#NGBWChapter4 v.2

3K 56 2
                                    

Magandang umaga, Pilipinas. Ako po si Carmen Mercado, at ito ang inyong balita para sa araw na ito.

Sa ating headline ngayon, isang dating bilanggo ang natagpuang patay sa isang eskinita sa Manila. Ang biktima, na kilala bilang si Fernando "Tigre" Alvarez, ay dating nakakulong dahil sa kasong pagnanakaw.

Ayon sa initial na imbestigasyon ng mga awtoridad, natagpuan si Alvarez na walang buhay sa isang eskinita, na nagtamo ng saksak sa kanyang leeg. Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung sino ang may kagagawan ng krimen.

Ang mga detalye ng kaso ay kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis. Hinihikayat nila ang sinumang may impormasyon na lumapit sa kanila para sa agarang aksyon...

Napakuyom ang kamao ko habang naririnig ko ang balita mula sa TV. Nakatingin pa rin ako sa monitor ng computer ko. Sina Attorney Tres at Sir Ponyo ang nakikinig ng balita mula sa maliit na TV sa opisina namin. So, mabilis ng kumalat sa media ang nangyari kagabi?

Napalunok ako sa sarili kong laway at huminga nang malalim. Hindi ko magawang tumingin sa TV dahil...

"S-sino 'yan?" Nabubulol na tanong sa akin ni Fernando na halatang lango sa alak. Ang kanyang mga mata ay malabo at hindi makapokus, at ang kanyang mga salita ay parang mga alon na naglalakbay sa hangin.

Tama lang na lango siya sa alak para mas wala siyang laban sa plano kong gawin sa kanya. Buti na lang na madilim ang paligid dahil hindi niya kita ang mukha kong punom-puno ng galit sa kanya. Nanginginig pa ang kamay ko na nakasuksok sa bulsa ng hoodie ko habang hawak ang isang kutsilyo. Ang kutsilyong ito, na may matulis na dulo at kinang na metal, ay magiging instrumento ng aking paghihiganti.

Naglakad pa ako papalapit sa kanya, hanggang sa huminto ako sa gilid niya, ang aking mga mata ay nakatitig sa kanyang mukha. "Ako, ako lang naman ang kapatid ni Clyde," sabi ko sa kanya.

"C-clyde?" Pagtataka niya. Aninag ko sa mukha niya mula sa liwanag ng buwan na inaalala niya ang Kuya Clyde. Kita ko rin ang leeg niyang may tattoo na tigre, ang simbolo ng kanyang pagiging sanggano.

Napaka-gago lang. Paano niya nakalimutan ang pangalan ng kapatid kong pinahirapan nila sa kulungan? Hindi niya dapat kalimutan ang pangalang Clyde Harlow Madriñan. Dapat matandaan niya ang pangalan ng kuya ko hanggang sa kabila niyang buhay. Dahil walang kapatawaran ang ginawa nila sa kuya ko.

"Clyde Harlow Madriñan," sagot ko sa kanya. "Kinse anyos. Nakulong dahil sa kasong homicide. Ang binatang lalakeng may sakit sa pag-iisip. Clyde Harlow Madriñan, ang kapatid ko."

Kita ko ang unti-unting paglaki ng mga mata niya. Napangisi ako dahil doon dahil naaalala na niya ang kuya ko. Dapat lang niyang maalala ang kuya ko bago ko siya patayin. Ang kuya ko ang dapat huli niyang ala-ala bago siya mawala sa mundong ito.

"Tang—"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang tagain ko na siya ng saksak sa leeg niya. Mabilis ko pang tinakpan ang bibig niya para hindi na siya makasigaw pa. Sinusubukan niya pang labanan ang pagsaksak ko sa kanya pero dahil sa sobra niyang kalasingan ay wala siyang sapat na lakas.

Dama ko ang dugong umaagos mula sa leeg niya. Hanggang sa unti-unti na siyang napapaluhod sa sahig. Nanatili lang ako sa likod niya habang nakatarak pa rin ang kutsilyo sa leeg niya, at habang nakatakip ang kamay ko sa bibig niya. Linapit ko pa ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"Iustitia negavit, mors ministratur..."

"Grabe, sunod-sunod na patayan, ah." Komento ni Sir Ponyo habang nakatingin sa TV at nakaupo sa unahang upuan sa harap ng table ni Attorney Tres. Kakaumpisa pa lang kasi ng trabaho kaya nagkakape sila rito sa opisina. 

Never Good But WorthyOnde histórias criam vida. Descubra agora