26 | Finders Keepers

49 2 0
                                    

Blaze's POV

Hindi pa ata sumisikat ang araw kanina ay nagsimula na kaming suungin ang sentro ng gubat kung nasaan ang hinahanap namin, at ngayong narito na kami, ang masasabi ko lang ay pucha naman talaga.

"Paksyet naman. Hindi ba nauubos ang mga 'to?" reklamo ko habang sinusugod ang isang cyclops. Talagang patuloy lang ang pagdating ng ilan pa sa kanila at naiinis na ako dahil kanina pa 'ko nagugutom, pucha hindi ba naman kami nakapag-almusal kanina.

Nakarinig naman ako ng malakas na pagsabog sa kaliwang bahagi ng aking puwesto kaya't agad akong napalingon doon. Hoo gagi nagwawala na si master kidlat. Angas, umuusok 'yung napatumba niyang cyclops, at mukhang nawasak na ata 'yung ulo.

Mukhang galit si master, bakit kaya?

"Heads up!" dinig kong sigaw ni Zero kaya't napatingin ako sa itaas at doon ay nakita ko kung paano lumipad ang braso ng isang cyclops! Tangina sinong may gawa no'n?!

Mabilis akong napatakbo sa kabilang gawi ng gubat dahil baka ako'y maging pilipit kapag hindi ako tumabi. Napatingin naman ako kay Zero na siyang itinuro si Javi. Gago talaga ni master eh, nagwawala ng palihim.

"Ampotek, early warning naman boss!" sigaw ko rito, ngunit hindi man lang ako pinansin.

Maya-maya pa'y nakatapos na rin kami sa pagpatay sa mga kulugong cyclops sa sentro ng gubat kaya't patungo na kami ngayon sa itinurong direksyon sa'min papunta sa kuweba, at putek naman talaga...

Aba! Meron pa! Hindi ba sila napapagod?

"Ready your weapons!" pagkasabi niyon ni Crein ay sabay-sabay na kaming umatake sa aming mga kaharap. Mga takte kayo gusto ko ng umuwi, miss ko na si Blair.

Inilabas ko na ang aking weapon na naglalagablab at gamit iyon, ay agad ko itong ibinato sa papalapit na kulugo sa'kin, at boom sapul! Bago ko pa muling naisipang mag-patuloy ay bigla naman akong naka-isip ng kalokohan.

"What if? What if lang ha?! Makipag-bato-bato pik tayo sa kanila, tapos kung sino ang manalo sa kanila ang kristal HAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa kong tanong sa aking mga kasama.

"Idiot, dapat maiba taya na lang HAHAHAHAHA!" ganting sigaw naman ni Crein kaya't nagka-titigan tuloy kami.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" sabay naming bulalas ng tawa dahil sa pinagsasabi namin.

"Focus, you lunatics!" singhal sa'min ni Zero na siyang tumatakbo sa kasalungat kong gawi.

Hopia, focus daw, sige na nga. Sa totoo lang, mas mabaho pa sa patay na hayop 'tong mga kaharap naming cyclops. Ewan ko ba pero halo-halo na ang amoy nila, para bang basura + imburnal + lahat na ng mabahong kung ano. Tapos nakasuot lang sila ng sira-sirang tela bilang kanilang pang-ibaba. At ang ilan sa kanila ay may mga dalang malalaking kahoy na siyang iwinawasiwas nila sa'min.

Kailan pa sila naging warrior of the woods?

Nagulat na lang ako ng may isang malaking kamay ang nagtangkang hawakan ako ngunit bago pa mangyari iyon ay naputol na ito dahil sa isang liwanag na tumama rito.

"Thanks 'tol, mwah mwah ka sa'kin mamaya." nang-aasar kong saad kay Ash na sinamaan lamang ako ng tingin.

"Javi, we'll make some way. Mauna ka na." sabi ni Crein kay master kidlat. Nagtinginan naman kaming lahat at saka sabay-sabay na nagpalabas ng aming abilities, at bago naman umalis si Javi ay binigyan niya muna kami ng isang tango.

Mabilis akong tumakbo patungo sa isang kulugo ng akma nitong hahabulin sana si master, kaya't agad ko 'tong pinatamaan ng apoy sa kanyang paa dahilan ng tuluyang pagka-sunog ng buong katawan nito. Burn!

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now