#NGBWChapterPenultimate v.2

3K 119 44
                                    

Fernando 'Tigre' Alvarez.

Ricardo 'Bato' Gomez.

Chief Justice Zarraga.

Raymond Isidore.

Mr. Isidore.

Mrs. Isidore.

Patuloy na kinakabisado ni Cait ang pangalan ng mga taong gusto niyang paghigantihan. Naka-upo siya sa kanyang maliit na study table, at nasa ibabaw nito ang isang maliit na notebook kung saan ay may naka-imprinta sa unahan nito ang: llis Quorum Nomina Ultionem Exsequar. (Those whose names I shall exact revenge on).

Dahil sa nangyari sa pamilya niya ay tinanim niya sa puso ang paghihiganti. Matagal niya itong plinano. Sinubaybayan niya ang buhay ng mga taong nasa listahan niya. Kita sa dingding ng kwarto niya ang mga nakapaskil na articles na namuhay nang maayos ang mga taong humamak sa pamilya niya. Hindi iyon matanggap ni Cait habang nabaon silang pamilya sa nakaraan.

Kita ang galit sa mga mata ni Cait habang tinitignan ang mga articles na nakapaskil sa dingding niya. Sa sobrang galit ay napadiin ang hawak niya sa ballpen at naitusok niya ito sa kanyang notebook. "Iustitia negavit, mors ministratur..." Justice denied, death served.

.

.

.

.

.

Masakit man mawalan ng anak at maybahay, sinikap ni Mang Edgar na buhayin si Cait. Hindi man siya nakapagluksa nang maayos at nakapaghiganti sa mga humamak sa anak niya ay pinilit niya na lang itong kalimutan dahil gusto niyang mamuhay ng matiwasay ang nag-iisang tao natira na lamang sa kanya. 

Maayos niyang naitayo ang Pakopya ni Edgar. Maliit man ang kinikita niya pero sapat na para sa kanilang dalawang mag-ama. Hindi man niya mabigay ang luho ni Cait ay nagpapasalamat na lang siya na masipag mag-aral ang anak at kahit paano ay kumikita rin ang bata sa sarili nitong kakayahan sa paggawa ng mga proyekto ng ibang estudyante kung saan ay binabayaran siya ng mga ito.

Ang akala niyang payapang buhay na naibigay niya sa anak ay hindi pa pala sapat dahil isang gabi ay nakita niya ang notebook ng kanyang anak kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga taong humamak sa pamilya nila. Kita niya mula sa notebook ang planong paghihiganti ni Cait.

Bilang ama, hindi na niya nais pang madungisan ang kamay ng anak kaya napagdesisyunan niya na siya ang gumawa ng mga plano ng anak.

Nakasunod lang si Mang Edgar sa kotse ni Retired Chief Justice Zarraga. Hanga siya sa ginawang notebook ni Cait dahil detalyado ito kung saan madalas nagpupunta ang mga taong gusto niyang paghigantihan. Kaya hindi na rin nahirapan ang matandang Madriñan na isagawa ang mga plano niya.

Alam ni Cait na ang papa na niya ang gumagawa ng mga paghihiganti na gusto niya. Wala na siyang magawa dahil nalalagyan ng pampatulog ang kinakain at iniinom niya. Nagigising na lang siya kinabukasan na nagawa na ng papa niya ang krimen.

Sakto namang naipit sa traffic ang kotse ni Retired Chief Justice Zarraga kaya tumabi ang motor ni Mang Edgar sa tabi ng kotse at pinaulanan ito ng putok ng baril. Dahil sakay din ang mga bodyguards kaya nakaganti rin ng putok ang mga ito na ikinatama niya sa balikat. Mabilis na nakaalis sa lugar si Mang Edgar.

"Pa!" Tili ni Cait nang makita niyang duguan ang papa niya pagpasok nito sa kanilang bahay.

"Magligpit ka, anak. Kailangan nating magtago." Sambit ng matandang Madriñan.

Umiyak naman si Cait sa nasasaksihan niya. "Pa, bakit pa kasi ikaw ang gumagawa. Ako ang nagplano nito. Ayaw kitang makulo."

Wala ng nagawa si Cait kung hindi kumuha ng ilang damit. Mabilisan lang ang ginawa nilang paghahakot at iyong tamang madadala lang nila. Maingay na sa balita ang tungkol sa papa niya kaya kailangan na nilang magtago.

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now