34 | Corinth

33 2 0
                                    

Blair's POV

Ilang minuto rin kaming naglakad-lakad bago marating ang patutunguhan namin. Napangiti ako sa tanawin na bumungad sa amin matapos makarating sa paanan ng Mount Kyllini o kilala rin bilang Ziria. Dito kami dinala ng coordinates na ibinigay ni Prof.

"There's a ten minutes trekking to the nearest house here. Prof said, that it will be our destination, we need to be careful because of the background of our person." pahayag ni Luna sa amin.

We continued our walking while following Luna who's leading us. Masyadong matarik ang nilalakaran namin kaya't medyo mahirap, pero ok pa rin naman kasi sobrang ganda ng mga nakikita namin. Kumukuha rin ako ng ilang pictures para maipakita sa iba pa naming mga kasama pagbalik namin sa academy.

Ilang sandali pa medyo mapuno at tahimik na rin ang lugar na narating namin kaya nakakakaba na.

"Wow, ang ganda!" singhap ni Vera matapos naming marating ang magandang kubo na nasa bungad ng gubat.

Katamtaman lang ang laki niyon, at mayroong magandang hardin sa unahan. Super daming mga tanim na makukulay na bulaklak. Ang mga kasama ko ay naglibot-libot sa paligid ng bahay.

Pumunta naman ako sa mga tanim na bulaklak at masayang tiningnan ang mga iyon. Iba't-ibang klase ang naririto pero mas napukaw ang atensyon ko sa naggagandahang mga pink roses. Sobrang dami nila, gusto ko sanang pumitas kaso baka magalit ang may-ari.

Lumapit naman si Crein dun sa kubo at tyaka kumatok ng marahan. Ilang beses siyang kumatok pero walang sumasagot.

"Baka walang tao? Or baka naman mali tayo ng napuntahan?" usisa ni Vera.

Hindi naman siguro kami mali, si Prof na rin mismo ang nag-confirm ng coordinates kaya sure naman siguro 'tong location namin. Nagpalinga-linga pa kami para silipin kung may tao ba sa loob, ang kaso wala talaga.

"Aray!" natumba na lamang ako ng biglang may malakas na puwersang tumama sa akin.

Nakita ko ang malaking sugat sa kaliwang hita ko kaya't napangiwi na lamang ako. Sana hindi mag-peklat. Napansin ko ang isang mukhang nasa mid-thirties na babae at papalapit siya sa gawi namin habang may hawak na staff, na siyang ginamit niya upang atakihin ako.

Itinutok niya ito sa mga kasama ko kaya't agad akong kinabahan, "No! No! We're not doing anything!" malakas kong ani.

Pero hindi niya ako pinakinggan, naglabas pa rin siya ng kanyang ability at tyaka pinatama sa mga kasama ko. Buti na lang mabilis na kumilos si Ishan at nakagawa agad siya ng barrier na gawa sa ability niya.

The lady continued to attack them, so Crein step up and use his weapon to slow down her. Vera's also using her weapon to help.

"Don't hurt her guys." imporma ko sa kanila.

Marami man ang lumalaban sa kanya ay hindi pa rin iyon alintana sa sitwasyon niya, dahil mahahalatang siya'y isang malakas na nilalang. Kung mag-isa lang ang isa sa amin, ay kakayanin niya sigurong patumbahin.

I slowly drag myself to a tree, because I know that I can't help them right now. My wound is still bleeding and it will take some time for it to be completely healed. The sound of clashing weapons and abilities surrounded the area.

Now, Luna's also attacking the lady but not heavily because I know that she now knows that... she's the person we're looking for.

"You are not welcome here! Go away!" sigaw niya sa amin.

She's angry, she needs to calm down.

Come on Blair! We need to help them. Although it hurts I carefully stand and slowly walk towards them, I signal my friends to gave me some way. Then they use their abilities to tie her up. She scream so loud when their abilities touch her skin.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now