22 | Nostalgia

70 2 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga oras, at sa paglipas nito ay ilan na rin ang nakatapos sumalang sa levelling. Each students were really showcasing their skills and abilities, so the arena is still in uproar from the ongoing event.

Halos matatapos na ang klase ng Elite, gayundin ang grupo namin. May iilan mula sa naunang klase kanina ay gumamit na ng remote na ibinigay, marahil ay hindi na kinaya ang nangyayari sa loob. Maging ako na manonood ay kinakabahan ng makita kung paano sila lukubin ng kaba o 'di kaya'y takot sa kanilang mga nakakatapat.

Ngayon, ang natitira na lang sa'min ay si tuod, at na naman... ako.

Kung anong malas ni Irys sa bunutan ay siyang malas ko naman sa paghihintay, grabeng kaba na ang inaabot ko dahil anytime soon ay baka ako na ang mabunot.

Kasalukuyang si Lein na ang nakasalang sa loob, at ang masasabi ko lang, ay anak ngang talaga siya ni Ares. Paano ba naman kasi, sobrang brutal ng kanyang combat skills! Sa tingin ko'y ako na nga ang kinakabahan para sa mga nakakaharap niya.

Just like right now, the way she's grinning mischievously at the group of class A daemons in front of her is giving me the chills.

Sa isang iglap ay nagpalabas na siya ng naglalagablab na espada sa kanyang kanang kamay, at walang pag-aatubiling sinugod ang mga ito, na tila walang kinatatakutan. Nagpakawala rin siya ng mangilan-ngilang kulay pulang shuriken mula sa kanyang kaliwang kamay at mabilis na itong ibinato sa mga mata ng medyo malayo pa sa kanya.

"Eww, that's disgusting." dinig kong komento ni Shera sa ginawang iyon ni Lein.

Pakiramdam ko'y ako ang nasasaktan habang pinapanood kung paano niya pinagsasaksak ang mga nakalapit na sa kanyang puwesto at sa sobrang brutal ng paraan niyang iyon, ang mga manonood ay napapasinghap na. Magkaka-sunod muling atake ang pinakawalan niya gamit ang kanyang espada at sa bawat atakeng iyon, kung hindi pugot ulo, ay taga-tagang katawan ang ganap ng mga kalaban niya.

"Bwiset, butcher ata si Lein no'ng past life niya." natatawang ani ni Irys.

Makaraan ang ilang sandali ay tumunog na ang buzzer hudyat na natapos na niya ang kanyang oras, at nang makabalik siya sa platform ay masigabong palakpakan ang iginawad namin sa kanya.

"WOOHOO! BEST BUTCHER NAMIN 'YAN!" malakas na sigaw ni Irys dito.

Natawa naman kami at ang mga manonood matapos niyang gawin iyon. Nang tumingin akong muli kay Lein ay napatawa na rin siya ng bahagya. Matapos siyang batiin nila Prof at nang mabigyan ng paunang lunas ay bumalik na siya sa puwesto namin na mayroong malawak na ngiti, at napuno na nga ang bawat isa sa amin ng kantyawan at tuwa, bago namin ipinagpatuloy ang pagtuon ng paningin sa unahan kung saan nakabunot na pala si Prof Fiona.

Psh, 'wag muna ako, please lang!

"Zero. Elite." anunsyo ni Prof Ram sa nabunot.

Hindi nga ako, si Zero naman.

Hinanap agad ng aking paningin ang lalaking tinawag, natanaw ko siyang patungo na sa platform. Nagsimula na naman akong kabahan, ang malala ay hindi para sa akin, kundi para sa kanya, ngunit alam kong kakayanin niya 'yan, tiwala lang!

Pagkatuntong niya sa platform ay lumingon pa siya ng sandali sa puwesto ng mga manonood hanggang sa mapunta ang paningin niya sa'kin. Ngumiti siya ng malawak kaya't tipid ko rin siyang nginitian sabay taas ng bahagya sa kanang kamao ko, tanda ng pag-cheer ko sa kanya.

Matapos niyon ay tuluyan na siyang umapak sa nakahandang maliit na platform sa loob, at lumabas na ring muli ang dome na barrier kasabay ng paglalaho niya.

Lahat kami ay muling napako ang paningin sa malaking screen sa itaas at doon ay muli akong napangiti ng bahagya nang makita na siya'y nasa dati naming eskwelahan, sa may likurang bahagi kung saan namin siya natagpuan bilang anak ni Eros.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon