#NGBWChapterF v.2

4.9K 102 22
                                    

"One! Two! Three! Four! Five! Six!"

Sunod-sunod na palo ang tinanggap ng likurang hita ko. Nakapiring pa ang mga mata ko habang may busal sa bibig ko. Nakatali rin ang dalawang kamay ko sa ere kaya nakalutang lang ang katawan ko. Kagat-kagat ko lang ang busal ko dahil sa sakit nang mga hampas nila sa hita ko gamit ang isang paddle.

"One! Two! Three! Four! Five! Six!"

Dinig ko rin ang mga pagpalo na ginagawa nila kay Joao. Salitan kasi nila kaming pinapalong dalawa. Dinig ko na naglalabas pa nang mahabang pag-ungol si Joao na halatang nasasaktan din sa tinatanggap niyang mga pagpalo.

Nanginginig na nga ang mga hita ko dahil nakaka-ilang beses na sila sa pagpalo sa hita ko. Hindi ko na nabilang kung naka-ilang palo na sila sa akin dahil hindi ko rin alam kung gaano sila karami.

Sumali kasi kami ni Joao sa fraternity at ngayon ang initiation rites namin. Hindi ko alam kung ano ag nakain ni Joao para sumali rito at hinikayat pa ako ni gago.

Alpha Beta Dine---iyan ang brotherhood na sinalihan namin.

Kilala talaga ang brotherhood na ito. Si Joao lang humatak sa akin para sumali rito. Ayoko nga sanang sumali dahil member na ako ng Black Society na hindi alam ni Joao pero dahil may pinaglalaban si Joao kaya sumali ako. Mayayari ako ng Black Society dahil wala namang ganitong hazing sa brotherhood namin. Ewan ko ba kung bakit sa ibang brotherhood gaya nito ay kailangan mo pang saktan ang tinuturing mong brother. #NoToHazing

Ilang saglit pa ay natapos na sila kaya kinalagan na nila kami. Hinang-hina ang katawan ko nang buhatin nila ako paakbay sa mga balikat nila at inihiga sa sahig. Naramdaman ko rin na may tinabi sila sa akin. Rinig ko ang mabigat niyang paghinga. Maya-maya pa ay binuhasan nila kami ng tubig

Sinubukan kong tanggalin ang busal sa bibig ko. "Joao..."

"Ang sakit..." Bulalas ni Joao.

Iyan din ang nararamdaman ko. Sobrang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog ng mga tao. Kung hindi ako sumali sa Alpha Beta Dine e 'di sana ay nilalandi ko na si Cait ngayon! Panira ka sa love life, Joao!

Sinubukan kong tanggalin ang piring sa mga mata ko. Medyo madilim ang paligid at tila nasa isang bodega kami. Hindi kasi dito ang meeting place. Sa kotse pa lang ay piniringan na nila kami.

Tinignan ko naman si Joao na pawis na pawis ang katawan at tanging underwear lang din ang suot gaya ko. Hinawakan ko ang ulo niya at nadama na mainit siya. "Joao, ayos ka lang?"

Namamaluktot na ang katawan ni Joao at nanginginig pa ang katawan niya. Nataranta ako sa estado niya kaya kahit nanghihina pa ang katawan ko ay sinubukan kong bumangon. Tinignan ko pa ang paligid para tignan kung may mga tao pang naiwan pero mukhang dalawa na lang kami ni Joao ang naiwan dito sa bodega.

Muli kong tinignan si Joao. Mukhang hindi maganda ang lagay niya. Kailangan ko siyang madala sa ospital bago pa lumala ito. Sinubukan kong tumayo at hinanap ang mga gamit namin. Nasa isang table ang mga gamit namin na nasa gitna ng bodega kung saan kami ginapos din at pinag-papalo.

Nagbihis muna ako bago tawagan si Doc Matias. Napapalingon pa ako kay Joao na patuloy lang sa panginginig ang katawan niya. Napatungkod pa ang isang palad ko sa lamesa dahil pakiramdam ko ay bibigay na rin ang katawan ko sa sobrang panghihina. Kapos na kapos na rin ako sa paghinga.

Matapos ang ikalimang ring ay sumagot si Doc Matias. "O, Tres?"

"Doc..." Nanghihina kong sagot sa kanya. "Help, please."

Narinig ko pa ang ingay ng upuan niya sa background na parang tumayo siya bigla. "Tres, ano'ng nangyari sa'yo?! Bakit ganyan ang boses mo?!"

Napatingin ulit ako kay Joao. "Puntahan mo naman ako sa ise-send kong location. Iyong kaibigan ko ay hindi maganda ang lagay."

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now