21 | Power Levelling

70 2 0
                                    

Hindi ko napigilang mabigla sa pagbangon dahil sa malakas na pagtunong ng orasan na nasa bedside table ko. Nang makitang ala-singko na ng umaga ay halos manlumo na ako. Naiiyamot man dahil sa sobrang aga, ngunit imbes na magmaktol pa ay pinatay ko na lamang ito.

Ngayon na nga pala 'yon.

Kahit walang gana ay tumayo na ako at agad na dumiretso sa banyo upang simulan ang aking mga ritwal. Matapos niyon ay nagbihis lamang ako ng ibinigay na training clothes sa klase namin noong isang linggo. Isang itim na long-sleeve na mayroong gold outline sa sleeves at ang kapares nitong itim na cargo pants, isinuot ko na rin ang combat shoes na binili namin nito lang din.

Pasimple kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin ng vanity table ko at doon napansin ang magulo kong buhok, ngunit hindi ko na ito ginalaw pa dahil alam kong si Blair na ang bahala rito. Kinuha ko na rin ang aking weapon, at saka ito muling ginawa na parang belt sabay sukbit sa aking baywang.

Napansin ko naman ang paglapit ni Reigan kaya't inaya ko na siyang sumama sa'kin palabas.

Pagkababa namin ay tumambad naman ang iba na nag-aayos na rin ng kanilang mga sarili. Narito rin ang kanilang maliliit na familiar na nagkalat sa sala, maging si Zero ay narito pa at nagkakape. Napansin ko rin na ang mga babae ay pare-parehas ang style ng buhok na siyang kasalukuyang ginagawa ni Blair kay Luna, isahang french braid iyon, para siguro maging malinis ang ayos namin at hindi maka-sagabal mamaya.

Walang imik akong tumungo sa kusina at nagtimpla ng aking kape, matapos niyon ay bumalik akong muli sa sala at nakisali na rin sa kanilang usapan.

"Oh can someone get Javier?! Shit, baka tulog pa 'yon!" giit ni Lein na siyang nagbibilang sa'ming lahat.

Nang banggitin niya ang pangalan nung isa ay tyaka ko lamang napansin na wala pa nga ang loko.

"Chill, alright. Leave it to me, ako na tatawag sa kanya." saad ni Shera na agad ding tumayo at pumanhik sa taas.

Nagpatuloy naman ako sa pagsimsim ng aking kape at hinintay na matapos si Blair sa ginagawa niya kay Luna.

"Ok, dito ka Ely. Medyo matagal 'tong sa'yo, haba ng buhok mo eh." ani Blair nang magsimula siya sa pag-aayos ng aking buhok.

Inilapag ko muna ang aking iniinom upang hindi siya mahirapan sa ginagawa niya, marahan ko namang ipinikit ang aking mga mata matapos maramdaman ang antok.

"Guys, hindi sumasagot si Javi. His room is also locked." dismayadong wika ni Shera.

"Hayaan niyo muna. Baka gising na rin 'yun, tinatamad pa siguro." paliwanag naman ni Blair dito.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na rin sa pag-aayos ng aking buhok si Blair at saka ko napansin na wala pa rin 'yung isa na siyang ikinakainis na lalo ni Lein.

"Pucha, sasapakin ko 'yung lalaking 'yon. Male-late na tayo!" inis niyang reklamo.

Nang maubos ko na ang natitira ko pang kape ay walang imik akong tumayo at saka tumungo sa taas. Tumayo ako sa harap ng katapat kong kwarto at kinalabog ng malakas ang pinto niyon. Nang walang sumagot galing sa loob ay kinatok ko pa itong muli ng sunod-sunod.

"Tsk, lumabas ka na d'yan sa lungga mo!" seryosong sigaw ko sa kanya.

Naghintay ako ng ilang sandali at matapos niyon ay bumukas na ang pinto ng kwarto niya. Nang sinipat ko ang hitsura niya ay napa-irap na lamang ako dahil ang loko ay naka-ayos na pala. Naka-suot na siya ng training clothes nilang itim na shirt na mayroon ding outline ng gold sa sleeves na kapares din ay cargo pants na itim. Napansin ko rin ang magulo at medyo basa niya pang buhok na nahaharangan ang kanyang mga mata, kaya't inirapan ko siyang muli dahil mukha siyang sabog.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now