37 | Trapped

34 3 0
                                    

Nagpagulong-gulong ako sa aking higaan, malapit ng sumikat ang araw ay hindi pa rin ako nakakatulog. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, nang magising ako kaninang alas-kwatro ay pinilit ko talagang bumalik sa pagtulog pero ayaw na talaga ng katawan ko.

Mamaya pa ang pasok, at for sure ay aantukin na naman ako sa klase kapag nagkataon.

Isa pang pahirap sa akin ay ang paulit-ulit na pag-iisip ko tungkol sa lagay ni Azriel, hindi pa rin kasi siya nagigising hanggang ngayon at dumagdag pa sa mga isipin ko ang mga kababalaghang nangyayari sa eskwelahang 'to, ewan ko kung bakit ganito... gusto ko na lang maging hotdog dahil sa dami ng nangyayari.

Mabilis kong iniling-iling ang aking ulo. "Tama na Yzabelle! Ang sakit sa ulo, nakaka-stress." inis kong singhal sa aking sarili. Mababaliw na ata ako.

At dahil nga wala na akong magagawa sa naputol kong tulog ay nagtungo na lamang ako sa banyo upang maligo. Matapos niyon ay nag-suot na lang muna ako ng itim na jogging pants, puti na crop top at tyaka ko ito pinatungan ng gray na hoodie, lalabas muna siguro ako dahil maaga pa naman at mamaya pa ang klase namin.

Nang makapag-ayos na ako kahit papaano, ay bumaba na agad ako at tumungo sa kusina— syempre 'lam niyo na... kape.

Nang makapag-timpla na ako, ay agad naman akong dumiretso sa balcony at doon nagmuni-muni. Hinihintay ko ang tuluyang pagsikat ng araw, habang sumisimsim sa masarap kong kape.

Ilang sandali pa ng aking pagmumuni-muni ay narinig ko naman ang pagbukas ng sliding door ng balcony. Agad kong nilingon ang kung sino mang pumasok at si tuod lang pala.

Halatang kakagising niya lang, dahil magulo pa ang buhok niya at papikit-pikit pa ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa siyang tumayo sa puwesto niya habang nakatingin sa akin, nang biglang walang imik siyang naupo sa sofa na narito, isinandal niya naman sa headrest ang kanyang ulo at tyaka siya pumikit. Ano ba 'to? Nag-sleep walk ba siya o sabog lang talaga siya?

Binalewala ko na lang ang sabog na lalaking narito at bumalik ng muli sa aking morning emote emote. Nang malapit ko ng maubos ang aking kape ay papasok na sana ako sa loob, ang kaso itong isa ay bagsak na sa sofa na narito. Naka-pamaluktot na siya, siguro'y dahil sa malamig na hangin. Nilapitan ko naman agad siya at inayos ang pagkakahiga niya, well I'm not going to lift him up para ihiga siya kanyang kwarto o kahit sa sala man lang. Katamad uy.

Pumasok na ako sa loob at hinugasan ang ininuman kong tasa. Pumanhik naman ako sa kwarto niya, at buti na lang e bukas iyon. Pagpasok ko'y tumambad sa'kin ang malinis na paligid, walang nakakalat na damit o 'di kaya'y mga pinagkainan. Wow! It's suprisingly clean. Sobrang linis ng kwarto niya, hindi katulad ng ibang mga lalaki na kulang na lang ay magmukhang tambakan ng basura ang kanilang mga kwarto. Kulay gray, black, white at gold ang motif ng kwarto niya, pati na ang mga gamit ay gano'n din ang mga kulay.

Kinuha ko naman kaagad ang kumot niyang kulay gray na nakalatag sa kama niya. Nang makalabas ako, ay agad akong bumalik sa balcony at naabutang tulog pa rin siya, ipinagpag ko muna ang kumot niya bago ko ito inilatag sa katawan niya. Nang masiguro kong komportable na siya, ay iniwan ko na siya roon at lumabas na ng dorm.

Dahil nga mag-aala sais pa lang e wala pa masyadong estudyante na nagkalat sa grounds, pero may mangilan-ngilan na mga dryad at centaurs akong nakikita na marahil ay may inaasikaso sa kanilang mga gawain.

Mabilis naman akong nakarating sa destinasyon ko, agad akong lumapit sa reception area at tyaka kinausap ang dryad na nurse na naka-toka ngayon.

"Ang aga mo naman ata Ely." natatawang ani sa'kin ni Nurse Vinda na siyang naging ka-close ko na dito sa ospital dahil sa madalas kong pagbisita.

Hemitheos: Eternal AcademyWhere stories live. Discover now