8 | Combat

92 2 0
                                    

Ely's POV

"Ilipat mo nga 'yung channel dre."

"Ihh, pahingi ako niyang chips, dali na."

"Shh, 'wag kayong maingay baka magising si Ely."

Nagising ako dahil sa magkaka-halong boses na namumuo sa aking paligid, anong nangyayari, bakit ang ingay? I slowly opened my eyes to see what's happening, but to my surprised I was greeted by a white surrounding and I think I'm in a clinic or hospital, because I also noticed the apparatuses that is connected to my body.

Hah! I feel so tired, my body and head hurts so bad, what the heck happened to me?!

Nang tuluyan ng bumalik ang aking diwa ay doon ko nakita kung paano magbangayan sina Blaze at Crein sa kung ano ang kanilang papanoorin, si Lein na nakikipag-agawan ng bag of chips kay Avery, at si Blair na todo saway naman sa kanila, habang ang iba ay tahimik lang sa isang tabi.

Nang hindi ko naman makita ang tuod na anak ni Zeus ay marahan kong inilibot ang aking tingin sa paligid, nasaan kaya 'yun?

"Tsk..." mabilis akong napa-ayos ng higa matapos marinig ang pamilyar na angil niya.

Naka-upo siya sa malapit na upuan sa tabi ng aking hinihigaan, at bigla namang kumunot ang kanyang noo marahil ay nagtataka sa ginagawa ko, dahil doon ay tinarayan at sinenyasan ko naman siya na huwag mag-ingay.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang magpanggap na tulog, at saka ako umingit na tila ba kakagising ko lamang.

Agad naman silang lumapit sa'kin.

"Oh gosh Ely! You're awake! How are you feeling?" agad na tanong ni Blair na siyang mahigpit na naka-hawak sa aking kanang kamay.

"May masakit ba sa'yo?" tanong naman ni Avery habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"Sandali, tatawagin lang namin si doktora." saad ni Blaze at agad na hinila si Ash palabas.

Pilit ko namang pinipigilan ang aking sarili na matawa dahil sa naiisip kong kalokohan.

"Where am I?" mapagpanggap kong tanong.

"You're in the hospital of the academy. Is there something wrong?" nagtatakang tanong ni Blair, wait— there's really an hospital in the academy?!

"What happened to me?" walang emosyon ko namang tanong.

"Nawalan ka ng malay after ma-activate ng weapon mo 'yung ability mo." saad ni Vera.

Psh, I already lost consciousness on the very first day of our class. Kaasar, hindi ko tuloy nakita kung ano pang mga nangyari.

"Who are you? Who am I?" nagtataka kong tanong dahilan upang mapasinghap sila.

Natigilan naman kami ng makabalik na sina Blaze at Ash na kasama ang isang babaeng doktor na sa tingin ko'y nasa mid-thirties na.

"Omy gee doc, wala siyang maalala!" nagpa-panic na saad ni Irys, haha.

"Stop it already." ay ano ba 'yan, ang epal naman nitong tuod na'to parang ewan eh.

"Psh, papansin mo." inis kong saad sabay taray sa kanya.

Natawa naman ng mahina ang doktora, habang ang mga kasama ko ay napabuntong-hininga na lamang, marahil ay naintindihan na kung anong ginagawa kong panti-trip sa kanila.

Hemitheos: Eternal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon