15 | Back to the Academy

78 3 0
                                    

Matapos ng ilan pang kamustahan at pagpa-paliwanag ay napagkasunduan na rin naming umuwi na dahil sa papalubog ng araw at upang makapag-pahinga na rin ang bawat isa, lalo pa't sobrang daming naganap nitong nagdaang araw.

Kasalukuyang nasa backseat kami ni Irys sa sasakyan ni kuya, habang ang nagmamaneho naman ay si tuod at ang nasa passenger seat ay si Shera. Mas gusto niya raw kasi doon para tanaw ang paligid at kibit-balikat naman akong pumayag.

"I don't like her." bulong sa'kin ni Irys, kaya't agad ko siyang siniko ng mahina dahil baka marinig siya nung isa.

"Shh! Why? She looks fine to me." komento ko.

"Okray, grabe naman 'yang first impression mo, napaka-blind mo naman beh. I don't like her, and her name. It's not giving you know, it's just Hera with an S as the first letter, yeah totally not giving. Ay ewan na, basta ayoko sa kanya." inis niya pa ring bulong at napa-iling na lamang ako, tyaka itinuon na lang ang aking pansin sa tinatahak namin.

Habang nasa byahe ay panay naman ang kuwento ni Shera tungkol sa buhay niya, nito lang rin pala niya nalaman na isa siyang demigod at iyon din ang naging hudyat ng kanyang deity upang siya'y kausapin. And like Zero's deity, the goddess explained that she needed to be in the academy for her own good at pumayag naman siya agad, since her mortal dad is no longer alive. Ever since raw after mawala ng ama niya, she's been in the custody of the older sister of her father, her aunt who knows about her true identity.

I was taken a back nang mapaluha pa siya ng bahagya ng mai-kuwento ang kanyang ama, kaya't alanganin na inalo ko na lamang siya.

Makaraan ang ilang sandali ay huminto na ang sasakyan sa tapat ng aming bahay kaya bumaba na rin kami kaagad. I also helped Shera to get her luggage, dahil nauna nang pumasok sa loob si tuod. Psh, so ungentleman, if there's a word like that.

"Uhm, pasensya ka na dun sa isa ha. I think nahihiya lang siguro 'yun." bulok na pagdadahilan ko sa kanya.

"It's alright, I don't mind. He's actually cute being like that." animo'y kinikilig niyang saad, na ikinakibit-balikat ko na lamang.

Tinulungan naman na kami ni Crein upang maipasok ang mga gamit niya. Pagpasok sa bahay ay hindi namin natagpuan sa sala si tuod, siguro'y dumiretso na sa kwarto nila. I asked Crein na dalhin muna ang mga gamit ni Shera sa kwarto ni nanay dahil hindi na siya kakasya roon sa spare room para sa mga babae, nahihiya rin naman ako na patulugin siya sa sala kaya doon na lang.

Matapos niyon ay agad na akong umakyat sa aking kwarto upang makapag-pahinga saglit. Habang ako'y nag-aayos ng aking sarili ay bigla kong nakapa ang kwintas na ikinabit sa'kin ni tuod kanina, marahan ko itong hinawakan dahil gusto ko sanang tanggalin ito, kaso napag-desisyunan kong 'wag na lang at baka maiwala ko pa, mukha pa man ding may kalakihan ang presyo nito. Psh, hayaan na nga. Tinanggal ko naman ang aking weapon na ini-style ko kanina bilang kwintas at itinabi iyon sa aking bag.

Bago ako tuluyang lumabas ay naisip kong ipasok muna sa loob ng aking damit itong kwintas na ibinigay ni tuod para hindi masyadong kita. Nang makababa ay naabutan ko sa sala ang nagku-kuwentuhang sina Blair, Luna, at Shera tungkol sa sitwasyon. Hindi ko naman na sila pinansin at tahimik na dumiretso na lamang sa kusina, doon ay naabutan ko sila Vera at Avery na naghahanda na para sa hapunan, kaya't tumulong naman ako sa paglalagay ng pagkakainan sa hapag-kainan. Well, hindi naman kasi ako marunong magluto, pagsasaing at prito-prito lang ang alam ko. Medyo takot kasi ako sa apoy, kaya lintik talaga ang inis ko minsan kay Blaze.

Habang nag-aayos ay may bigla naman akong naisip na subukang gawin sa aking ability, kaya't marahan akong nag-concentrate upang magawa ito.

Itinapat ko ang kaliwang palad ko sa isang plato upang subukang mapa-lutang ito. I created a small invisible force field to try it, I want to see if I can move this object without physical means. I recently learned some few tricks about my ability as I familiarize it everyday, well if I can create force field that has its own time, maybe I can manipulate things with the help of this.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now