#NGBWChapterB v.2

4.8K 112 12
                                    

Matapos ang pagdaan ng ilang train ay nakasakay din kami sa wakas ni classmate. Iyon nga lang ay siksikan pa rin sa loob. Ibig sabihin, ganito karaming mga tao ang umuuwi na ng late sa bahay nila at nasasayang ang oras nila dahil mahirap makasakay.

Nakahawak lang ako sa balikat ni classmate habang nakikipaggitgitan kami sa loob at para hindi siya mawala sa paningin ko. At mukhang sanay nga siya dahil nagawa niya talagang sumiksik sa gitna kaya sumunod lang ako sa kanya habang ako ay feeling ko ay mahahati ang katawan ko at baka lumipad na lang. Manananggal 'yarn?

Humawak naman ako sa handrail habang nakaharap siya sa akin. Medyo awkward dahil first day pa lang namin na magkakilala pero heto, nagpapaka-gentleman ako sa kanya para lang alam kong safe siyang makakauwi. What's not to love about me? Eme!

Bakit ba kasi wala siyang payong na dala? Hindi ba siya girl scout? Huhu, e 'di sana ay nasa kotse na ako ngayon at nanonood muna ng Ang Probinsyano Episode 336 bago bumyahe pauwi.

"Ano?" Sambit ni classmate kaya napatingin ako sa kanya. "Kaya mo pa? Nakakahinga ka pa ba sa sobrang siksikan, aircon boy?"

Nakatingala siya sa akin dahil mas matangkad ako sa kanya habang ako naman ay nakayuko para tignan siya. "Oo naman. Napaka-basic lang nito. Ilang taon ko nga rin siniksik ang sarili ko sa maling tao pero heto, buhay pa rin naman ako."

Unti-unti naman niyang tinaas ang kilay niya. "Mukhang hindi mo gawain 'yan, ang isiksik ang sarili mo sa tao. Mas mukhang gusto mo ng convenient kaysa sa hassle. Ganyan naman kayong mga boys, 'di ba?"

Nagpigil naman ako ng ngiti dahil lumalabas na ang pagkadaldal niya, iyon nga lang ay puro panghuhusga sa akin ang lumalabas sa bibig niya. "Convenient store lang ang convenient sa mundong ito, Ms. Public Attorney. Lahat may hassle sa buhay. Walang pinanganak sa mundo na ito na walang kakaharaping problema. Maski nga ang anak ng D'yos na si Papa She Shoes ay humarap sa mga problema. Walang exempted, lahat tayo ay automatic na naka-sign up sa up for a challenge sa buhay."

Siningkitan naman niya ako ng tingin na mukhang mainit na ang ulo sa akin. "Wala talagang matinong sagot na nakukuha sa'yo, 'no? Puro ka kalokohan. I don't know na lang kung paano ka natitiis ng jowa mo."

Wow. Nag-assume si ate gh0rl na may jowa ako. Assumptionista 'yarn?

"So, paano mo nasabing may jowa ako?" Tanong ko pa sa kanya sabay paling ng ulo ko at napangisi sa kanya. Gawain ko rin 'yan, iyong indirectly mong inaalam sa isang tao kung may jowa siya. Ang bilis talagang mabasa nito ni classmate. "Uy, inaalam niya ang tungkol sa love life ko. Ikaw, Ms. Public Attorney, ha. Focus po tayo sa law school. Strict ang parents ko, e."

Umikot naman ang itim niyang mata para lang irapan ako. "Hindi ako interested sa'yo, 'no. Saka, expected naman na wala kang girlfriend dahil for sure fvck boy ka."

Grabe naman siya sa fvck boy. "Hindi interested, ha? E, kinakausap mo pa rin ako. Bakit? Crush mo ako, 'no? Saka, hindi ako fvck boy 'no. Mas lover boy kaya ako. Gusto mo? Love kita d'yan." 

Mabilis naman niya akong hinampas sa dibdib ko. Bayolente pala si Ms. Public Attorney, scary na abugado. "Crush ka d'yan. Ano ka high school? Baka gusto mong i-crash ko ang egg mo."

Awts! Tumibok ang betlog ko d'on. Charot! Natawa na lang ako sa kanya dahil ang sarap talagang mang-asar sa mga taong madaling maasar. 

Sakto namang lumiko ang train kaya nagka-movement ang mga tao sa loob. Napasapo naman ang isa kong kamay sa bewang ni classmate para hindi siya matumba dahil hindi naman siya nakahawak sa handrail. Nagdikit tuloy ang mga katawan namin pero sinusubukan niyang dumistansya pero dahil sa sikip sa loob kaya wala na siyang no choice.

"Hawak ka kasi sa biceps ko, classmate. Kung 'di ka kakapit, sige ka, mafa-fall ka sa akin. Ayiee." Patuloy kong pang-aasar sa kanya.

Tinignan naman niya ang braso kong nakalaylay dahil nakahawak ako sa handrail. Kita ko ang pandidiri niya bago niya ako muling tignan. "Thanks, but no thanks. Kaya ko ang sarili ko."

Never Good But WorthyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin