#NGBWChapterA v.2

5.6K 123 19
                                    

"Wala kang payong?" Tanong ko sa classmate ko nang madatnan ko siyang naghihintay sa labas ng building at mukhang hinihintay tumila ang ulan.

Siya iyong may pinaglalaban kanina sa constitutional law namin nang magpakilala siya. May advocacy si ate gh0rl. Kapag sumali siya sa Miss Universe feeling ko makakapasok siya sa top 10 kasi may pinaglalaban siya sa buhay. Hindi lang sapat na maganda at matalino ka, dapat ay mulat ka rin sa nangyayari sa paligid mo.

Wala lang, ang bangis kasi ng mga gan'on. Ang tapang niya kanina nang sagutin niya ang prof namin about sa pag-earn ng money bilang lawyer. I would say na may gusto pa rin maging abugado para sa bayan. Mukhang siya ang next Tulfo. Go gh0rl! Break a leg!

Umiling lang siya sa alok ko. Wow?! Wala kang bibig, gh0rL?! Sungit mo naman! Papahiram ko na nga sana sa'yo iyong payong ko at ako na lang ang susuong sa ulan! Hmp! Kung ayaw mo, e 'di wag mo! Manigas ka d'yan na parang utong mo kapag malamig. Charot!

"Kawawa ka naman." Ang tanging naisagot ko sabay bukas ng payong ko at agad na sumuong sa ulan para hindi ko na marinig ang isasagot niya.

Nasobrahan ata si ate gh0rl sa pagiging strong independent woman kaya ayaw niyang alukin siya ng tulong at tumanggap ng tulong. Iyong mga nasosobrahan kasi sa pagiging strong independent woman ay iyong mga tumatandang dalaga. Charot!

Habang naglalakad ako sa ulan ay bigla akong nakonsensya at naisip si classmate. Paano kung gabihin siya? At mapahamak dahil maulan? Inamocca, Tres! Tandaan mo ang nangyari sa nanay mo! Tinuruan at pinalaki ka ng tatay mo na protektahan ang mga babae!

Napabuntong-hininga naman ako at muling bumalik sa academic building. Nandoon pa rin si classmate at nakita ko na mukhang susuong na sa ulan kaya nagmadali ako at hinarang ang sarili ko sa harap niya na nagpatili sa kanya.

Napaangat naman ang tingin niya sa akin at kita kong hindi niya inaasahan na muli niya akong makikita. Baka hindi sanay si ate gh0rl na binabalikan siya. Kasi ako, kapag may naiwan, need kong balikan lalo na kung wallet ko iyong naiwan ko kasi wala akong pamasahe.

"S'yempre hindi kita kayang iwan, classmate." Sambit ko sa kanya sabay ngisi nang isukob ko na ang payong sa aming dalawa.

Alam kong mag-iinarte siya kaya agad ko siyang inakbayan at iginayak na siya patakbo sa ulan. Hindi na nga siya maka-reklamo at sumabay na lang sa pagtakbo. Medyo may kaliitan siya sa akin pero dahil naka-akbay ako sa kanya kaya naaalalayan ko siya sa pagtakbo.

Malayo pa naman ang labasan ng Universidad de Forbes. Ang lawak kasi ng campus na ito kaya nababasa na ang mga sapatos namin. Iba na ang panahon ngayon, ako ang may-ari ng payong pero halos siya ang nakasukob sa payong ko at ang balikat ko ang nababasa. Hashtag what a gentlemanly Tres he is. Hashtag Tres is jowable. Lol

Habang sinusuong namin ang ulan ay napapansin ko na panay ang tingin niya sa akin. Hala, na-fall na agad siya sa akin? Shit, payong pa lang naman ang naitulong ko sa kanya. Ang rupok mo naman ate gh0rl. Sorry, focus ako sa law school kaya hindi kita mapapansin muna. Choz!

Napaiwas naman siya nang tingin nang tignan ko siya. Gusto kong matawa dahil ang strong independent woman ay may weakness pala. Rumurupok na agad siya sa kagwapuhan ko. Uy, classmate, ako lang 'to! 

"Parang k-drama, 'no? Iyong bidang lalake may dalang payong para sa bidang babae. Tas tutugtog ang kantang, it's a beautiful life, beautiful day..." Asar ko sabay kanta ko sa kanya.

Kita ko namang nagsalubong ang mga kilay niya at dahan-dahang napatingin sa akin ulit. "Hindi. Ang naririnig ko ay buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan dahil baha na naman sa kalsada for sure!"

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now