6 | Aurum

124 2 1
                                    

Chronos.

I know him based from the stories I've read about them, noon din kasi na kapag nakakabasa ako ng tungkol sa kanila ay minsan kong naihahambing si Cronus at Chronos.

He was often confused with the Titan god Cronus by mistake, or conflated with him on purpose. Nalaman kong magka-iba sila, dahil si Cronus ay ang siyang Titan god of time na ama ng Olympians, siya 'yung kinain 'yung mga junakis niya kasi nasiraan siya— char lang. On the other hand, Chronos was the primordial god of time. Ang alam ko he emerged self-formed at the dawn of creation, sa isang story naman na nabasa ko noon he was envisaged as an incorporeal god, serpentine in form, with three heads— a man, a bull, and a lion.

At ngayon, malalaman kong kilala niya ako? Ang mas malala, eh descendant niya ako, like paano? What the? Na mayroon akong koneksyon sa katulad nila. Not that na I'm totally believing na on what's happening right now, but to think of it, pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa mga kaganapan.

Nakakapag-taka ring nandito ako sa class na Aurum, eh hindi naman siya considered na major deity at hindi ako dumaan sa sinasabi nilang exam? aba ewan ko na.

Nang matapos naman ang orientation at ceremony ay agad din kaming pinabalik sa dorm. At habang naglalakad kami ay seryoso akong napasulyap sa labing-isa kong kasama, I really can see just by their stance that they're different and powerful. Tapos nandito ako? Ano ako saling pusa?

Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa dorm at nag-insist agad sina Vera at Avery na sila na lang daw ang magluluto ng hapunan.

"She's a descendant of a primordial god. How cool is that." nakakalokong komento ni Crein, dahilan upang palihim akong mapangiwi.

Kanina pa nila pinag-uusapan ang tungkol d'yan, na para bang wala ako sa harap nila. Nang hindi sila matapos-tapos sa pag-usisa sa mga nangyayari ay nagpaalam na muna ako sa kanila upang makapag-bihis dahil nababanasan ako sa hitsura ko ngayon. Masyado ring hapit ang dress na ito, hindi ko kayang ipang-hapunan.

Itinabi ko na lang ito sa cabinet, sayang naman kung itatapon ko lang dahil sobrang ganda pa naman nito, remembrance na lang ba gano'n. Marahan ko namang inilapag sa bedside table ang suot kong chain belt na pocket watch, hmm... para saan kaya 'to?

Matapos niyon ay dumiretso naman ako ng tingin sa salamin ng aking vanity. At agad napako ang atensyon ko sa aking buhok, dahil ang dating maitim kong buhok ay naging sobrang itim, may gano'n ba? ah basta, tila ba naging kakulay na ito ng buhok ng tuod na anak ni Zeus.

Abot hanggang baywang ko ang haba nito na kailanman ay hindi ko pa napapa-iksian, at nakakagulat na ngayon ay may mangilan-ngilan na itong highlights na puti sa ilalim at sa gilid pero hindi naman 'yung tipo na mukhang uban, dahil talagang bumagay ang kombinasyon nito sa sobrang maitim kong buhok. Ito siguro ang kapalit ng nangyaring claiming sa akin kanina ng aking deity.

Napa-ismid naman ako ng madako ang aking tingin sa aking mukha na walang pinagbago, wala man lang kahit kaunti, char. Ganoon pa rin, mayroon pa ring mga marka ng pekas at mangilan-ngilang tigyawat. Maputlang labi at malalim na pares ng mga mata na tila kulang na kulang sa tulog at aakalain mong matitigok na.

Napatitig naman ako sa aking mga mata na ganun pa rin ang kulay, itim. Walang nagbago, akala ko'y magiging katulad ng sa iba na mag-iiba rin ang kulay. Sa tingin ko'y walang espesyal sa'kin para magkaroon ng transformation gaya nila, char maka-drama lang ba. Ayos lang naman dahil mahal ko talaga 'tong mata ko, ito kasi ang pinaka-paborito kong parte ng aking mukha.

Pagkababa ko ay nasa dining area na silang lahat, kaya't lumapit agad ako kay Blair na siyang naghahanda ng mga pagkakainan. Tumulong na rin ako dahil nakakahiya naman na wala akong ganap dito.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now