#NGBWChapter13 v.2

1.9K 48 12
                                    

Silog Pasig.

Pinagmamasdan ko lang ang signage ng kainan nila mula sa labas. Madilim na ang paligid dahil gabi na, at tanging ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag. Nandito ako ngayon sa harapan nila dahil hindi ako matahimik. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko ay may dapat akong gawin; na dapat matapos na ito parang wala ng pamilya pa ang magluluksa dahil sa mga halang ang kaluluwa.

Inayos ko na ang hoodie sa ulo ko at sinuot ang itim na face mask sa bibig ko. Pinasok ko lang ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at naglakad sa madilim na eskinita. Gumilid lang ako at pinagmasdan ang kainan mula sa pwesto ko. At mula sa bulsa ng jacket ko ay hawak ko ang isang maliit na kutsilyo.

Sabi nga nila, halos lahat ng krimen ay nangyayari sa gabi dahil madilim at kaunti lang ang tao. Kaya naniniwala ako na ginagawa ng Silog Pasig ang kahayupan nila sa gabi. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit ang target nila ay ang mga tao sa lansangan. Ano'ng nagawa nila sa may-ari ng Silog Pasig para magawa itong krimen na ito?

Halos kakasimula pa lang nitong Silog Pasig. Pero, nakakadiri pa ring isipin na iyong mga taong kumakain sa kanila ay walang kamalay-malay na laman pala ng tao ang kinakain nila. Ang dami na nilang nabiktima. Nakakasukang isipin kaya dapat ay matapos na ito.

Ilang saglit pa ay may nakita akong pigura mula sa loob ng kainan. Madilim ang loob kaya hindi ko mapagtanto kung babae ba siya o lalake. Hatinggabi na. Ano na naman kaya ang sunod na galaw nila para gawin ang kahayupan nila?

Pinagmasdan ko lang ang galaw niya. Hindi ko mawari kung ano ang ginagawa niya sa loob pero panay lang ang lakad niya na para bang may mga nililipat siyang gamit sa bago nitong pwesto. Siguro ito na ang timing para pumasok sa loob at tutukan siya ng kutsilyo para mapaamin sa mga ginagawa nila.

Tumingin muna ako sa paligid. Tahimik na ang lugar at walang taong dumadaan, tanging mga mangilan-ngilan na kotse lang ang dumadaan. Nagsimula na akong maglakad papunta sa Silog Pasig. Matalim pa rin ang tingin ko sa taong nasa loob. Kita ko na naglakad din siya papunta sa pintuan na parang tapos na siya sa ginagawa niya kaya lalabas na siya ng kainan.

Nagmadali ako para harangin na siya sa pintuan nang may humablot sa akin at isinandal ako sa pader sa harap ng Silog Pasig. Masyadong mabilis ang pangyayari. May nakakita ba sa akin na tauhan ng Silog Pasig?

"Tang---" Sinubukan kong magpumiglas at murahin siya pero hindi ko na nagawa.

"Just stay still, Cait..." Sambit n'ong lalake sabay lapat ng labi niya sa labi ko.

Nagulat ako sa ginawa niyang paghalik sa akin. Sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero masyado siyang malakas. Nakahawak lang ang isang kamay niya sa palapulsuan ko at diniin niya ito sa pader, habang iyong isang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko.

Nakadilat lang ang mga mata ko at namukhaan ko kung sino ang lalakeng humahalik sa labi ko. "Attorney...Tres." Tawag ko sa kanya sa pagitan ng mga paghalik niya sa akin.

Dumilat siya sabay tingin sa mga mata ko habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Bakit ako hinahalikan ni Attorney Tres? Hindi ko alam pero napahawak na lang ang isang kamay ko sa balikat niya at hinayaan siyang halikan ako kahit na naguguluhan ako bakit niya ginagawa sa akin.

Gumalaw pa ang labi ni Attorney Tres kaya para kinokopya ng labi ko ang galaw ng labi niya. Damang-dama ko rin ang init ng laway niyang bumabasa sa labi ko. Ang galing niyang humalik dahil napapasunod lang niya ang labi ko.

"Oy, ano 'yan?!" Sigaw ng isang lalake na lumabas mula sa kainan.

Huminto si Attorney Tres sa paghalik sa labi ko pero hindi pa rin niya inaalis ang titig sa akin. Kinagat pa niya ang ibabang labi ko bago ihiwalay ang labi niya sa labi ko. Dumistansya ang ulo niya sa akin sabay tingin sa lalake na mula sa kainan.

Never Good But WorthyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin