40 | The Graeae

49 3 0
                                    

Irys's POV

"Is it really okay if we're leaving her here?" nag-aalalang tanong ni Blair sa amin.

Naghahanda na kami para sa quest na ibinigay ng headmistress. Lahat kami'y mawawala maliban kay Izell at Zero na nag-volunteer magpaiwan para may magbabantay kay Ely.

"Don't worry we'll be looking after her." naninigurong saad ni Zero.

Dapat talaga ay si Javi ang maiiwan, pero wala siyang nagawa dahil sa utos ng headmistress.

"You are the leader of the Aurum and you must make sure they will comeback here alive." ayan, 'yan ang sabi ni headmistress sa kanya. O di'ba kabog sa pressure para kay Javi, 'de jok lang.

Hindi niyo na maitatanong e si Javi ang tinitingala namin bilang isang magaling na leader, oo nga't si Luna ang mukhang mas may potential pero kapag si Javi ang humahawak ng mga quest ay paniguradong malupit ang kakalabasan. Si Luna na rin mismo ang nagsabi sa amin noon, na mayroong kung ano sa masungit na iyon... kaya go lang kami.

Siniguro muna naming ayos na ang mga backpack namin bago kami tuluyang lumabas, well kaunti lang naman ang dala namin dahil hindi naman siguro kami magtatagal. Nakita ko pa ang sandaling pag-uusap nila Javi at Zero. Ano naman kaya 'yun? Hay bahala sila, so ito na nga bale 13 kami ngayon at sa mortal realms lang naman ang punta namin kaya mabilis lang sigurong matatapos ito. Wondering kung bakit ang dami namin? Well we just don't want to underestimate this quest, mamaya hindi namin alam this is the end na pala... siyempre jok lang.

Alam niyo ba kung anong gagawin namin? Siyempre hindi, para namang ewan jok.

Ito na nga... ang quest for today's video ay ang maghanap ng tatlong hukluban, jok. Ang hahanapin namin ay ang 'The Graeae'. They are known as the three haggard old sisters in greek mythology, who shared one eye and one tooth among them. They were the daughters of the sea gods Phorcys and Ceto, and sisters of the Gorgons. They took turns using their eye and their tooth. O di'ba ang dugyot.

At ano nga bang gagawin namin? Well ito na ang chika. Gustong makakuha ng information ng council about sa mga nangyayari ngayon sa academy, kahit anong information basta may connect sa mga kaganapan ngayon or kung anong puwede naming gawin to prevent future disasters, well desperado na rin kami dahil nakakapagod din ang ganitong set-up.

To be honest they can get naman ng info from the mamsi and papsi of us pero ayun nga ang problema... out of coverage ang mga magulang namin. I tried to talked to my mother but unfortunately wala akong natanggap na anumang senyales mula sa kanya, maski ang mga kasama ko'y nagtawag na rin pero wala talaga. Nalaman naman namin na nakausap ni Blair ang mama niya nito lang pero sa panaginip pa at wala naman talaga silang naging maayos na interaction doon.

Kaya the academy is really hoping na we can get an info sa matatandang iyon. Well I am too is really having a high hopes for this quest dahil we don't have any choice, dahil ang mismong god of prophecy ay hindi ma-contact ng kanyang mga junakis.

Nga pala nabalitaan ko 'yung nangyari kay Lein kahapon, nasa grounds kasi ako n'on kasama sila Vera habang nagte-training kasama ang mga familiars namin. Narinig ko kay Blair 'yung ginawa na naman ni Lein sa sarili niya. Oo tama kayo ng basa, dahil ilang beses niya ng ginagawa 'yun sa kanyang sarili. Simula nung makilala ko siya e may instances talaga na nagiging bayolente siya, hindi lang sa iba kundi pati sa sarili niya.

Sa mga ganung panahon ay pati kami'y nagpa-panic dahil sa maaaring mangyari sa kanya, pero with the help of Blair I can say na Lein's much better than before, na nung bata pa lang kami ay aakalain mo siyang tao na tinubuan ng init ng ulo, jok lang love ko 'yun.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now