#NGBWChapterK v.2

5.3K 104 18
                                    

Magandang umaga, Pilipinas. Ako po si Carmen Mercado, at ito ang inyong balita para sa araw na ito.

Sa ating headline ngayon, isang dating bilanggo ang natagpuang patay sa isang eskinita sa Manila. Ang biktima, na kilala bilang si Fernando "Tigre" Alvarez, ay dating nakakulong dahil sa kasong pagnanakaw.

Ayon sa initial na imbestigasyon ng mga awtoridad, natagpuan si Alvarez na walang buhay sa isang eskinita, na nagtamo ng saksak sa kanyang leeg. Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Ang mga detalye ng kaso ay kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis. Hinihikayat nila ang sinumang may impormasyon na lumapit sa kanila para sa agarang aksyon...

"Fernando "Tigre" Alvarez?" Bulalas ni eomama matapos mapanood ang balita. "Parang narinig ko na ang pangalan niya somewhere."

Kita ko naman na parang humigpit ang hawak ni Cait sa kutsara at tinidor. Buong balita tungkol kay Alvarez ay hindi siya tumitingin sa TV. Hindi ko na lang pinansin  dahil baka hindi siya sanay manood ng balita gawa ng nangyari sa pamilya niya.

"Baka naging ex mo, 'ma." Asar ko naman kay eomama.

Sinamaan naman ako ng tingin ni eomama. "Ang opapa mo lang ang nag-iisang ex-boyfriend ko, dahil s'yempre asawa ko na siya." Sagot pa niya sabay angkla sa braso ni opapa para humalik sa pisngi nito. Sumagot naman ng halik si opapa.

"Ang landi talaga." Komento naman ni Tito Iro kaya nagtawanan naman kami.

Si Opapa naman ay tinignan kami nila Dos, Cait, at Fort. "Kayo, mag-ingat kayo sa paligid, ha? Kung kaya niyong hindi gabihin ay umuwi kayo ng maaga. Piliin niyo rin tumambay na lang sa isang bahay kung may mga tinatapos kayong school projects niyo."

"Yes po, 'pa." Sabay-sabay naming sagot na magkakapatid.

.

.

.

.

.

"Are you okay?" Tanong ko kay Cait nang maupo ako sa tabi niya.

Dinala ko siya rito sa gilid ng pool matapos ang dinner para magpalamig. Kanina ko pa napapansin na tahimik siya. Nakaupo lang kami sa gilid ng pool. Yakap lang ni Cait ang dalawang binti niya habang nakalublob naman ang dalawang binti ko sa pool.

Napatingin naman sa akin si Cait at sinubukan niyang ngumiti. "Nabusog lang ako sa kinain ko, Tres. Ang sarap magluto ng mama mo. Nahiya lang siguro akong makaharap ang pamilya mo dahil ang perfect niyong tignan."

Hindi man niya sabihin pero alam kong may konting kirot sa kanya ang makakita ng isang buong pamilya. Dahil iyon ang nawala sa kanya noong bata pa siya. Mas tumataas tuloy ang rason ko na protektahan siya, at bigyan ng mga taong maituturi niyang pamilya.

Nginitian ko naman siya. "Normal na family pa rin kami, Cait. Wala namang special sa amin. Don't be intimidated, please. Gusto kong maging komportable ka sa pamilya ko kasi parte ka na ng pamilyang ito."

Umiwas naman siya ng tingin at napatitig na lang sa pool. "Meron kang isang special na family, Tres." Sambit naman niya. "Hindi lahat ay binibiyayaan ng isang kumpletong pamilya. Gaya ko."

Hindi ako nakasagot agad sa huli niyang sinabi. Alam ko namang hindi na buo ang pamilya niya pero hindi ako nagtatanong sa kanya. Kaya hindi ko inaasahan na sasabihin niya ito sa akin dahil gets ko na mahirap para sa kanya ang magkwento.

Kita ko naman ang pamamasa ng mga mata niya. "Wala na akong mama at kuya, Tres." Pagku-kwento niya. "Namatay sila noong bata pa lang ako. Kami na lang ni papa. Kaya seeing your family ay na-miss ko ang panahon na buo pa kami ng pamilya ko."

Never Good But WorthyМесто, где живут истории. Откройте их для себя