41 | Raindrops

57 6 2
                                    

Ely's POV

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang madilim at umuulang kalangitan. Naupo ako ng marahan sa hospital bed na hinihigaan ko, at tyaka ko hinigit ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Marahan akong tumayo at tumungo sa bintana ng kwartong kinalalagyan ko upang sumilip sa labas, mas lalo pa akong napayakap sa aking sarili ng lumamig pa ang hangin kaya't hinigpitan ko lalo ang balot ng kumot sa aking katawan.

Kakagising ko lang, hindi ko alam kung anong oras na o kung ilang araw na ang nakalipas simula nung nangyari.

I squinted my eyes as I tried to remember everything— especially the lunatic who put me in my slumber. Yes! Someone wants me dead, but I am not sleeping beauty who's gonna go on with her life after some witch put her into her deep sleep. I will make sure that the lunatic who made this to me will pay. That person is playing with me, with us. The act is so real that we've all believe and it needs an award for that, and that will be my punch on the perfect moment I will make.

I heard everything, I can't be wrong about it. That person threatened me while I was pretending to be asleep yesterday, I can't imagine that I was fooled by that crazy demigod and I can't imagine that the lunatic is with the others right now.

Hindi ko mapigilang maikuyom ang aking mga kamao habang iniisip lahat ng narinig ko. Hindi ko rin mapigilang pangilidan ng luha dahil sa sobrang pagka-dismaya, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Bakit siya pa?

Narinig ko ang marahan na pagbukas ng pintuan ng kwarto ngunit hindi ko iyon nilingon, patuloy ko lang pinanood ang pagdausdos ng mga patak ng ulan sa salamin ng bintana.

"How are you feeling?" boses ni doktora ang bumungad sa akin, ngunit hindi ako makasagot dahil sa sobrang pag-iisip. "The others were sent on a quest yesterday. I think they'll be back today." marahil ay pagtukoy niya sa mga kasamahan ko.

Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko at inilapag doon ang isang capsule. Ipinainom niya iyon sa akin bago ako muling kausapin, "Are you alright?" mahinahon niyang tanong. Tumango lamang ako bilang pagsagot doon. "You've been asleep for three days. You were found outside the Mist Haven. We were glad that Javi found you before you totally lost your consciousness, you're barely breathing when he got you here. What happened, Ely?" seryosong tanong niya sa akin.

Napatulala ako ng ilang sandali bago makabawi sa tanong niya, "I don't exactly remember everything, I just know that I entered that forest then that's it. I'm sorry." mahina kong sagot dito habang nakatingin pa rin sa labas.

Alam kong mali itong ginagawa ko pero I think mas mabuti na'to, para na rin hindi na sila mamroblema pa kung ano nga ba talagang nangyari. Kailangan ko rin sigurong gawin ito para na rin hindi malaman ang mga gagawin ko para mahuli ang lintek na saltik na iyon. Ayoko munang malaman ng kahit na sinuman ang totoong nangyari sa'kin, dahil baka kung ano pang mangyari kung magkataon.

"It's fine, I know it's been hard for you these past few days. Izell and Zero might come here later, they stayed to look out for you. I'm leaving you here ok? I'll be back before lunch to give you your last shot of ambrosia." saad niya bago ko tuluyang narinig ang pagsarado ng pintuan.

I am so lost for words on what's happening.I just wanted to get this over. Kahit ilang araw na akong nakatulog ay pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ang katawan at isip ko. Hindi rin pala maganda ang buhay na kinabibilangan namin, palaging nasa bingit ng kamatayan ang bawat isa sa amin. Nakakapagod isiping maaaring isang araw ay tuluyan na kaming bawian ng buhay dahil sa super duper ultra mega adventures ng aming extraordinary life.

I sighed heavily. Why do I feel like something is about to happen. I am afraid on what's happening right now and the fact na hindi ko pa rin alam ang katotohanan with my identity is killing me, I am afraid on not knowing what is this life I'm having.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now