#NGBWInterlude v.2

1.7K 40 4
                                    

"Ako po si Aliyah Suarez ng Guadalupe Herald, live mula sa Nuevo Trial Court Branch 12. Ating aabangan ang pagpapatuloy ng pagdinig sa kaso ni Clyde Harlow Madriñan, na itinuturing na pangunahing suspek sa kaso ng pagpatay kay Richard Isidore..."

Bata pa lang ako ay exposed na ako sa trabaho ni eomama. Madalas kasi ay sinasama niya kaming magkakapatid sa Guadalupe Herald News Center. Hangga't maaari kasi ay pinagsusumikapan nila Opapa at Eomama na bantayan pa rin kaming magkakapatid, iyon nga lang ay hati kami kasi hindi naman nila kakayanin na alagaan kami ng sabay. Kaya minsan naman ay nasa OCEANA ako kapag si Opapa ang magbabantay sa akin.

Pero ngayong araw na ito, si Eomama ang bantay sa akin kaya nadala niya ako sa trabaho niya. Ako lang mag-isa kasi si Ate Isah at Baby Fort ay na kina wowo at wowa; si Dos naman ang sinama ni Opapa sa OCEANA. May sakit kasi si Ate Isah kaya laging sa bahay lang siya dapat.

Pinapanood ko lang si eomama sa ginagawa niya kahit hindi ko naman naiintindihan ang ginagawa niya. Sa totoo lang, mas gusto ko sa OCEANA kasi ang dami kong nakikitang iba't ibang isda, tas lagi pa kaming nasa dagat ni opapa.

Ang gusto ko lang sa trabaho ni eomama ay kapag nasa office niya kami kasi ang dami niyang ka-work na cute na cute sa akin. Kapag nasa labas kasi ang trabaho niya ay parang ang gulo. Gaya ngayong araw na ito.

Sobrang gulo sa lugar na ito. Ang daming tao. Ang daming mga kagaya ni eomama na nasa harap ng camera, may hawak na microphone at nagsasalita. Panay din ang flash ng mga cameras. Hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Muli ko na lang tinignan si eomama.

"Manatili po kayo sa ating live coverage para sa mga pinakabagong balita at impormasyon tungkol sa kasong ito. Balik d'yan sa news center."

Matapos magsalita ni eomama sa harap ng camera ay agad niya akong nginitian. Nasa tabi lang kasi ako ni Kuya Prings, ang cameraman ni eomama. Nginitian ko rin si eomama. Lumapit pa siya sa akin sabay suklay sa buhok ko gamit ang kamay niya.

"Naiinip ka na ba, Miro?" Tanong pa niya sa akin.

Nag-pout naman ako sabay tango. "Uwi na po tayo. Ayaw ko rito, eomama."

"Naku, Ikatlo," Singit naman ni Kuya Prings. "Hindi pa tayo makakauwi. Magsisimula pa lang ang hearing. Saka, panoorin mo ang mama mo para ikaw ang sumunod sa yapak niya."

"Ayaw ko po." Sagot ko naman. "Gusto ko pong maging fish sa dagat."

Narinig ko namang natawa si eomama kaya muli ko siyang tinignan. Pinisil pa niya ang pisngi ko sabay kuha ng isang bagay sa bulsa ng blazer niya. Pinakita niya sa akin ang isang chocolate. "Binilhan kita ng paborito mong Lala."

Nanlaki naman ang mga mata ko sabay kuha ng Lala. "Wow. Akin lang po 'to? Hindi kami hati ni Dos?" Lagi na lang kasi kaming hati sa food dahil daw kambal kami kaya parang laging bitin sa akin ang pagkain.

Tumango-tango naman si eomama. "Kaya quiet ka lang, ha? Alam mo namang magagalit si opapa mo kapag nalaman niyang kumain ka na naman ng chocolate kasi masisira ang teeth mo."

Masaya naman akong tumango sabay taas ng kanang kamay ko. "Promise po, eomama. 'Di po ako magsumbong kay opapa."

"Chocolates save the day talaga sa mga bata." Komento naman ni Kuya Prings.

Dinala na ako ni eomama at Kuya Prings sa loob ng city hall kasabay ng maraming mga tao. Ang gulo talaga kaya hawak ko ang lala sa maliit kong kamay para hindi siya malaglag. Hawak lang ni eomama ang isa kong kamay habang si Kuya Prings ay dala ang camera niya. Pumasok kasi kami sa isang room.

Hanggang sa loob ng room ay nagkakagulo pa rin ang mga tao. Pinaupo naman ako ni eomama sa isang mahabang upuan. "Miro, d'yan ka lang, ha? Doon lang kami ni Kuya Prings sa unahan. Kahit ano'ng mangyari, 'wag kang sasama kahit kanino. Titignan pa rin kita lagi."

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now