuya Mon lang ang pinaka may idea. Wala pa kasi kami sa mundo noong nangyari 'yon sa kanya pero parang na-trauma rin kami. Minsan, ang hirap sa amin na magkakapatid na pag-usapan ang nangyari kay mama. Buti na lang ay kinaya ni mama dahil wala kami sa mundong ito kung sumuko siya."

Napa-isip naman ako sa kwento niya. Kung nagkaroon kaya ako ng maganda at solid na support para gumaling ako sa trauma ko sa nangyari sa pamilya ko, aabot pa kaya ako sa mga ginagawa kong pagpatay? Pero wala, e. Mahirap lang kami kaya walang support, need namin ni papa na magpatuloy sa buhay dahil magugutom kami kapag nagpalugmok kami.

"Malaking factor siguro na nagkabalikan sila ni opapa noon." Patuloy pa ni Attorney Tres. Ang cute namang pakinggan na opapa ang tawag nila sa papa nila. "Lumaki kami na sobrang inalagaan ni opapa si mama. Ginawa ni opapa ang lahat para makabawi. Lahat ng suporta para makatulong sa pag-heal ni mama ay binigay ni opapa. Spoiled si mama at ate kay opapa dahil ang laki raw ng pagkukulang niya sa dalawa. Kami namang boys, pinalaki kami ni opapa na protektahan ang dalawang babae sa pamilya namin. Sabi naman ni mama, napatawad na niya ang gumawa n'on sa kanya."

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now