27 | Strange

56 3 0
                                    

Ely's POV

"Do you really know where we're going?" nagtatakang tanong sa'kin ni Izell, na siyang agad kong tinanguan muli dahil pangatlong tanong na niya ata 'to. Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala? Hey, I'm the girl who grew up in the mortal realm oh.

Kasalukuyang siya lang ang kasama ko sa paglalakad dahil napagpasyahan naming lahat na mag-by pair na lamang sa paglilibot sa sentro upang mas mapadali. Inabot na nga kami ng tanghali ng kinabukasan at lintik talaga, dahil wala pa akong matinong tulog.

Kami'y naghati-hati sa north, east, west, at south na bahagi ng sentro. Magkasama sina Avery at Luna sa north, sina Blair, Vera at Shera sa east, si Lein at Irys sa west, at kami naman ni Izell dito sa south.

"Don't worry malapit na tayo." paninigurado ko sa kanya, dahil malapit naman na talaga kami sa huling hospital na meron dito sa south, at mababaliw na talaga ako ng tuluyan kung wala pa rin kaming mapapala.

Maya-maya pa'y bigla namang nag-ring ang cellphone ko, at ng makita ang caller ay agad ko itong sinagot.

"Hi Ely. There's nothing here in the east. Kasama na rin namin sila Luna, sila Lein naman papunta na rin daw. We didn't find anything here, so let's just meet there in the south." imporma sa akin ni Blair.

"Alright, we'll wait for you here." sabi ko at saka agad na ibinaba ang tawag matapos kong ibigay kung nasaan kami banda.

Now, I really hope that we can find a lead here. Nagpatuloy na kaming muli na libutin ang lugar, at ilang sandali pa'y umabot na rin kami sa isang maliit na ospital, at nagkatinginan naman kami ni Izell matapos niyon. This one's our last hope. Yara, where are you?

Hindi na ako mapakali kakahintay sa mga kasama namin, gusto ko ng pumasok sa loob para magtanong. Ngayon ay nagtatago kami ni Izell sa likod ng isang poste dahil baka may maghinala sa'min. Ilang beses ko ng tinitingnan ang aking cellphone sa paghihintay sa kanila, ngunit matapos naman ang ilang sandali ay dumating na rin ang mga kasama namin.

"This is the last one?" tanong ni Luna sa'kin na siyang tinanguan ko.

Ito na lang ang natitirang hospital na hindi namin napupuntahan, at hindi ko alam kung bakit malakas ang kutob ko na may kakaiba sa loob nito.

"Ano pang hinihintay natin? Tara na't pumasok." aya sa'min ni Lein, ngunit agad siyang piniit ni Luna.

"We can't just go in there looking like this, look at us we're too many. The staffs might wonder why nine ladies are going to a hospital without any injuries." sarkastikong saad ni Luna. Yep, I'll listen to the wisdom. Ayokong ma-tegi kung sakaling may kakaiba nga d'yan. So, bale ang ginawa kasi namin sa mga naunang napuntahan namin ay nagtanong lang sa loob tungkol sa inquiry kuno para sa check-up, eh ngayon na ang dami namin mukha bang may maniniwala sa check-up na iyan.

Nabaling naman ang tingin ko kay Lein na napahawak naman sa kanyang baba na tila nag-iisip ng maigi.

"What if? Magpa-suntok na lang ang isa sa inyo sa'kin, then tyaka tayo mag-inquire?" nakangising suhestiyon ni Lein, tsk, nakuha niya pang mang-asar sa sitwasyong 'to? Tinitigan naman siya ng matindi ni Luna na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ng kaibigan. Matapos walang makuha na sagot sa ni isa sa amin ay nagsalita muli siya.

"Hey, I'm serious! It's a good plan, you know?" good nga pero brutal naman. Luna just sighed heavily. W—wait is she gonna consider Lein's recommendation?

Oh no.

"What if? We inquire about finding an imaginary person on their patients list... without punching each other, then while doing that. Ely's going in the frame, by using her immobilization ability or the teleporting one inside?" sarkastikong wika ni Luna.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now