#NGBWChapterH v.2

5.3K 123 22
                                    

"Wow, salad." Bulalas ko pagkaupo ko sa harap ni Cait na busy ng kumain ng snacks sa cafeteria.

Kakatapos lang kasi ng klase namin at may isang oras na vacant bago ang next class namin kaya tatambay muna kami rito sa cafeteria. Linapag ko naman ang tray sa lamesa. Ang binili ko naman ay beef patties placed inside a sliced bun roll with cheese or in short ay hamburger.

"Ang healthy naman ng mga kinakain mo." Dagdag ko pang komento kay Cait. "Kapag naging tayo siguro ay healthy relationship din. Boom! Keleg!"

Tinignan naman niya ako mula sa pagbabasa niya ng libro. Sinipat muna niya ang binili kong pagkain bago ako sagutin. "Kinakain mo nga hindi healthy tas aasa ka pang magiging healthy ang relationship na gusto mo."

"Oy, healthy kaya 'yong tinapay." Sagot ko naman sa kanya. "Saka, may protein kaya ang beef patty. At nakita ko, olive oil ang ginamit sa pagluto nito kaya healthy food pa rin 'tong kinakain ko. Gan'on kasi ako, healthy food lang ang kinakain ko. Wait mo lang, Cait, makakain din kita. Charot!"

Sinamaan lang niya ako nang tingin bago tusukin ang tinidor niya sa mga damong kinakain niya. Kambing ka gh0rl? Eme!

"Bakit hindi mo na lang gayahin si Joao?" Tanong pa niya sa akin. "Makipag-momol ka na lang sa iba kung libog na libog na 'yang si Elmo mo. Para tigilan mo na ako sa kakalandi mo sa akin."

Napatakip naman ako sa bibig ko habang nagpipigil ng tawa dahil hindi ko inaasahan na natatandaan pa rin niya si Elmo ko. "Uy, naaalala niya si Elmo ko. Gusto mo bang pakilala kita sa kanya? Tas shake hands kayo. Tagalan mo nga lang pag-shake. Charot!"

Muli naman niya akong tinignan nang masama pero kita sa labi niya na nagpipigil siya ng ngiti. "Alam mo, numero tres, dinudungisan mo ang malinis kong utak. Simula nang makilala ko kayo ni Joao, puro kayo kalibugang dalawa. Dirty mind na ang mayroon ako."

"O, bakit ako nadamay?" Singit naman ni Joao na saktong dumating sa table namin na tapos na ring bumili ng food niya na cheesy potato marbles. Naupo naman sa tabi ko si Joao dahil masasaksak ko siya ng toothpick kung kay Cait siya tumabi. "Wala akong alam sa kabastusan na 'yan, Cait. Tuwing linggo nga ay lumuluhod pa ako at sumasamba."

Napatingin naman ako kay Joao. Wow sa pagiging banal. Santo Joao pala 'to. "At humihigop ka ba ng holy water habang iniipit niya ang ulo mo sa dalawang hita niya?"

Ngumisi naman si Joao habang ngumunguya na. "At least banal pa rin dahil humihiyaw siya ng oh, god  habang sinasamba ko siya."

Sabay naman kaming nagtawanan at nag-apir pa. "Ano'ng christian song niyo?" Tanong ko pa sa kanya.

"God gave me you." Sagot naman niya kaya nagtawanan kami ulit na dalawa.

Kita ko namang napa-iling si Cait sa amin. "Sobrang luwag talaga ng pwesto ng impyerno para sa inyong dalawa."

"Sa sobrang luwag, kasya ka pa Cait." Asar ko naman sa kanya.

.

.

.

.

.

"H'wag mo na akong ihatid, Tres." Sambit naman ni Cait pagkalabas namin ng classroom. "May gagawin pa kasi akong work. Mauna ka ng umuwi para makapag-pahinga ka na rin. Sa susunod mo na lang ako ihatid."

Sasagot na sana ako nang umakbay sa akin si Joao. "Una na ako lovebirds. Ingat kayo pauwi. 'Wag sa biglang liko, ha? Hindi pa ako ready maging ninong."

Tumango naman ako at tinapik ang balikat ni Joao. "Ingat ka rin, tanga ka pa naman."

Tumawa lang si Joao at kumaway kay Cait bago tumalikod para pumunta na sa parking. Naiwan naman kaming dalawa ni Cait.

Lagi na lang niyang tinatanggihan ang offer ko na ihatid siya pauwi kesyo sayang daw sa gas at sa time ko. E, gusto ko ngang i-spend and time ko sa kanya. May times pa nga na gusto niya akong bayaran sa gas ko pero tinanggihan ko. Saka, kahit ano'ng tanggi niya ay pinipilit ko ang sarili kong ihatid siya. Gan'on kasi ako, mahilig akong ipagsiksikan ang sarili ko. Charot!

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now