#NGBWMidpoint v.2

7K 151 43
                                    

2017

Universidad de Forbes College of Law

Finally, unti-unti ko nang naaabot ang pangarap ko sa buhay. Matapos ko lang ang law school at makapasa sa bar exam ay babalikan ko talaga ang mga taong humamak sa kuya ko. Ipaparanas ko sa kanila ang ginawa nila sa kuya ko. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa pamilya ko.

Huminga ako nang malalim bago maglakad papasok sa campus ng Universidad de Forbes. Isa ito sa prestihiyosong unibersidad sa bansa na halos anak ng mga mayayaman ang nag-aaral. Sa kaso ko, nakapasa ako sa scholarship kaya dito ako magpapatuloy sa law school. Isa kasi ito sa kilalang unibersidad na nagpo-produce ng magaling na mga abugado.

Habang naglalakad ako ay nakakasalubong ko ang mga estudyante. Halata sa mga itsura nila na galing sila sa prominenteng pamilya. Kung titignan mo naman ako, alam mong mukha akong scholar lang ng Universidad de Forbes. Pero wala naman akong pake dahil ang goal ko ay makapagtapos ng pag-aaral at maging abugado.

Tinignan ko naman ang class schedule ko. Ang first subject ko ay Constitutional Law sa Cambridge Building. Sa sobrang advance ng school na ito ay mayroon silang mga kiosks kung saan pwedeng makatulong sa'yo kung saan ang building na hinahanap mo. 

Lumapit ako sa kiosk at hinanap ang Cambridge Building. Para siyang waze na tinuro ang direksyon. Madali naman makabisado kaya nagsimula na ulit akong maglakad. Pagdating ko nga sa classroom ay may mga estudyante na. May nagku-kwentuhan pero mas marami ang tahimik dahil hindi pa magkaka-kilala ang mga tao dahil first day pa lang ng klase.

Naupo naman ako sa dulong-likod dahil hindi naman ako mahilig makisalamuha. Madalas akong mapag-isa na ginusto ko rin naman para makapag-focus ako sa pag-aaral. Ayoko nga ng distractions, e.

Ilang saglit pa ay biglang natahimik ang paligid kaya napatingin ako sa buong classroom. May pumasok na isang estudyante na sinundan ng tingin ng mga tao rito sa loob. Agaw atensyon talaga siya dahil naka-shades siyang pumasok. At base sa itsura niya, mukha siyang mayaman. Hindi naman ako bulag para hindi mapansin na gwapo siya, he's not my cup of tea tho.

Amoy din ang pabango niya dahil biglang bumango sa loob ng classroom pagpasok niya. Hindi ito typical na pabango na maaamoy mo. Mukhang branded perfume ang mayroon si kuya. Na-curious tuloy ako. Bakit gusto ng mga mayaman na mag-abugado? Hindi na lang sila mag-business at mag-hire ng corporate lawyer para sa kanila. My point here is delikado ang pagiging criminal lawyer. Unless, kaya siya nag-law ay para maging corporate lawyer ng business nila.

Ano bang pake ko sa kanya? Buhay naman niya 'yan at sariling pera nila ang ginagastos. Ako, need kong mag-focus para hindi ako mawala sa scholarship dahil ang mahal ng tuition dito kung ako na ang magbabayad! Kulang pa ata ang kidney ko pambayad!

Ilang saglit pa ay may pumasok na rin na isang matandang lalake na tumayo na sa unahang gitna kaya natahimik na ang buong classroom.

"Good morning, future lawyers." Pagbati niya sa amin kaya tumugon din kami. "I will be your professor for Constitutional Law, and I am delighted to welcome each one of you as you embark on your journey to become a lawyer. However, I must be honest with you. Only half of you will make it to the end of this course. And out of those who do, only half will eventually become lawyers. So, ensure that you are among those who cross the finish line."

I know na survival itong law school. Hindi lang ito basta patalinuhan, patibayan din ng sikmura dahil marami ang terror professors at sobrang hirap ng mga subjects. At sisiguraduhin ko na isa ako sa makakalagpas sa finish line. 

"Before we delve into our discussion, I would like to get to know you better." Pagpapatuloy ng professor namin. "Could you please introduce yourself, share the pre-law course you took, and explain why you chose to study law?"

Never Good But WorthyWhere stories live. Discover now