#NGBWChapter20 v.2

2.2K 66 26
                                    

Papa...

Hindi ko alam kung nagkamali ako ng dinig pero papa talaga ang sinabi nang bata na tumawag sa telepono. Tinawag niyang papa si Attorney Tres. Pero noong pinagmasdan ko lang si Attorney Tres ay parang wala lang sa kanya. Inangat niya na kasi ang receiver kaya hindi ko na alam ang mga pinag-usapan pa nila. At binaba lang niya ang tawag na parang nakipag-usap lang siya sa random kid.

May anak ba sa pinagka-binata si Attorney Tres?

Hindi ko na lang inusisa dahil kung sakaling may anak na siya, pribadong buhay na niya 'yon. Hindi naman namin kinompirma kung ano nga ba ang mayroon sa amin. Go with the flow lang, ika nga. So, wala ako sa posisyon para mag-usisa. Hintayin ko na lang siya siguro na magkwento. At kung may anak nga siya sa pagkabinata, siguro kailangan ko rin ihanda ang sarili ko para sa kanya.

Lumipas ang mga araw na naging normal na sa amin ni Attorney Tres ang maglandian nang palihim. Lumalabas din kami minsan kapag kaya ng time niya. Gaya ngayon, inaya ako ni Attorney Tres na lumabas bago umuwi. As usual, inasar na naman kami ni Sir Ponyo. Siguro obvious na sa kanya na nasa dating o getting to know each other stage na kami ni Attorney Tres. 

Dinala naman ako ni Attorney Tres sa seaside. Nagdala siya ng tela para pangsapin namin sa buhanginan. Bumili muna kami ng mga makakain sa daan kaya heto, kumakain kami habang pinagmamasdan namin ang papalubog na araw. Suot ko pa ang coat ni Attorney Tres dahil medyo malakas at malamig ang hangin.

Ang payapa lang pagmasdan ng sunset, 'no? Pero minsan, ang lungkot lang niyang pagmasdan. Matapos kasi ng mahabang araw ay hudyat nang magdidilim. Kapag gabi kasi, limitado lang ang magagawa mo dahil mas mahaba ang oras ng tulog mo kesa sa gising ka. Hindi tulad kapag sa araw ay buhay na buhay ka.

Iyong mga ganitong moment, ang sarap lang mapakinggan ang linya ng kantang:

Oh, my life is changing everyday
In every possible way
And oh, my dreams
It's never quite as it seems

Alam mo iyong feeling na falling in love with someone unexpectedly? You never imagined you'd fall for this person, but it happened. The amazing part is, they reciprocate your feelings. Ito 'yong nararamdaman ko ngayon kay Attorney Tres.

"So," Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa. "Kailan mo lilitisin ang pussycait ko?"

Naubo naman siya sa pagnguya niya dahil hindi niya inaasahan ang sasabihin ko. Marahan pa niyang sinuntok ang dibdib niya habang hinihimas ko ang likod niya. "Cait, ang bastos na ng bibig mo, ha. Kanino mon 'yan natutunan?"

Inirapan ko naman siya. "Kunwari ka pa, sino bang hindi magiging bastos ang bibig kung kayo ni Sir Ponyo ang lagi kong nakakasalamuha."

Natawa naman siya. "Paano mo ba gustong litisin? People of the Philippines vs. Caitlin Willow Madriñan, after careful consideration of the evidence presented, the court finds the defendant guilty as charged for the crime of Excessive Cumming. Therefore, you are sentenced to  a lifetime creampies."

Nagpigil naman ako ng tawa sa mga narinig ko sa kanya. "I'm guilty, your Honor. Kailan po ise-serve ang punishment ko?"

Napailing naman siya habang natatawa pa rin. Marahan pa niyang pinitik ang noo ko kaya napakamot ako sa noo ko. "Ikaw, kapag pinatulan ko 'yang joke mo, siguradong hindi ka dadatnan ng siyam na buwan. Ang sabi mo ay may mga goals ka pa sa buhay kaya kumalma ka, Cait."

Nginitian ko naman siya sabay iwas ng tingin. Tinignan ko na lang ulit ang papalubog na araw habang nililipad ng hangin ang buhok ko. Sa totoo lang, naisip kong itigil na ang paghihiganti ko. Gusto ko na lang mamuhay ng normal na walang galit sa mga taong humamak sa pamilya ko. Gusto ko na lang maranasan ang magmahal at bumuo ng pamilya na matagal kong hinangad.

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now