#NGBWChapter14 v.2

2K 65 7
                                    

"Sa unit 1257 po." Sambit ko sa receptionist ng condo sabay abot ng ID ko.

Ngumiti lang sa akin ang receptionist at kinuha niya lang ang ID ko. Tinignan muna niya ito bago ilagay sa lagayan ng mga IDs para sa mga guests ng condo na ito. May tinipa siya sa keyboard ng computer niya. May binasa lang siya sa computer niya bago niya ako muling tignan. "Kayo po ang assistant ni Attorney Suarez?"

Nginitian ko rin siya sabay tango. May kinuha lang siya sa drawer ng desk niya sabay abot sa akin ng isang card. "Iyan po ang spare key sa unit ni Attorney Suarez."

"Salamat." Kinuha ko naman ito sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa elevator. Medyo mataas ang condominium na ito, at halatang mga may kaya o mayayaman talaga ang kayang makabili ng unit dito. Mukha kasing high-end itong South Forbes Condominium.

Hinintay ko lang ang pagdating ng elevator. Sumakay ako agad kasabay ng ilang tenants o guests. Pinindot ko naman ang floor number kung nasaan ang unit ni Attorney Tres.

Hawak-hawak ko naman ang dala kong paper bag na naglalaman ng mga baunan. Nagluto kasi ako ng sopas dahil nasabi ni Sir Ponyo na may sakit si Attorney Tres kaya hindi makakapasok, at dahil d'on wala rin kaming pasok ni Sir Ponyo. Kaya imbes na tumunganga sa bahay ay naisipan kong dalawin si Attorney Tres. Nagsabi naman ako kay Sir Ponyo kaya siguro na-inform niya ang receptionist tungkol sa akin. Mahigpit kasi ang security dito kaya hindi ka basta-basta makaka-akyat sa mga units.

Bumukas naman ang pinto ng elevator sa floor ng unit ni Attorney Tres kaya bumaba na ako. Grabe naman po pala ang hallway nila, para ka na ring nasa luxury hotel. Sobrang laki siguro ng sinasahod ni Attorney Tres para ma-afford niya ang tumira rito.

Naglakad na ako papunta sa unit niya. Tinap ko lang ang card sa sensor sa door knob niya kaya umilaw ito at bumukas na ang pinto. Sumilip muna ako sa loob at madilim ang buong unit niya. Pinakiramdaman ko rin ang paligid, tahimik ang loob ng unit niya. Baka tulog lang si Attorney Tres. Pumasok na ako sa loob at isinara ang pinto.

Pinagmasdan ko naman ang kabuuan ng unit niya. Ganitong-ganito ang itsura ng mga condo ng mga leading man sa mga pinapanood kong American series. Ang gara ng unit niya. At ang laki ng unit niya para sa isang tao lang. O, baka naman ay may binabahay na siya? Sana all ay binabahay. Charot!

"Attorney?" Tawag ko sa kanya. "Anybody home? Yoohoo..."

Walang sumagot. Nagpalinga-linga pa ako. Lumapit naman ako sa isang pintuan na feeling ko ay kwarto ni Attorney Tres. Kumatok ako nang mahina. "Attorney Tres? Kung andito ka pakigalaw ang baso."

Wala pa ring sumasagot. Sinubukan kong ipihit ang door knob. Sumilip lang ako at kita ko si Attorney Tres na nakahiga sa kama niya at balot na balot ng kumot. Pumasok na ako sa kwarto niya na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nang makalapit ako sa kama niya ay kita ko ang butil-butil ng pawis sa noo niya.

Agad akong naupo sa gilid ng kama niya. "Attorney?" Pag-aalala ko sa kanya. Sinapo ko ang kamay ko sa noo niya. Napakainit niya!

Mabilis akong lumabas ng kwarto niya at nagpunta sa kusina niya. Binuksan ko isa-isa ang mga drawers at cabinets. Nang may makita akong maliit na basin ay kinuha ko ito at sinalinan nang tubig sa gripo. Nang makalahati ko na ang laman ay muli akong bumalik sa kwarto at linapag ito sa ibabaw ng maliit na cabinet sa gilid ng kama niya.

Pumunta naman ako sa mini-closet niya sa loob ng kwarto niya. Binuksan ko rin isa-isa ang mga drawers pero napasara ako agad nang makita ko ang laman nito. Shit, puro undies niya. Dama ko ang pag-init ng pisngi ko. Cait, umayos ka. Hindi okay ang boss mo. Nagbukas pa ako nang ibang mga cabinets at kumuha nang isang towel.

Muli naman akong naupo sa gilid ng kama niya. Binasa ko ang towel ng tubig mula sa basin at dahan-dahan itong pinunas sa mukha ni Attorney Tres. Inaapoy na siya ng lagnat. Sobrang dami niya kasing trabaho kaya hindi na kinakaya ng katawan niya.

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now