#NGBWChapter17 v.2

2.2K 56 22
                                    

"Attorney," Tawag ko sa kanya habang nakatambay kami rito sa veranda niya. Napatingin naman siya sa akin habang nakatingin pa rin ako sa paligid ng condominium. Matapos ang roller coaster emotion niya sa pinanood naming horror movie ay nag-chill muna kami rito sa veranda para magkape.

"Paano mo na-realized na ang pogi mo pala?" Tanong ko naman sa kanya.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. "Noong may nagsabi sa aking bakla ng: pogi, sige na. O, 'di kaya kapag nasa palengke ka tas tatawagin ka ng tindera ng: pogi, ano'ng hanap mo?"

Natawa rin ako sa sagot niya. "So, nagpa-sige ka nga sa bakla?"

"Masaya 'pag may bakla, mahal ko ang mga bakla, gusto ko ang mga bakla, dapat may bakla!" Sagot naman niya na halos sumisigaw na parang ibinabalita ito sa ibaba ng veranda. "Pero seryoso, I don't often receive compliments about my looks. Once you meet my baby brother, you'll understand why."

"Iyong Fort?" Ang cute lang na kahit matanda na iyong bunso nila ay baby pa rin ang tawag nila. Naalala ko na naman si Kuya Clyde. Baby Cait din ang tawag niya sa akin noong bata ako. Kung nabuhay kaya siya hanggang ngayon, baby pa rin kaya ang tawag niya sa akin?

Tumango naman siya. "Fort can surpass any celebrity pagdating sa looks. He could even be mistaken for a model. Pero ewan ko ba d'on, hindi nag-take advantage sa mukha niya. Laging nagkukulong sa kwarto para lang maglaro ng computer games dahil aloof sa mga tao. Kapag pumapasok pa 'yon sa school, kala mo miyembro ng F4 dahil sa sobrang babae ang nagtitilian sa kanya. Habang kami nila Dos at Kuya Mon ay nagmumukhang bodyguard lang niya."

Na-curious tuloy ako sa kapatid nila. Hindi ko pa naman nakikita kung ano ang itsura niya ngayon. Iyong baby picture lang niya ang nakita ko kanina sa family picture nila sa sala table. Pero kahit na mas gwapo siya kaysa kay Attorney Tres, iyong kilig ko ay dito pa rin sa boss ko.

"Okay lang po 'yan, ang gwapo mo pa ring bodyguard kung sakali." Asar ko pa sa kanya.

Binigyan naman niya ako nang isang nakakalokong ngiti at tingin. Inayos niya pa ang hibla ng buhok ko papunta sa likod ng tenga ko. "Numbers ka ba?"

Napakunot-noo naman ako sa tanong niya. Pipick-up line ba siya? "Bakit?"

"Gusto kasi kitang i-count to ten." Sagot niya na may mahalay na tono sa pagbanggit niya sa count to ten.

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya tumawa lang siya. "Libog na libog ka, 'no? Sa sobrang busy mo ba ay natigang ka na?"

Mabilis naman siyang tumango. "Oo. Nakakapagod din minsan mag-mariang palad. Iba pa rin kapag may sumasakal na masikip na lagusan sa Elmo ko."

"Kadiri ka!" Singhal ko naman sa kanya. Wala talagang preno ang bibig niya! Ang bulgar na niyang magkwento sa akin! "At talagang may nickname pa 'yang ano niyo!"

"Uy, wala naman siyang nickname." Sagot naman niya  na tinignan pa ang shorts niya. Kulang na lang ay ilabas niya talaga ang ano niya. Muli naman niya akong tinignan. "Ito, atin lang 'to, Cait. Alam mo bang may tattoo ako sa etits ko?"

Napapikit na ako at tinakpan ang dalawa kong tenga dahil hindi ko na keri mapakinggan ang ka-bulgaran na sasabihin niya. "Uuwi na po pala ako, attorney!"

Tumawa lang ulit siya kaya akma nang tatayo ako para iwan siya sa veranda pero hinawakan niya ang wrist ko para pigilan. Tinanggal din niya ang kamay kong nakatakip sa tenga ko. "Seryoso kasi ako. Alam mo ba kung ano ang tattoo ko sa etits ko?"

Napadilat naman ako sabay tingin sa kanya nang masama. "Bakit kailangan ko pa 'yang malaman?"

Ngumisi naman siya. "Well, makikita, mahahawakan, isusubo at mararamdaman mo naman ito kapag nag-sex na tayo. At least ngayon pa lang ay alam mo ng may tattoo ako sa etits ko."

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now