16 | Familiar

66 2 0
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa kawalan habang minamanipula ang aking ballpen, nakabalot ito sa isang maliit na invisible force field na siyang ginagamit ko upang ito'y mapalutang. Wala akong magawa dahil kanina pa wala si Prof Fiona kaya't sa sobrang pagka-buryong ay na-tripan ko ng paglaruan ang aking ability.

"I'm so confused with this." napatigil naman ako matapos madinig ang boses ni Shera.

Simula ng dumating kami rito sa classroom kanina ay puro na siya hirit, wait scratch that, I mean simula pala ng makarating kami dito sa academy ay puro na siya reklamo kaya minsan ay naiinis na rin ako.

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makarating kami dito sa academy, so it means lampas isang linggo na akong estudyante ng eskwelahang 'to. At hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob din ng isang linggong iyon ay maka-ilang beses na akong kamuntikanang sumakabilang buhay, na siyang unti-unti ko ng nakakasanayan.

Isang malaking himala talaga na pinagpapala at buhay pa rin ako hanggang ngayon.

"Can you explain this to me Javi?" dinig kong maarteng saad ni Shera.

Magmula rin ng dumating kami dito sa academy ay napansin ko na ang pagdikit niya ng sobra kay tuod, na wala namang kaso sa'kin, ngunit iyong mga salitaan niyang ganito ang hindi ko kinakaya. Kaya't ang ginagawa ko minsan, hangga't maaari ay ako na mismo ang lumalayo sa kanya or sa kanilang dalawa for the sake of my peace of mind.

Sa mga nakaraang araw din ay lumayo na ng tuluyan ang loob ko kay Shera lalo na sa tuwing may klase kami, lalong-lalo na sa pe, na gusto ko na lang magwala sa sobrang pagka-windang. Like geez, kada training ba naman ay laging ako o si Irys ang tiga-sambot ng mga dapat na tatama sa kanyang atake. Nariyan kasing imbes na siya ang target ay tatakbo siya sa'ming likuran at doon magtatago, ang ending mukha kaming sabog no'ng isa. Psh, daig pa namin si wonder woman sa pagiging shield niya.

Hindi ko rin alam kung bakit pero unti-unti ko ng nararamdaman 'yung sinasabi ni Irys na 'basta ayoko sa kanya'.

Nahalata ko rin na sa tuwing pe class, na imbes na lumaban siya ay kailangan pa mismong may lumaban na iba para lamang hindi siya mapahamak. Hindi naman namin maatim na pabayaan siyang mapuruhan sa tuwing hihingi siya ng tulong sa'min, lalo pa't naiintindihan ko rin naman na baguhan siya at marami pang kailangang alamin, ngunit minsan ay parang ayoko na lang umintindi, nakakapagod.

Nang makarating din kami dito sa academy, ang dorm namin ay nadagdagan pa ng dalawang kwarto na para kay Zero at Shera. Dahil sa pakiusap namin na sa'min na lang manuluyan si Zero ay nagdagdag din ng kwartong para sa kanya, ngunit ang class niya pa rin ay Elite dahil considered as a minor deity ang kanyang ama. Ilang araw ko na ring tinutulungan na makapag-adjust ang isang iyon, nariyang sasamahan ko siya sa kung saan-saan upang maging pamilyar siya sa paligid.

Kasalukuyan kaming naghihintay kay Prof Fiona para sa last subject namin, kaso medyo late na siya sa hindi namin malamang dahilan. Sabi niya kasi kahapon, which is hindi na naman siya nakapasok like the other days, and kanina rin sa first subject ay wala siya, but she informed us yesterday na para nga sa klase ngayon ay hintayin lang namin siya dito sa room.

Ilang araw na ring hindi nagtuturo si Prof sa'min kaya excited ako sa ganaps today.

Sa pagka-inip ay kanina ko pa pinagtitripan itong mga gamit ko, agh, wala na akong magawa buryong na buryong na ako.

"Omg! That's how it works pala!" ay jusme, agad na napakunot ang aking noo ng marinig kong muli ang hirit ni Shera. Nasa may kabila lang kasi siyang upuan bale napapagitnaan namin si tuod, doon niya kasi pinalagay ang kanyang silya.

Kaya konting kibot niya ay talaga namang dinig na dinig ko.

"Good morning everyone. I'm sorry for not attending our lectures this past few days, there's really an important matter in the faculty that we're discussing and I'm sorry I'm late, I just attended an important meeting by the council," sakto namang pumasok na si Prof kaya itinigil ko na ang aking ginagawa.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now