#NGBWChapterM v.2

5.5K 128 31
                                    

"Kung hindi nangyari iyong sa pamilya mo, sa tingin ay magla-law school ka?" Tanong ko kay Cait habang tambay kami sa roofdeck bar ng hotel.

Madaling araw na kasi kaya ito na lang ang bukas. Chill na inom lang naman kami dahil hindi naman umiinom si Cait. Gusto lang namin sulitin ang oras dahil naubos ang oras namin sa lampungan kanina at nakatulog pa kami matapos.

Nakatingin lang siya sa madilim na cityview mula sa pwesto namin. Nililipad din ng hangin ang buhok niya. Nagkbit-balikat naman siya. "Hindi ko rin sure kasi tinatak ko na sa utak ko ang mag-law school. Pero, mahilig akong manood ng mga Procedural Series. Iyong may mga police officers, firefighters, paramedics at dispatchers. Minsan, parang gusto kong maging parte ng trabaho nila. Iyan siguro ang gusto ko kung hindi ako nag-law school."

Tinignan naman niya. "Ikaw? Gusto mo pa rin ba ang law school? Kahit na ang sabi mo ay ang first choice mo ay maging marine biologist."

Nginitian ko naman si Cait. "I might not be exactly where I thought I'd be, but I'm really loving where I'm at now. I'm just keeping a promise I made to the first person who showed me how cruel the world can be. And you know what? It's made me stand up for folks against all the unfair stuff out there. At kung hindi ako nag-law school, hindi kita makikilala, Cait."

Ngumiti rin siya sabay iwas ng tingin. Uminom muna siya sa baso ng alak niya bago muling tignan ang cityview. "Alam mo Tres, walang halong biro, pakiramdam ko ay nagkita na tayo rati. Kahit na ang weird mo, pero ang gaan ng pakiramdam ko sa'yo. Feeling ko, sa mga panahon na malungkot ako ay pinasaya mo ako. Hindi ko lang alam o matandaan kailan."

Hindi naman ako nakasagot. Hindi ko lang masabi sa kanya na nagkita na kami noong mga bata pa lang kami. Hindi ko lang masabi na nandoon ako sa korte, nasaksihan ko ang lahat. Mas mabuting hindi na niya matandaan.

Naalala ko naman ang Lala. Iyong favorite chocolate ko noong bata ako. Gusto kong maluha dahil ngayon ko lang nalaman na kahit paano ay napasaya ko siya sa pagbigay ko sa kanya ng Lala. Hiniling ko noon na maging masaya siya matapos ang nangyari sa pamilya niya. Pero heto, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Kaya ginagawa ko na lang ang lahat para ma-distract siya.

"Cait," Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. "I do cherish the love I have for you. My feelings for you are as clear and undeniable as evidence presented in court. I object to a life without you, for you are the ruling that brings joy to my heart. I rest my case, my love for you is irrefutable."

Matagal naman niya akong tinitigan bago siya natawa. Siraulo talaga 'to. Lagi na lang akong pinagtatawanan. "Magaling ka talagang mag-deliver ng lines kapag recit. Seryoso, Tres, gusto kong maging abugado ka. Maging public attorney ka, please? Tulungan mo akong ipagtanggol ang mga oppressed against sa injustices. Kapag isa ka ng public attorney, papakasalan kita."

Tinaas ko naman ang glass ng alak ko. "To future Atty. Caitlin Willow Madriñan-Suarez."

Tinaasan muna niya ako ng kilay bago niya itaas ang glass ng alak niya. "To Atty. Tresmiro Jace Suarez, my future husband."

Nagkampay ang mga baso namin sabay inom. Nagtawanan naman kami.

.

.

.

.

.

"Pero matalino ka naman din talaga, Joao." Komento pa ni Cait habang pinag-uusapan namin kung sino ba talaga ang magaling sa amin pagdating sa acads.

"Hindi rin." Sagot pa ni Joao habang nakatingin lang sa langit at patuloy na nagbubuga ng usok sa vape niya. Nandito kasi kami sa bahay para sabay na mag-aral. "Angat siguro ako sa retention pero ang daming bagay na hindi ako magaling. Hatest subject ko noon ang M.A.P.E. Dahil hindi ako magaling sa music, hindi rin ako marunong sa art, hikain pa ako noon kaya laging exempted sa PE. Buti na lang talaga ay pogi ako."

Never Good But WorthyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ