18 | Announcement

58 3 0
                                    

"SHERA! SA KALIWA MO!" namuo sa buong silid ang malakas na pagsigaw ni Vera habang tumatakbo patungo sa kanyang kapares na ngayo'y nakasalampak na sa sahig.

They're partners for today's pe class, while for me? I am luckily paired to Blair, thank you sa aking malakas na manifestation! Prof Ram decided to change the previous pairing, because he reasoned out that he wanted to see how we will work with the others too.

Si Irys naman ay walang kapares, ngunit nandito pa rin siya at nakiusap na siya'y manonood lamang sa'min kasi nagloloko raw ang kanyang tiyan, at dahil may pruweba siya mula kay doktora ay pinayagan naman siya ni Prof.

Halos magda-dalawampung minuto nang nakasalang 'yung dalawa ngayon, at ang masasabi ko lang ay, kaawang Vera. Paano ba naman, kanina pa siya bugbog sarado dahil halos siya lahat ang umaatake sa mga holographic model ng mga minotaurs na kaharap nila, ito rin kasi 'yung kagaya nung sa holographic model ng daemons, na kung saan ay nararamdaman pa rin namin ang sakit kapag natatamaan nila kami.

And for this activity, we're free to use our weapon and our abilities.

Naka-ilang ikot na ata ako ng aking mga mata dahil sa ginagawa ni Shera na puro pag-iwas at pagtakbo lamang. I was still wondering since day one about her weapon, yes she have one. It's a scepter with a red lotus on its top, that she's still not using on our training classes— as well as her ability, that we still have no idea what it is.

"Ms. Shera use your weapon or your ability!" dumagundong ang malakas na sigaw ni Prof Ram, ngunit tila walang naririnig 'yung isa at puro takbo pa rin ang ginagawa nito sa loob ng training hall.

"Uh, she's really annoying!" mahinang bulong sa'kin ni Lein, na hindi ko na lang pinansin at pinanood na lamang sila.

Ilang sandali pa'y laking gulat namin nang bigla na lang nadapa si Shera dahilan upang tuluyan siyang malapitan agad ng isang minotaur. Nang makita iyon ni Vera ay akma sana itong lalapit sa kapares upang matulungan, ngunit makaraan ang ilang minuto ay bigla na lang namilipit sa sakit ang minotaur. What's happening?

"I guess she already discovered it, her ability. It looks like she got the one like her mother's, the ability to curse." biglang wika ni Luna, wow! That's awesome and freaky at the same time.

Bigla namang tumunog ang buzzer hudyat na tapos na sila, kaya't agad silang nilapitan ni Avery upang bigyan ng paunang-lunas.

"Congratulations Ms. Shera, but I want you to know that you really need a lot of training, especially for your combat." paalala ni Prof rito. "And, let me remind you class, in the battlefield there's no turning back." seryosong wika pa niya sa'min.

"Alright. Last team, Ms. Ely and Ms. Blair, proceed." utos niya sa'min.

Magkasabay naman kaming tumungo ni Blair sa gitna ng training hall at wala pang ilang segundo ay naglabasan na ang mga minotaur, at walang pag-aalinlangan kaming tumakbo parehas patungo sa gawi ng mga iyon.

As soon as I got near them, I quickly used my ability to stop the time on the position of the minotaurs in front of me.

Immobilization Magic, that's what I called this ability. It allows me to freeze time for all, except to those I specifically chooses to remain mobile. They can still hear us dahil parang harang na dome lang naman ang naghihiwalay sa'min sa kanila, after I made sure na ayos na ang ginawa ko ay tyaka naman lumapit si Blair upang gamitin ang kanyang ability.

"Die." nahihirapan niyang utos sa mga ito, ngunit ilang sandali rin ay tuluyan ng naging abo ang mga kaharap namin.

Note to self, never ever galitin ang anak ni Aphrodite. She's so freaking powerful! With her charmspeaking ability, she can rule the realm, char oa lang. Blair is such a pure soul, and I know she will never do such thing. Heck, she's the epitome of beauty and kindness, duh.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now