#NGBWChapter11 v.2

2K 60 5
                                    

"Daan mo na tayo sa police station." Wika ni Attorney Tres habang sakay kami ng kotse niya. May pupuntahan kasi kaming kliyente kung saan ay hawak niya ang kaso nito. 

Tumango naman ako habang nakaupo lang ako sa shotgun seat niya as a passenger princess na naman. Nakapatong pa sa mga hita ko ang mga papeles namin sa kasong hinahawakan niya. Kabisado ko na ang pasikot-sikot ng trabaho ko. Nasasanay na rin akong umasikaso ng mga kaso na hinahawakan ni Attorney Tres. Marami rin akong natututunan dahil lagi niya akong sinasama sa mga lakad niya.

"May oras pa naman po tayo bago po iyong appointment niyo sa kliyente niyo, attorney." Sagot ko naman sa kanya matapos kong tignan ang calendar sa phone ko. Puro schedule naman ni Attorney Tres itong nasa calendar ko.

"Mabilis lang tayo. May kukunin lang ako." Liniko na niya ang kotse niya hanggang sa pumasok na ito sa Nuevo Central Police Station. Pinarada lang niya ang kotse.

"Tara." Paanyaya niya sa akin bago bumaba ng kotse.

Sumunod naman ako sa kanya sa pagbaba ng kotse. Naglakad pa kami hanggang sa loob ng police station at bumungad sa amin ang pagkadami-daming tao. Parang nagkakagulo dahil sa lahat ay nagsasalita kaya ang ingay sa loob. Ang daming mga tao sa front desk, may ilan na nakatambay lang sa waiting area.

"Bakit wala pa rin pong balita sa nawawala kong asawa?" Sambit ng ginang sa isang police officer na nasa front desk.

"Misis, ginagawa pa rin namin ang lahat ng aming makakaya para mahanap ang asawa niyo." Sagot pa niya. "Alam niyong marami ang nawawala ngayon. Araw-araw at gabi-gabi po namin pinagsusumikapan na mahanap ang mga kaanak niyo."

"Tres!"

Naputol ako sa panonood sa nagkakagulong mga tao sa front desk. Napalingon ako sa tumawag sa boss ko. Kita ko ang isang police na papalapit sa amin. 

Sinalubong naman siya ni Attorney Tres. "Kuya Mon," Tawag niya sa police officer.

So, ito iyong isa nilang kaanak na sinasabi sa article na nabasa ko na isang police. Ang dami ko ng nakikilala sa pamilya ni Attorney Tres. Though ang weird lang kasi siya lang ang naiibang apelyido sa kanila. Gets ko iyong DiMarco dahil nakapang-asawa ng babaeng Suarez, pero iyong Subido, wala akong nabasa sa first generation ng Suarez o Villavicencio. E, halos same generation na ito ni Attorney Tres.

Tumagos naman ang tingin sa akin nung Kuya Mon kaya napalingon ulit sa akin si Attorney Tres. "Ah, Kuya Mon, si Cait nga pala. Ang  Legal Assistant ko sa office." Pagpapakilala niya sa aming dalawa.

Nginitian ko naman si Sir Mon...Dragon. Charot! 

Nagpalipat-lipat lang tingin ni Sir Mon sa amin ni Attorney Tres. Kita ko pa ang unti-unti niyang pagngisi. "Siya ba iyong sinasabi ni Dos na bebot mo raw?"

Mabilis naman na tinapik ni Attorney Tres ang sikmura ni Sir Mon habang ako ay biglang nag-init ang dalawang pisngi ko. Bakit pati sa kanya ay nakarating ang ganyang pagla-loveteam nila sa amin ni Attorney Tres? Doc Dos, may pagka-marites ka pala, ha!

"Baliw. H'wag kang naniniwala d'on kay Dos. Alam mo namang kulang pa 'yon sa dugo matapos maubusan ng dugo sa katawan." Sagot naman ni Attorney Tres kay Sir Mon. 

Binigyan naman siya ng isang nakakalokong ngiti ni Sir Mon. "Sabi mo, e. S'yempre maniniwala ako sa'yo idol. Kwento mo 'yan, e. S'yempre ikaw ang bida sa sarili mong kwento."

"Tangina mo, tara na nga." Inakbayan na ni Attorney Tres si Sir Mon sabay lingon sa akin. "Cait, d'yan ka lang. Balikan kita agad. May kukunin lang ako sa mamon na 'to."

Tumango na lang ako. Silang dalawa naman ay naglakad na papasok sa hallway ng station, at dumaan hanggang sa dulo nito bago sila pumasok sa isang kwarto. Samantalang ako'y naiwan sa entrance ng istasyon. Muli kong sinuri ang paligid sa loob ng police station.

Never Good But WorthyМесто, где живут истории. Откройте их для себя