#NGBWChapter7 v.2

2.4K 52 2
                                    

"Pasok ka, Cait." Paanyaya ni Sir Dos sa loob ng bahay niya.

Bumaba kasi muna kami ni Attorney Tres sa kotse dahil yinaya kami ng kambal niya sa loob ng bahay nito. Gusto ko sanang tumanggi dahil nahihiya na ako pero hindi ko naman alam 'tong lugar nila. Hindi ko alam paano lumabas. Saka, mukhang wala namang tricycle sa loob ng subdivision nila.

Humakbang na ako papasok sa loob ng bahay nila. Napalibot naman ang tingin ko sa loob ng kabahayan. Malaki ang bahay pero hindi pa kumpleto ang mga gamit. Mukhang bagong kasal lang sila Sir Dos at ang asawa nito kaya baka hindi pa kumpleto ang gamit.

"Bagong lipat lang kami," Sambit pa ni Sir Dos na nahalata ata ang agam-agam sa utak ko kaya napatingin ako sa kanya. "Saka, na-ospital kasi ako at nagte-therapy kaya nabawasan ipon ko tas dumating pa si Buknoy kaya inuna muna namin siya. Don't worry, magpapa-house blessing kami kapag kumpleto na kami ng gamit sa bahay. Invited ka, Cait."

"Ah, wala po akong ibig sabihin, sir. Ang nasa isip ko nga po ay baka dahil bagong kasal po kayo ng mama ni Buknoy kaya paunti-unti pa lang po ang mga gamit niyo." Pagdadahilan ko naman.

Ngumiti naman siya, and shit na malupit, pareho silang gwapo ni Attorney Tres. Medyo mabait lang ang datingan ni Sir Dos dahil nakasalamin ito kaya maamo ang mukha. Si Attorney Tres naman ay iyong maporma at medyo maangas ang datingan. Gwapo at maganda siguro parents nila dahil ang ganda ng genes nila na nahawa kay Buknoy.

"Okay lang, Cait. And, hindi pa kami kasal. Nauna nga lang ang honeymoon kaya may Buknoy na agad. Invited ka rin sa kasal namin para may plus one naman ang kambal ko." Asar pa niya sa akin.

Bigla namang namula ang pisngi ko. Kambal nga sila. Ang hilig nila mang-asar. Hindi ako pwedeng maging plus one ni Attorney Tres dahil boss ko siya! "Naku, Sir, hindi po kami ng kambal niyo. Empleyado lang po ako."

Natawa naman siya sa reaksyon ko. "E, iyong partner ko ay empleyado ko rin dati. Remember, we're twins."

Napakurap naman ang mga mata ko sa sinagot niya. "P-po?"

So, hinarot niya ang empleyado niya? Pwede pala 'yon? Ano bang trabaho nitong si Sir Dos? Kung base sa background na nalaman ko kay Attorney Tres, hindi nga malayo na boss din si Sir Dos ng sarili niyang business at baka doon niya nakilala ang mama ni Buknoy.

"Ganyan 'yan sila..."

Sabay kaming napalingon ni Sir Dos sa nagsalita. Kita ko ang isang babae na naglalakad pababa sa hagdan. Ito ba ang partner ni Sir Dos? Mukhang bata pa. Parang hindi kami nagkakalayo ng edad. Maganda si Ma'am. Bagay sila ni Sir Dos.

Lumapit pa ito sa amin at kinuha niya si Buknoy kay Sir Dos sabay tingin sa akin. "Ganyan 'yan sila, tirador ng empleyado. Pinag-alaga ako ng aso tas nilandi ako. Istilo nila bulok pero wala e, gumana sa akin ang charm ng Papa Doc ko." 

Napangiti naman ako sa kwento nila. Hindi ko ine-expect na doon nagsimula ang love story nila. Talagang pinag-alaga ni Sir Dos ng aso si Ma'am? Sabagay, ang gwapo naman din kasi ni Sir Dos kaya magiging marupok ka talaga.

"Hoy!" Bigla namang sambit ni Attorney Tres nang makapasok na sa bahay matapos iparada ang kotse niya sa garahe. Lumapit naman ito sa tabi ko. "Kung anu-ano ang mga sinasabi niyo kay Cait, mamaya ay mag-resign 'yan, ha. Kayo maghanap ng empleyado ko." Sagot pa niya sabay tingin sa akin at kinindatan pa ako.

Kita ko namang nagpigil ng ngiti si Sir Dos at ang partner nito. Nag-init na naman ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Attorney Tres. Bakit kailangan pang kumindat?! At sa harap pa talaga nila.

"By the way, Cait, si Kayleigh nga pala...ang dati kong empleyado na nanay na ng anak ko." Pagpapakilala niya sa akin sa partner niya na may halong pang-aasar na naman. May gusto talaga siyang itumbok sa huling linya niya. Gusto ko na lang talaga lumubog sa lupa. Bakit ba nila ako inaasar kay Attorney Tres?! Hindi kami bagay. 

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now