12 | The City

67 2 0
                                    

Blair's POV

Ilang oras na ang nakalipas simula nang mag-byahe kami, at ilang oras na rin naming pinapanood ang dalawang nasa harapan namin. We can't take off our eyes on the huge mirror above the drivers seat just to watch them happily. I just took a nap and when I woke up, I can't help but to find them so adorable on their position.

Magka-sandal ang kanilang mga ulo habang natutulog ng mahimbing, suot din nilang parehas ang mag-kabila ng isang earphones at masasabi kong talagang komportable sila sa gano'n.

"Omy gee! Bagay sila." kinikilig na hirit ni Irys na kanina pa rin pinapanood ang dalawa.

Napapalakpak naman ng mahina si Vera, "Sa true! Ay teka nga, aba napapansin ko ha kami na lang ni Irys walang partnership dito. What is this, kaming dalawa na lang gano'n? No way." napatawa naman kami ni Avery sa sinabi niyang iyon.

"Oy beh, maka-no way ha, at parang kaya mo naman akong itaboy. 'Wag ka ngang ano d'yan, sumbong kita kay Ishan eh." pang-aasar ni Irys dito. Ishan is our friend from Elite, and Vera has a crush on him since last year. I smiled when she covered her face dahil sa hiya, I mean sa kilig.

"Blair matulog ka na ulit, inaantok ka pa oh. Mamaya mo na panoorin 'yang dalawa." natatawang aya ni Blaze sa'kin.

"They look good together. Irys is right, bagay sila, and minsan lang natin makitang ganyan si Javi." natatawa kong wika.

As I watch them, I can't help myself but to be more curious about Ely. Then I remembered that time on the island when I used my charmspeaking ability on her. It was amazing and very unusual, because it looks like she's capable to block my will. Nagulat kami noon maliban sa kanya na mukhang walang kaalam-alam sa kung anong nagawa niya. Now I think, maybe there's something more about her and I will be here, us, to help her. I turn my gaze to the man beside her, Javier, the most powerful demigod right now— a son of Zeus. I smiled widely to the thought, that, maybe, just maybe... he's more than anything with, her.

They're more than anything, together.

Gosh, kung ano-ano ng naiisip ko.

Matagal pa 'tong byahe dahil wala pa kami sa boundary ng mortal realm, kaya sana'y masulit nilang dalawa ang pagtulog. Naiiling akong napangiti, bago sumandal sa balikat ni Blaze upang umidlip muli.


⊱.·:*¨༺ ༻¨*:·.⊰


Ely's POV

Hindi ko mapigilang mainis ng maramdaman ko ang mahinang pagkalabit sa akin ng kung sino. Agh, natutulog 'yung tao oh, istorbo naman eh. At mas nakakainis pa dahil unti-unti na ring umiingay ang paligid, mula sa tunog ng mga busina at maiingay na sasakyan. Why is it so loud? Where the heck am I? I just want to sleep!

Umulit pa ang ilang pangangalabit sa'kin, na siyang ilang beses ko ring tinatabig. "Psh, teka five minutes." inis na reklamo ko sa kung sino mang lapastangang gumigising sa'kin.

"Tsk, we're here." seryosong saad ng isang boses sa tabi ko.

Sa tabi ko?! TABI KO?!

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata at tumambad sa'kin ang mukha ng isang lintik na nilalang. Agh, si tuod.

Ilang sandali pa ay doon ko na napagtanto na sa kanya pala ako nakasandal kanina. Did I dozed off on his shoulder?! What the?! Agh, bakit walang nagsabi, jusme naman.  Hindi ko na siya pinansin pa, nagsimula na lang akong ayusin ang aking sarili. At walang imik akong sumilip sa bintana upang tingnan kung nasaan na kami. Nasa bayan na kami.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now