-RAYMOND'S POV-

Wala akong paki-alam sa big game, sa mga opportunities, sa mga sasabihin sakin ng team, at sa brotherhood namin ni King. Ang mahalag sakin ngayon ay si Alli.

Malayo na siya. Kailangan niya ng space, kaya tatahimik na lang ako. Nagtext sakin si AJ na pumunta na daw ako sa bahay ni coach. Kaya pinili ko na lang pumasok sa loob.

Pagpasok ko naman, ginagamot na yung sugat ni King. Habang yung iba nakatingin sakin, ang iba kay King.

"Umupo ka Manlangit. Mamaya tayo mag-uusap.' sabi ni coach habang ginagamot niya yung sugat ni King.

Walang pumapansin sakin. Si King naman nakakatawa na kahit na may nangyari samin. Palibhasa kasi may friendship na sila ni Alli kaya okay lang sa kanya ang lahat.

"Haaay. Sayang naman kung di na tayo makakasali sa tournament. Sabi ko pa naman kay Hanna, kapag naka limang three points ako kami na." sabi ni Marco.

"Ano ba kayo. Think positive lang tayo! Wala ba kayong tiwala kay coach? Kaya niya tayong isalba!" sabi naman ni AJ.

Pagkabalik ni coach galing sa kusina, hinagisan niya ko ng ice bag.

"Mukhang di naman tayo makakapag dinner dahil sa nangyari." sabi ni coach. Mejo di na galit yung aura ng mukha niya di kagaya kanina.

"Coach... Pano po si Alli... Totoo bang aalisin niyo na siya?" tanong ni AJ. Napatungo ako.

"Bakit? Di pa ba kayo sanay na may natatanggal na P.A? Hindi lang naman ito ang unang beses ha?" sagot ni coach kay AJ.

"Nakakamiss kasi si Alli. Package na yun eh? Kapatid, girlfriend, bestfriend, yaya, tutor, at....hmmm. Ah basta!" sabi pa ni AJ.

Natawa ang buong team sa sinabi ni AJ. Kahit kailan talaga. Napaka abnormal niya.

"Hahanap na lang tayo ng bagong P.A niyo. Sayang, I was about to annouce her promotion tonight. Kung di lang sana nangyari to."

At mas lalo akong naguilty sa sinabi ni coach. Pano na kaya si Alli ngayon, wala na siya sa pagiging P.A. San naman siya kukuha ng extra money :3

-ALLISANDRA'S POV-

Matapos naming pagkwentuhan ng bff ko ang lahat ng nangyari pinipilit kong makatulog. Para naman kahit saglit makalimutan ko na may masamang nangyari sakin.

Si Raymond... Para siyang si GoKu nung nagalit siya kanina. Pinagkamalan niyang nagsesex kami ni King sa kotse. Infairness ha? Ang baboy naman masyado ng utak -___-

"Pero malay mo yobab, concern siya sayo." opinyon ni Jasmine.

"Tss! Concern?"

"Oo. Saka malaya mo crush ka niya kaya ayaw niyang ginagalaw ka ni King. Ayieeeeee."

Ako? Crush niya? Hmmmp. Nagdalawang isip tuloy ako dahil baka nga ayun ang nangyayari sa mga oras na to.

Then I shook my head. Aasa nanaman ba ko na ginawa niya yun dahil crush niya rin ako? Mamaya mafriendzone at sister zone nanaman ako sa kanya. Kaya inialis ko na lang ang kalandiang thought ni Yobab.

- - - -

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nangyari. Napakiusapan ni coach ang taga S.U na burahin na sa social media ang video na yun para may pag-asa pa silang makasali sa laro. And to pay the shame, the whole team is having an 16hrs community service.

Yung iba nasa canteen, taga linis ng mga table, yung iba nasa Registrar's Office, yung iba naman nasa library, at si King at Raymond... Magkasama sa CR. Naglilinis.

Ako naman... Nakiusap din sa Prefect of Discipline namin na bigyan ako ng isang linggo para makabili ng uniform. Dahil wala na ako sa pagiging P.A kailangan ko ng harapin ang normal building kung saan naman talaga ako dapat.

At sa building na yun, makakasama ko si Valerie.

Mamimiss ko ang classroom na puro balahurang tao ang kasama mo. Yung tipong kahit babae ang professor, may nangungulangot, nagkakamot ng itlog, at natutulog sa klase.

Pero yung mga balahurang tao na yun ang bumubuo sa araw ko.

Nakaupo ako sa upuan malapit sa bintana. Nakatingin ako sa labas.

"Miss, may nagpapabigay sayo." sabi ng iregular student sakin sabay abot ng Curly Tops sakin. May nakadikit na note dun at ang nakalagay...

"I know you eat when youre upset... That's why I want to bring sweetness in your life and bring back the smile in your beautiful face. For you..."

-your admirer-

"Uhm... Excuse me, anong itsura nung nagbigay nito?" tanong ko sa nag abot.

"Hindi ko matandaan e?"

"Ah ganun ba. Sige... Salamat ha..."

Curly tops... Hindi kaya ito rin yung nagbigay sakin nung nakaraan? Sino kaya siya?

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Kaunting push pa. 10K na :'> Paplug naman ng story guuuuys! Salamat :*

-zandy_fragileheart

RULE NO. 12 NO INCEST (Part Two; Ongoing)Where stories live. Discover now